May pusa rin kami pangalan nya cream, mukhang tigre yung design ng balahibo nya na kulay gray first generation ng anak nya apat yung lumabas, buhay lahat yun nung lumabas makalipas yung ilaw araw unti unti nabawasan, Yung isa nadaganan ng ina namatay kaya kinain na lang niya para hindi masayang total nanggaling din naman sa sinapupunan nya yun, tapos yung pangalawa kulang yung balat kaya may butas yung katawan namatay din bali yung natitirang dalawa nabuhay naman yun ng isang buwan pero sa nakakalungkot na pangyayari namatay yung favorite ko na pusa sa apat na kuting na yun white black yung kulay malambing matalino. lagi sakin natabi yun, Palagi ko rin ginagala yun tuwing nalabas ako sayang, namayat yun bago namatay parang may poison kasi yung ina nila nalilipat sa anak kapag nadede, Bali isa na lang yung natira orange white malinis tingnan tinuruan ko din yun pumatong sa balikat ko ng hindi natalon, Kapag nauuhaw yun pupunta sa banyo kapag hindi abot iiyak syempre ako matik na bibigyan ko yun, Sa kubita rin natae yun ang talino nga eh