What's new

Mga Paraan Para Maintindihan ang Bible

Kung ang Diyos ay pag-ibig, masasabi bang pagpapakita ng pag-ibig ang pagpatay Niya sa mga tao sa great flood noong panahon ni Noe?

Kung ang Diyos ay pag-ibig, masasabi bang pagpapakita ng pag-ibig ang pagwasak Niya sa sodoma at gomora?

Kung ang Diyos ay pag-ibig, masasabi bang pagpapakita ng pag-ibig ang pag-utos Niya na patayin ang lahat ng lalaki at babae, mga bata at sanggol at mga hayop sa amalec?

Sa mga nabanggit ko, ang mga turo o teksto bang ito ay kaayon ng mga katangian ng Diyos? Ang Diyos ay pag-ibig (1 Juan 4:8). Ang Diyos ay maawain (Lucas 6:36).
ano ba gusto niyo sabihin? use common sense at hindi kayo naniniwala sabihin niyo nalang ng matapos na wala naman masyadong debate na magaganap at hindi ko naman kayo hihikayatin paniwalaan paniniwala ko matutuldukan lang ang mga katanungan

at ikaw ano nakakatawa Yortz
 
ano ba gusto niyo sabihin? use common sense at hindi kayo naniniwala sabihin niyo nalang ng matapos na wala naman masyadong debate na magaganap at hindi ko naman kayo hihikayatin paniwalaan paniniwala ko matutuldukan lang ang mga katanungan.

Hindi naman kailangan ng debate sir. Naniniwala naman ako sa Diyos Ama at sa Bugtong Niyang Anak na si Jesus. Nakakalungkot lang dahil may mga tekstong nakasulat sa Biblia na hindi naman talaga kaayon ng mga katangian ng Diyos. Mahal din ng Diyos ang mga makasalanan kaya naniniwala akong hindi magagawa ng Diyos na pumatay ng mga makasalanan at gayundin idamay ang mga walang sala. Utos ng Diyos na "huwag papatay" dahil ayaw ng Diyos ng mga patayan. Pero maraming tekstong mababasa sa Biblia na ang Diyos ay pumapatay at nag-uutos din na pumatay ng mga makasalanan at walang kasalanan. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang Diyos ay mapagpatawad at maawain. Kapag pumatay Siya ng mga tao na Kanyang mga anak, nararapat pa ba Siyang tawaging Diyos na mapagmahal, mapagpatawad at maawain kung gagawin Niya ang mga iyon? Ito sana ang gusto kong iparating sa aking komento.
 
Last edited:

Maganda yung tanong mo .. Pero gaano mo kakilala ang Diyos na sinasabi mo po? I mean, bakit mo po naitanong yung about sa mga paghatol ng Diyos noon? And, can you explain why is it wrong na hatulan ng Diyos ang mga tao na kaniyang hinatulan bilang masasama at hatulan sila ng kamatayan?

Ano po ba ang pagkaunawa ninyo sa pag-ibig ng Diyos? Is that all about pagiging mabait, at yung, giving life to those people na ubod ng sasama at hayaan silang mabuhay kahit napakasama na ng kanilang mga ginagawa anupat puwedeng makaapekto sa kaniyang tapat na mga lingkod dito sa lupa?

Ano po ba ang pagkaunawa ninyo tungkol sa mga paghatol ng Diyos? Ang Diyos po ba ay gaya nating mga tao na humahatol lang ng basta-basta nang hindi makatarungan at walang makatuwirang dahilan? Ano po sa tingin ninyo? Para po sa inyo, basta-basta lang kaya talaga hinahatulan ng Diyos ng kamatayan ang mga tao dahil lang sa iyon ang gusto niya lang na gawin?
 
Hindi naman kailangan ng debate sir.
natural po hindi kailangan ng debate ewan ko ba sa mga ito ang dadamot sumagot parang masyado mataas ang pride super proud
nasabi ko lang na debate kasi hindi mo maiiwasan hindi magkasagutan kapag magkasalungat paniniwala niyo sa isa't isa hahantong talaga sa debate

Nakakalungkot lang dahil may mga tekstong nakasulat sa Biblia na hindi naman talaga kaayon ng mga katangian ng Diyos.
ahem yan lang ang tanong ko bakit hindi niyo pa sagutin bakit iignore niyo nalang gaya ng ginawa ng iba

para sana malista ko na ganito pala paniniwala ng JW hindi lahat ng nasusulat sa bible ay totoo para sa kanila may mga contradictions sa bible

Ang Diyos ay mapagpatawad at maawain. Kapag pumatay Siya ng mga tao na Kanyang mga anak, nararapat pa ba Siyang tawaging Diyos na mapagmahal, mapagpatawad at maawain kung gagawin Niya ang mga iyon? Ito sana ang gusto kong iparating sa aking komento.
okay po sinagot muna dito yung matagal ko ng tinatanong sa inyong Jehovah Witness

hindi nga talaga kayo naniniwala sa 2nd death noted po thank you but i do believe why? it will only leads to debate pag sinabi ko po

finally case closed
 
natural po hindi kailangan ng debate ewan ko ba sa mga ito ang dadamot sumagot parang masyado mataas ang pride super proud
nasabi ko lang na debate kasi hindi mo maiiwasan hindi magkasagutan kapag magkasalungat paniniwala niyo sa isa't isa hahantong talaga sa debate

ahem yan lang ang tanong ko bakit hindi niyo pa sagutin bakit iignore niyo nalang gaya ng ginawa ng iba

para sana malista ko na ganito pala paniniwala ng JW hindi lahat ng nasusulat sa bible ay totoo para sa kanila may mga contradictions sa bible

okay po sinagot muna dito yung matagal ko ng tinatanong sa inyong Jehovah Witness

hindi nga talaga kayo naniniwala sa 2nd death noted po thank you but i do believe why? it will only leads to debate pag sinabi ko po

finally case closed
Hindi JW yan si marcoramiro .. Ako po ang TS sa thread na 'to .. Kaya, huwag pong magconclude agad agad ..

You will misinterpret our beliefs po ..

Kung gusto mo malaman Scary_Piggy kung ano paniniwala ng mga JW .. Visit ka lang po sa aming official website ..

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Maganda yung tanong mo .. Pero gaano mo kakilala ang Diyos na sinasabi mo po? I mean, bakit mo po naitanong yung about sa mga paghatol ng Diyos noon? And, can you explain why is it wrong na hatulan ng Diyos ang mga tao na kaniyang hinatulan bilang masasama at hatulan sila ng kamatayan?

Ano po ba ang pagkaunawa ninyo sa pag-ibig ng Diyos? Is that all about pagiging mabait, at yung, giving life to those people na ubod ng sasama at hayaan silang mabuhay kahit napakasama na ng kanilang mga ginagawa anupat puwedeng makaapekto sa kaniyang tapat na mga lingkod dito sa lupa?

Ano po ba ang pagkaunawa ninyo tungkol sa mga paghatol ng Diyos? Ang Diyos po ba ay gaya nating mga tao na humahatol lang ng basta-basta nang hindi makatarungan at walang makatuwirang dahilan? Ano po sa tingin ninyo? Para po sa inyo, basta-basta lang kaya talaga hinahatulan ng Diyos ng kamatayan ang mga tao dahil lang sa iyon ang gusto niya lang na gawin?
Gaano kakilala ang Diyos na sinasabi ko? Nakilala ko ang Ama dahil kay Cristo. Di ba nasusulat, "Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, Siya ang nagpakilala sa Kanya." (Juan 1:18). Kay Jesus ko mas nakilala ang katangian ng Ama. Hindi ka ba naniniwala na ang Panginoong Jesus ang "full reflection of the Father in heaven"? Bakit ko nasabi? Dahil galing mismo sa Kanyang aral, Anumang ginagawa ng Ama ay Siya ring ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan (Juan 5:19). Kaya maliwanag na "He is the full reflection of the Father in heaven". Ang utos ni Jesus na "ibigin ang mga kaaway", na naputanayan nating ginawa naman ni Jesus habang Siya ay nasa mundo. Pinahirapan, kinutya, binato, ipinako sa krus ng mga taong tumutuligsa sa Kanya. Ngunit imbes na magalit o maghiganti, Siya ay nagpakumbaba at idinalangin Niya sa Ama na Sila'y patawarin dahil sa Kanyang pag-ibig sa mga kaaway. Hindi pa rin nawala ang pag-ibig ni Jesus sa mga makasalanan. Nanatili pa rin ang Kanyang kabutihan sa kanila sa kabila ng mga pagpapahirap sa Kanya. Ang tanong ay, ginawa ba ito ni Jesus dahil ganun talaga Siya? Hindi. Ginawa ito ni Jesus dahil yun ang nakikita Niya sa Ama sa langit kaya Kanya rin namang ipinakita nung Siya ay nasa mundo pa. Sa Ama Niya nakita at natutunan ang pag-ibig sa mga kaaway. Kaya sa aking pagkaunawa, hindi magagawa ng Diyos Ama na patayin ang mga masasama sa baha, wasakin ang sodoma at gomora, at ipagutos na patayin ang mga tao sa amalec dahil sa pag-ibig Niya sa mga kaaway (mga masasama) na natunghayan ni Jesus sa Kanya. Makatarungan ang Diyos dahil parehas Niyang mahal ang mabubuti at masasama. Dahil kung mabubuti lang ang Kanyang mamahalin, hindi Niya maililigtas ang masasama sa Kadiliman.
 
Last edited:
Kaya sa aking pagkaunawa, hindi magagawa ng Diyos Ama na patayin ang mga masasama sa baha, wasakin ang sodoma at gomora, at ipagutos na patayin ang mga tao sa amalec dahil sa pag-ibig Niya sa mga kaaway (mga masasama) na natunghayan ni Jesus sa Kanya. Makatarungan ang Diyos dahil parehas Niyang mahal ang mabubuti at masasama. Dahil kung mabubuti lang ang Kanyang mamahalin, hindi Niya maililigtas ang masasama sa Kadiliman.
Marahil ay hindi mo nga lubusang nauunawaan kung sino ang Diyos na sinasamba mo .. Ikaw na mismo ang nagsabi, sa pagkaunawa mo, sinabi mong hindi gagawin ng Diyos ang pagpatay sa masasama .. What do you think will happen to the future of human societies kung patuloy na nabuhay kasama ng mga di-sakdal na tao ang anak ng mga anghel, which is yung Nefilim?

Ano kaya ang nangyari sa bayan ng Israel kung kasama nilang nakasalamuha sa pagsamba ang mga Amalekita na sumasamba sa mga diyus-diyosan? Hindi ba't kahit wala na ang mga Amalekita eh nagkasala pa din sila ng idolatriya at sumamba pa din ang mga Israelita sa mga diyus-diyosan? Paano pa nga kung hindi sila nilipol ng Diyos? Hahayaan ba ng isang Diyos na hayaan ang kaniyang mga lingkod na makipamayan sa mga sumasamba sa mga diyus-diyosan?

Gaano mo kakilala ang Diyos na sinasamba mo kung totoo ngang kilala mo siya?
Explain it to me ..
 
Hindi JW yan si marcoramiro .. Ako po ang TS sa thread na 'to .. Kaya, huwag pong magconclude agad agad ..

You will misinterpret our beliefs po ..

Kung gusto mo malaman Scary_Piggy kung ano paniniwala ng mga JW .. Visit ka lang po sa aming official website ..

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
sabihin mo nalang kuya
bakit kuya gusto mo ba malaman paniniwala ng ibang religion diba hindi rin unless rekta ng sasabihin
 
sabihin mo nalang kuya
bakit kuya gusto mo ba malaman paniniwala ng ibang religion diba hindi rin unless rekta ng sasabihin
Kung interested kang malaman ang paniniwala ng isang tao, ikaw mismo gagawa ng paraan para alamin iyon .. Binigyan na kita ng reliable source para mapagkunan ng tamang impormasyon tungkol sa aming paniniwala .. I don't have time for you para ipaliwanag ang aming paniniwala .. Kung gusto mo tlgang malaman ang paniniwala namin, bakit hindi mo bisitahin ang website namin?
 
Kahit kelan hindi nyu talaga kayang tanggapin ang yan lalo kana sir piggy scary ,,,,
Ganyan din ang kahinatnan ng buong mundo pasensya na ganun talaga ehhh ahahahahahhh
 
Back
Top