First of all pre, duterte country tayo, pag nabuntisan at iniwan mo siya, magbabayad ka pa rin ng demanda. Pangalawa, cheaters always cheat because they justify their actions through continually cheating on the other person, meaning gustong gusto nila mandaya dahil akala nilang tumatama ang mali nila. Sa totoo, may mga cases na nandadaya ang isang tao dahil un din ang ginawa sa kanya dati, perhaps sa dati niyang naging nobyo. Mas maganda na maghanap ka na lang ng seseryoso sa iyo, time will come makakahanap din siya ng katapat niya, ganyan ang pagibig eh, parang karma lang.
At kung marami siyang nirerelasyon, well maraming chansa na magkasakit siya sa ginagawa niya. Mahirap kasi ang promiscuity. Ang buhay hindi parang "My Sassy Girl" hindi totoo ung maghihintay ng 6 years kung kayo pa. Disyerto nga umuulan din paminsan minsan. Wag mong igaya sa telenovela ng GMA ang relasyon, better na maghanap ka ng iba at maging maligaya at malaya, malay mo ang mapapangasawa mo eh nasa tabi-tabi lang (pinariringan kita Donalyn Bartolome). Kasi kung nageentertain siya ng ibang guys ibig sabihin gusto niya ulit bumalik sa laro ng pagibig, ang problema ung iba akala ang pagibig eh team sport parang basketball at hindi 1 on 1 parang fencing o dama. So, good luck pre, sana mahanap mo ang para sayo para masaya naman ang iyong pasko. Merry Christmas po.
Hay, mabawasan ko na nga ang pagpopost, baka sabihin nila marami akong oras dito sa trabaho at bakit hindi ko pa sinusubmit tong kape ni boss sa opisina niya.