What's new

jessicalanye

Eternal Poster
Joined
Nov 11, 2022
Posts
868
Reaction
313
Points
290
Sino po NBA greatest of all time para sa inyo?

Si MJ po ba na nagpasikat sa larong basketball sa buong mundo at dahilan naging multi billion ang Nike?

Or si LeBron na sa laki ng katawan ay siyang nagpa uso ng team hopping at flopping? 😁
 
MJ pa rin!

michael jackson GIF
 
Magkaibang era yan. Sa era ni Jordan malakas team nya na maikukumpara sa GSW. Pero slow paced, iilan lang athletic, limitado lang range ng mga players. Unlike sa era ni Lebron dami ng malalakas, hirap bantayan, kailangan kahit half court babantayan dahil nakaka shoot ng malayo. Nag catch up na rin mga Europe players at ibang Banda when it comes sa skills. Ung sinasabi mong flopping ni Lebron ginagawa nalang niya yun dahil noong early ng career niya bihira sya makakuha ng tawag ng foul sa kalaban dahil malakas katawan ni Lebron
 
very well said... 🙌🙌

MJ syempre. Si Mj may Killer instinct, Si lebron winning moment na ipapasa pa.
Kaya sa championship ni lebron, ang naalala ko yung 3 point shot ni Ray Allen at 3 point shot ni Kyrie Irving.
Parang walang moment na ganun si Lebron. Saka parang more on Publicity na rin kasi ngayon.

Kay MJ, naalala ko kahit bata pa ko nun e yung s†éál nya kay Kar malone at Winning Shot nya kay Bryan Russel.
 
Para sa akin, as an overall player. Ang pipili-in ko ay si LeBron James.

MJ syempre. Si Mj may Killer instinct, Si lebron winning moment na ipapasa pa.
Kaya sa championship ni lebron, ang naalala ko yung 3 point shot ni Ray Allen at 3 point shot ni Kyrie Irving.
Parang walang moment na ganun si Lebron. Saka parang more on Publicity na rin kasi ngayon.

Kay MJ, naalala ko kahit bata pa ko nun e yung s†éál nya kay Kar malone at Winning Shot nya kay Bryan Russel.
Hindi naman niya pinasa kay Allen yon🤣 Nag attempt pa nga 3 si LeBron para ma tie eh, tas nag mintis, nirebound ni Bosh tas pinasa kay Allen kasi mas malapit at medjo open

Tas di yan mag te-take ng 3 point shot si Kyrie kung lamang ng 2 points ang GSW kung di na block ni LeBron yung fastbreak ni Iggy.

Maglebron po kayo para maganda 😏
Hater ka lang
 
Last edited:
Hindi naman niya pinasa kay Allen yon🤣 Nag attempt pa nga 3 si LeBron para ma tie eh, tas nag mintis, nirebound ni Bosh tas pinasa kay Allen kasi mas malapit at medjo open

Tas di yan mag te-take ng 3 point shot si Kyrie kung lamang ng 2 points ang GSW kung di na block ni LeBron yung fastbreak ni Iggy.
Hindi yung mismong nangyari yung ibig ko sa sabihin. Ok sana kung yung moment ni Ray allen at moment ni Kyrie sa champhionship ay si Lebron nakagawa. Yung winning moment kasi talaga tumatatak sakin. Pero in terms of power or lakas, talagang malakas katawan ni lebron.
Saka isa pa, na medyo kaya MJ ako, si lebron lumipat sa miami walang championship na prime ni wade, tapos bumalik sa Cavs prime naman ni Kyrie. Tapos sa lakers nag recruit ng panigurado. Kung di lumipat si lebron at napachampion nya yung CAVS, medyo mas OK sana.
Si MJ di nag recruit at di lumipat para kumuha ng championship.

Napansin ko lang, talagang gusto ni Lebron lagpasan si MJ. Pero malabo pa sa generation ngayon na naka abot sa panahon ni MJ. Kahit si wade MJ sya. Siguro magiging GOAT si lebron sa ibang henerasyon, yung di naabutan si MJ. Sa ngayon MJ ako.
 
yan kasi problema. Hindi si LeBron ang may problema, kundi ang executives ng Cavaliers. Kung ikaw si LeBron tas bibigyan kalang ng role players tas at best matandang Shaq na may injury pa, di ka kaya aalis sa management na yan?

Nuong 2007 nga e inofferan ng Lakers ang Cavaliers na e trade si Kobe para kay LeBron. Pero di tinuloy ng Cavaliers.

Tas eto pa, na sweep ng Spurs yung Cavs sa finals nuong 2007.. Duncan, Ginobili, Parker vs LeBron tas roleplayers. Age 22 pa si LeBron jan.

1690551183925.png

Gustong gusto din ni LeBron na lagpasan yan si MJ kasi 1) idol niya yan si MJ dahilan bakit 23 jersey number niya nung bata pa siya.. 2) Motivated siya kasi 2 championships at 2 finals mvps lang lamang ni MJ.... kung hindi lang sana sa 3point revolution sa NBA.. malamang may winning finals record nayan si Lebron.

Tas isa pa, hindi rin disappointment yung career niya kasi highschool palang siya, mataas na expectations sa kanya.. pero na surpass niya yun. Di rin disappointment yung mga pinuntahan niyang team kasi nagka-champion siya dun.
 
Attachments

Gustong gusto din ni LeBron na lagpasan yan si MJ kasi 1) idol niya yan si MJ dahilan bakit 23 jersey number niya nung bata pa siya..
Obvious naman to. Pero dapat para malagpasan nya si Jordan, hayaan nya history mag dictate pagkatapos ng career nya. Para hindi mag parang self proclaimed lang ang dating. Si MJ, di natin maririninig sa kanya na sinasabi nya na sya yung the GOAT. Dahil alam nya, di pa sya nalalagpasan ni Lebron sa ngayon. Hinahayaan nya yung nasa paligid ang mag sabi kung sino ang GOAT sa kanilang dalawa. Si MJ hindi nagrerequest ng teammates sa bulls, di gaya ng mga star player ngayon.

Sa ngayon parang si Giannis palang ang star nakikita ko na hindi namimili ng teammate at kinayod ng todo yung championship nya, ganun yung mga gusto ko. hindi lumilipat. Tingin ko nga minsan kaya bumalik si lebron sa Cavs, nakita nya na malaking tulong sa magiging career or record nya si Kyrie. Kung walang Kyrie sa Cavs, malabong bumalik dati yun. Kung napagchampion sana ni lebron yung Cavs bago sya lumipat, mas maganda sana yun.
 
Back
Top