What's new

Trivia Mga Senyales na Nahuhulog kana sa Kanya

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,954
Solutions
6
Reaction
66,411
Points
16,634
Is this love that I'm feeling? or Am I just dreaming?

Kung sa tingin mo naligaw ka lang ng thread aba'y huminto ka muna ,at baka habang ito ay iyong binabasa makakarelate ka pa.

Narito ang ilan sa mga senyales o sintomas na ikaw ay posibleng unit unti ka na ngang nahuhulog sa kanya.

  1. Hanggang langit ang saya mo kapag nandyan lang siya at parang gusto mong tumigil ang oras kapag kasama at kausap mo siya. Yung tipong ayaw mo na siyang pauwiin sa kanila at gagawa at gagawa ka ng paraan para mapatagal pa ang oras ng pagsasama niyo,
  2. Komportable ka sa kanya pero di mo maiwasang mahiya at kabahan na tipong bumibilis ang tibok ng puso mo ag sa loob may namumuong kilig na ewan na hindi maipaliwanag.
  3. Nag-aasaran kayo, inaasar ka niya, inaasar mo siya, kahit tawagin ka niyang pangit okay lang sayo dahil alam niyo sa isa’t isa na yung asaran na yun ay nagiging lambingan niyo na. Ang cute di ba?anu relate ka na?
  4. May mga pagkakataong nagiging You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ka, gusto mo lagi mong inaabangan yung mga posts niya ; nagba-back read ka at wala kang pinalagpas na hindi mo nila-LIKE o ne react. Weird, pero normal na pagdaanan mo ang stage na yan.
  5. Habang binabasa mo ang thread na’to naiisip mo siya.
  6. Meron siyang sariling notification alert sound sa text o ibang app messaging sa phone mo para sa tunog pa lang alam mo nang siya ang nag-message sayo.
  7. Napapangiti ka na lang mag-isa kapag gamit mo ang phone mo, kahit magmukha kang ewan sa mga katabi mo at sa ibang nakakakita sayo, okay lang.
  8. Gusto mong malaman yung mga personal na status niya sa buhay, tulad ng kung anong middle name niya, paborito niyang ulam, family background, childhood memories, at kahit ano pang ikwento niya sayo, gustong gusto mong makinig o makabasa ng message kahit abutin pa kayo ng madaling araw.
  9. Kapag nagme-message ka sa kanya ng “kumain ka na?”, okay lang yun pero yung may kasunod na “Huwag ka papagutom,” yun kadalasan eh nafafall agad sa linyahang yan,weak talaga.
  10. Minsan isang gabi nakatulugan mo siya habang kausap sa phone o ka-chat, pero kinaumagahan, super sorry ka sa kanya kahit wala lang sa kanya yun.
  11. May isang bagay kayong napagkakasunduang at ang mahalaga ay nakakausap mo siya.
  12. May mga kanta na kapag naririnig mo bigla mo siyang naalala sabya ngiti abot sa tenga kahit pa naghuhugas ka ng plato sa kusina.
  13. Ayaw mong matapos ang araw na hindi mo siya nakakausap o kahit text at chat man lang. Dahil siya na ang naging “good” sa night at morning mo.Kumbaga naging daily motivation at inpiration mo na din.
  14. Kapag nagkwento siya sayo ng mga bagay na alam niyang matU-turn off ka sa kanya at hindi ka na-turn off. Isa lang yan sa mga signs na unconditonal love yang nararamdaman mo para sa kanya.
  15. Nakakaramdam ka ng selos, lalo na kapag kasama niya yung mga close friends niya o kahit magkausap lang sila kasi iniisip mo na sana nandun ka o sana ikaw na lang ang kasama niya. –(sound selfish sometimes)
  16. Kinikilig ka lagpas atmostphere (o kahit konti)kahit pa sa korni jokes at banat niya sayo.
  17. Simpleng lugar lang ang mga pinupuntahan niyo pero kapag kasama mo siya para sa’yo ay nagiging espeyal na ang lahat .
  18. Napunta ka sa thread na’to at kanina ka pa pangiti-ngiti dyan.Aba iba na nga yan ,tinamaan ka nga talaga🤭

Now you know....
Nasa sa iyo na yan kung paano mo ipagtatapat yan sa taong mahal mo. Pero take note na senyales lang yan na “ikaw ay naiin-love na sa kanya” hindi ng “siya ay naiin-love sayo.”
Why not Minsan ask yourself:
'anong meron sa kanya at kinahumalingan mo ng lubos na tila napana ka ni Kupido ng paulit-ulit'.
Ang pag-ibig nga naman… ang sabi ng iba Love is blind, ang sabi naman ng ilan Love is not blind. We just don’t see things like love does.





excerpt and edited from juanmalaya
 
Last edited:
Senyales yan na crush mo lang sya. Pag inlove walang ganyan..hahaha! De joke lang 😆🤣

Senyales yata ng inlove, is yung magulo ang utak, saka wala sa hulog.. lagi tulala..hahah! 🤣

Yan pala ang mga senyales.. ❤️☺️ salamat mam sa pagbabahagi.haha
✌️
 
Last edited:
Back
Top