What's new

"MY SISTER IS HAVING ANXIETY BECAUSE OF WHAT HAPPENED TO HER" PLEASE GUYS TAKE TIME TO READ I NEED YOUR ADVICE 😩

Fakuuuu

Enthusiast
Joined
Nov 21, 2020
Posts
8
Reaction
3
Points
34
Hindi ko alam kung pano ko ito sisimulan. My heart is torn dahil sa nangyari sa kanya. So here's the story :


Yung kapatid ko inaya ng boyfriend ng pinsan ko. (turns out kasama nya sa bahay) Ganito yung setup 3 silang babae at 1 lalaki galing ibang bansa pero Pinoy din at Citizen na doon. One day yung pinsan nyang babae na may bf galing ibang bansa is umuwi dito sa Manila at tumuloy sa apartment na tinutuluyan nila. At first syempre ayaw nila pero wala silang magagawa kasi wala din matutuluyan yung gagong lalaki na yun. Fast forward 2020. Okay naman sila lagi nagkwekwento yung kapatid ko sa Mom ko na okay lang sya. Mabait yung bf ng ate nya which is yung pinsan namin. He even say na kapatid lang ang turing nya sa kapatid ko at sa isang pinsan namin. At pinapakita naman ng lalaki na kapatid ang turing sa kanila. Kaya nagtiwala yung kapatid ko sa gag*ng yun! Aaminin ko hindi ako nagpaka Kuya sa kapatid ko nag iisa lang din syang babae sa amin magkakapatid lahat kamj ay lalaki na. Maaga ako nag asawa. Kaya hindi ko napunan yung pagiging Kuya sa mga kapatid ko pero nandyan naman ang gabay ng lola at lolo ko sa kanila. Alam ko na disappoint sila sa akin dahil sa nangyari. So flashback sa kapatid ko. Naging close sila nung kapatid ko nagtiwala sya dahil ang turing nya dito ay totoo ng kapatid. They share thoughts about things. Kasi sabi nung pinsan namin kausapin din daw nila nung isa kong pinsan at kapatid dahil malaki daw ang problema. Broken family sila. Gaya ng naikwento sakin ng kapatid ko. Puno ng galit yung lalaki sa family nya dahil Hindi ito napag tapos ng pag aaral. Ganun din naman kami pero may respeto kami sa tao. At hindi kami nagtanim ng sama ng loob sa magulang namin after all kundi dahil sa kanila wala kami ngayon sa mundong ito. Napansin din ng kapatid ko na weird minsan yung lalaki in short kulang sa pansin. Kaya lagi syang nagpapalambing dun sa pinsan namin. Kahit sya yung may kasalanan. Lumalabas din silang apat at gumagala ng masaya. Kaya hindi nila naisip na makakayang gawin ng lalaking yun yung ginawa nya sa kapatid ko. Unexpected yung nangyari kasi lahat sila nagtiwala. Yung kapatid ko walang trabaho dahil sa covid stress sya sa buhay pero kinakaya nya lahat yun tapos ganun pa yung nangyari sa kanya. So wala syang trabaho yung dalawa nyang pinsan is meron kakahired lang din ng pinsan nya sa isang company. Kaya naiwan na silang dalawa aa bahay yung kapatid ko at bf ng pinsan namin. Okay naman, hindi kami nag iisip ng iba doon sa lalaki kasi mabuti naman pinapakita nung lalaki sa kanila. Yun pala sa mabuting ugaling yun may mga katangian sya na hindi pa pinapakita. Inaya nya yung kapatid ko makipag *** sa kanya hindi daw direct pinabasa lang sa kanya sa notes. Grabi yung takot ng kapatid ko. Pero pinagaan nya lang that time yung atmosphere kasi hindi nya na alam sasabihin nya. She even say ah kaya sinabi mo sa akin yan, yan yung gusto mong sabihin kay Ate which is yung pinsan namin. Then he agreed. Siguro para makawala nalang din sya sa ginawa nya. Tapos maliligo na yung kapatid ko akala nya okay na. And guess what ano nangyari. He have *****ng audacity sabihin sa kapatid ko na pwede daw ba syang sumama sa loob ng cr habang naliligo sya titingin lang at walang gagawin. Dude!!! Nasa tama ka pa bang pag iisip?!!! Yoh asked my sister those stupid questions like its okay!!! What do you think to my sister?!!! Yung kapatid ko na yan may karanasan na ng Sexual Harassment. Matagal bago sya nakapag cope up then you ruined her again!!! Masakit pa nagtiwala sya sayo!!! Kasi ang tingin nya sayo ay Kuya na!!! Pasalamat nalang ako sa Diyos dahil hindi mo sya nagalaw physically. Dahil kung nagalaw mo hihiram ka sa aso ng pagmumukha! Nalaman na din ng pinsan ko na kasama sa bahay ng kapatid ko. Umamin yung lalaki nung una ayaw pa. Tapos pina alis na nila pinauwi sa Lola nya. Sabi ng kapatid ko pinapa sa Diyos nya nalang lahat. Nagkaroon sya ng trauma. Hindi pa nasasabi sa Mama namin natatakot sya sa magiging reaction nito. Hanggang dito nalang. Salamat sa pagbabasa. Please respect. At kung meron kayong payo at reactions. Feel free. Kailangan ko din ng kausap at mga payo nyo tol. Alam ko walang free counseling dito sa Pilipinas. Hirap din kami dahil sa Covid. Kumakapit nalang kami kay God. Alam ko matapang ang kapatid ko makakayanan nya ito. At kung mabasa man to ng lalaking gumawa sa kanya nito. Si God nalang bahala sayo. Mas mabuti na wag ka ng bumalik ng Pilipinas.



- Joshu
 
Yung kapatid ko guys ayaw nya na ng gulo. When she found out na babalik na ng bansa yung lalaki. Mas naging okay sya. Kahit na agrabyado sya mas pinipili nya na wag mag result to ng conflicts sa buhay nya. Too much burde na. Ppl nowadays alam nyo naman. Baka kumalat din sa Probinsya namin at lalo lang gumulo. Affected family namin yung pinsan ko. Ang importante sa kanya kinampihan sya ng pinsan nya. At nakipagbreak na sa bf nya. She's finding herself again through God's grace.
 
She doesn't get it. Bakit nagawa nung lalaki yun sa kanya. Pinatunguhan nya naman ng maganda. Bakit ang daming lalaki na nagpapatalo sa tawag ng laman at nag le-lead ng sexual harrasment.
 
Hindi nya pwede idahilan na dahil liberated sa kanila. Dahil pvtangina nya. Wala pa karanasan kapatid ko sa ganun. She's open minded but not in a way na ganung usapan.
 
need mo ng kapatid mo ng counselling eh baka kase lumala pa yan pero in the mean time kung walang wala pa kayo eh comfort nyo na lang sya siguro pero sana makapagpatingin kayo sa Psychologist para matulungan sya
 
Hindi sa judgmental sa iba diyan pero mahirap talagang tumira sa loob ng iisang bahay ang lalaki at babae kasi hindi mo sigurado kung kailan mag-iisip ang lalaki gamit ang nasa baba niya imbes na yung utak sa taas. May mga g+go nga na kapatid, tatay o pinsan eh how much more pa yung hindi kadugo? Bihira yung genuine talaga.

Kung pwedeng mapatingin o mapakausap siya sa health professional gano'n sana kasi twice na palang nangyayari sa kan'ya. Baka naging traumatic lalo. Pero kung hindi kaya sa panahong ito siguro TS ito yung tamang oras para magpaka-kuya ka lalo sa kapatid mo. Iparamdam mo yung presence mo. Reach out ka sa kan'ya. Kumustahin at kausapin mo siya lagi hangga't maaari. Let her know that what happened is not her fault.
 
[XX='Fakuuuu, c: 513538, m: 1793599'][/XX] it's a good thing na nandyan yung family eh lalo't na sa ganyan sitwasyon.
 
Salamat pre sa payo mo. Ang dami kasing kino consider ng kapatid ko. Nung una naawa pa sya don sa lalaki kasi mahilig mag paawa kesyo ganito ganyan. Walang kaibigan hindi mahal ng magulang. Tapos yung pinsan namin. Yung mararamdaman nya. Pagkakaibigan nilang tatlo. Aminado naman yung pinsan naming babae na may pagkakamali sya kasi sya yung mas matanda dapat una palang hindi na sya pumayag. Na patirahin yung lalaking yun sa tinutuluyan nila. Hindi rin daw akalain na mangyayari yun. He even say na pag nalaman na ng family nung pinsan ko kasi ang alam eh. Sobrang santo nung lalaking yun sa probinsya parang crimjnal na daw sya. Hindi naman sya pumatay. Jina justify pa nya yung ginawa nya. Like wtf. Kung ako lang babasagin ko pagmumukha nun. At ipapakulong pero ayaw na ng kapatid ko. Mas lalo lang syang ma tro-troma.
 
I'm not here to offend the TS, pero always remember that there are always two sides in every story...

Unlike sa post ng iba calling to grab their torches and pitchforks and start hunting the "accused", I think we better reserve any judgment.

TS, kung sa tingin mo agrabayado na kapatid mo, it's either she go to the police and file a complaint. Or move to a different place. Ideally, both.
 
Gets kita pre. Umamin na yung lalaki na ginawa nya yun. Naka record kasi dahil kinonfront din nila kinagabihan nung nangyari yun kasama yung gf at isa naming pinsan. Besides my sister is boyish. Ni hindi nagsusuot yun ng reviling. Siguro lib"g na talaga yung gagong yun at nasabinnya sa kapatid ko yun. Gusto man kasuhan. Kaso ma to-trauma lang kapatid ko pag napunta pa sa korte. Besides okay na rin na bumalik na ng bansa nya yung lalaki. Kapal nalang ng mukha nun bumalik.
 
[XX='Cosmic_Ray_MutagenesisX, c: 529083, m: 262490'][/XX] So ano gusto mong sabihin ko? Burn the "accused"! Ikaw ano sasabihin mo?
 
Last edited by a moderator:
[XX='homer_simpson, c: 529092, m: 1361956'][/XX]

lol praning ka ata eh, nag agree nga ako sayo.. madami dito sa PHC na mga witch hunter pero nagpapanggap na matino at desente, pero sa totoo subra pa siguro ginawa nila sa kapatid ni TS.

wahaha
 

Similar threads

Back
Top