What's new

My depression

Andy jee

Addict
Joined
Jul 19, 2017
Posts
82
Reaction
16
Points
89
Age
27
Hello mga ka phc share ko lang yung nararamdaman ko araw araw buti nalang dito hindi ka ma identify, mga isang buwan na din kasi akong hindi makatulog at makakain nang maayos, nag simula lang ito nung nawalan ako nang trabaho at bukod dun nawalan nang savings tapos iniwan pa ako nang dapat na gagabay sa pinagdadaanan ko hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na matatangal din ako sa work ko 4years na ako actually sa bpo industry, kaya nung tinanggal nila ako sa work nitong January lang hindi ko na alam kung anong gagawin ko inaatake ako nang depression ko malungkot umiiyak ako minsan naiisip ko na lang din mawala sa mundong to sa dami nang problema ko ni isa walang kumukumusta saakin kung ok lang ako minsan napa isip ako kung nag e-exist pa ba ako may nakakaalala pa ba saakin may kaibigan ba ako na malalpitan 😔 sorry po nilalabas ko lang nararamdaman ko dito 😞
 
Mabuti't naisipan mo na ilabas yung nararamdam mo dito sa forum 😀 Masaya kami na damayan ka at kahit papano eh mapagaan ang loob mo. 4 yrs no? Grabe sobrang tagal na masakit din talaga kung iisipin, may nangyari ba? may nagawa ka ba? Yung nangiwan ba sayo asawa mo o gf mo Tol? Prone tayo sa pag ooverthink kapag ka hating gabi o kapag ka wala tayong ginagawa kaya do your best na maging productive araw araw kahit na mahirap. Kain ka din kahit na konti mahirap kapag ka walang laman yung tiyan tas panay trabaho ng utak mo nakaka baliw yan. Sa Pilipinas sobrang di binibigyang inportansya yung mental health kaya mostly sa mga nakakaranas eh sinasarili nalang kasi natatakot o nahihiya na baka hindi sila maintindihan kaya bilib ako sayo na nagkwento ka 😁 Andito lang kami kapag kelangan mo ng kausap.
 
Paps saan ang magulang at mga kapatid mo? Mainam paps bisitahin mo sila tas ipaalam mo ang sitwasyon mo ngayon, kung awkward naman paps, lapit ka sa ka close mong kamag anak pinsan ba kapatid o kahit sinong ka close mo
 
Same tayo TS. Ang pinagkaiba lang natin. Di ako iniwan ng asawa ko. Naniwala at nagtiwala pa rin siya na makakahanap ako ng bagong trabaho at makakaahon pa kami. Galing din ako BPO industry for 4 yrs. Pero sakin naman ako mismo nagresign. They will put us on the bench kasi for a month habang wala pang nakukuhang bagong trabaho para samin. So naisipan ko na lang magresign since di na kami pwede mag WFH and office na lang talaga. So for 2 months wala akong trabaho. Misis ko wala din. Umaasa lang kami sa mga utang, sanla motor at benta gamit. Grabe stress at yung depression ko nun. Di ko na alam gagawin ko. Pero nilakasan ko pa rin loob ko at naniwala sa dyos na sinusubukan niya lang ako. Kaya nag try ako mag freelance. Inaayos ko laptop ng step daughter ko para makahanap ng trabaho online. Nanood ako mga basic tutorial paano pumasok sa freelance. Syempre sinabay ko na din yung pakikinig at panunood ng motivational at inspirational videos sa YT. Konting ayos CV/Resume ko then nag try na ako mag-apply. 1st attempt ko ligwak. Pero pinalad naman sa second attempt ko. Sa OLJ pala ako naghanap. Direct client. Initial interview ko yung president mismo ng company yung nag interview. Akala ko di ako makakapasa kasi wala na sinabi sakin kung may final interview pa ba. Then after 3 days nag message si Mr. President for JO na daw ko and sign na ng contract. Sobrang saya ko nun kasi 20k+ lang kinikita ko sa BPO per month pero dito 30k+ and permanent WFH pa and nakukuha ko ng buo yung sahod ko. Ngayon paunti-unti na kaming nakakabangon. Magtiwala ka lang sa sarili mo TS. Lagi mong tatandaan na walang pagsubok na di natin kaya bsta maniwala ka lang sa diyos. Siya lang ang sandigan natin sa mga ganitong sitwasyon.
 
Kamusta ka TS ,
OK lang po ako salamat po ❤️

Maraming salamat po ❤️ appreciate ko po yung sinabi mo

Paps saan ang magulang at mga kapatid mo? Mainam paps bisitahin mo sila tas ipaalam mo ang sitwasyon mo ngayon, kung awkward naman paps, lapit ka sa ka close mong kamag anak pinsan ba kapatid o kahit sinong ka close mo
Thank you po I appreciate po ❤️

Same tayo TS. Ang pinagkaiba lang natin. Di ako iniwan ng asawa ko. Naniwala at nagtiwala pa rin siya na makakahanap ako ng bagong trabaho at makakaahon pa kami. Galing din ako BPO industry for 4 yrs. Pero sakin naman ako mismo nagresign. They will put us on the bench kasi for a month habang wala pang nakukuhang bagong trabaho para samin. So naisipan ko na lang magresign since di na kami pwede mag WFH and office na lang talaga. So for 2 months wala akong trabaho. Misis ko wala din. Umaasa lang kami sa mga utang, sanla motor at benta gamit. Grabe stress at yung depression ko nun. Di ko na alam gagawin ko. Pero nilakasan ko pa rin loob ko at naniwala sa dyos na sinusubukan niya lang ako. Kaya nag try ako mag freelance. Inaayos ko laptop ng step daughter ko para makahanap ng trabaho online. Nanood ako mga basic tutorial paano pumasok sa freelance. Syempre sinabay ko na din yung pakikinig at panunood ng motivational at inspirational videos sa YT. Konting ayos CV/Resume ko then nag try na ako mag-apply. 1st attempt ko ligwak. Pero pinalad naman sa second attempt ko. Sa OLJ pala ako naghanap. Direct client. Initial interview ko yung president mismo ng company yung nag interview. Akala ko di ako makakapasa kasi wala na sinabi sakin kung may final interview pa ba. Then after 3 days nag message si Mr. President for JO na daw ko and sign na ng contract. Sobrang saya ko nun kasi 20k+ lang kinikita ko sa BPO per month pero dito 30k+ and permanent WFH pa and nakukuha ko ng buo yung sahod ko. Ngayon paunti-unti na kaming nakakabangon. Magtiwala ka lang sa sarili mo TS. Lagi mong tatandaan na walang pagsubok na di natin kaya bsta maniwala ka lang sa diyos. Siya lang ang sandigan natin sa mga ganitong sitwasyon.
Thank you po dito ❤️ I appreciate po

dito lng kami lagi Ts,,,
Thank you po I appreciate po ❤️

Thank you po nang marami sainyo ❤️ gumaan po pakiramdam ko kala ko po kasi walang may pake saakin ❤️ na appreciate ko po lahat nang message nyo salamat po ❤️
 
Last edited:
Keep fighting lang Bossing life is good, tingin ka sa paligid mo may mas matitindi pa pinagdadaanan sayo go parin sila.
 
bakit ayaw mo sabihin yung grounds of termination mo boss? wala namang company na mag terminate ng isang employee na hindi bayad (re-trenchment) unless meron mabigat na kaso
 
dapat may magkaron ng section na parang conference call, para pwede kang may makausap anytime
pag message at comment lang minsan hindi rin nakakatulong eh.

mas okay pag naririnig ng depressed person yung feelings ng kausap nya para maibsan yung lungkot
 
Similar threads

Back
Top