- Joined
- Oct 13, 2017
- Posts
- 25,978
- Solutions
- 6
- Reaction
- 66,459
- Points
- 16,646
Lagi nating naririnig sa mga kwento ng ibang tao at sa mga karanasan na din nila,na nangagaliwa ang isang tao dahil sa kakulangan sa seksual na pangagailangan,bagamat mga nakapaloob pa na mga dahilan aside dyan.
Sa isang pag-aaral noong 2017, napag-alaman na mayroon pang ibang dahilan ang mga tao kung bakit sila nangangaliwa o nagtataksil sa kanilang partner. Ilan sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng mababang self-esteem, pagiging malayo sa asawa at iba pa.
Bakit nga ba nagoloko at nangaliwa ang isang tao? Narito ang mga posibleng nagtulak sa kaniya para gawin ito:
Maaaring mayroon kang nagawa sa iyong asawa na hindi niya nagustuhan o nakasakit sa damdamin niya. Kaya naman gusto ka niyang saktan pabalik, o ipadama sa’yo ang naramdaman niya.
Madalas, gumaganti ang isang tao kapag nakakaramdam siya ng selos. Halimbawa, nakita ng iyong partner na kinausap mo ang iyong ex sa social media at nagselos siya. Kaya gagawa siya ng bagay na ikakagalit o ikakaselos mo.
Maraming nagsasabi na kaya nila nagawang mangaliwa o pumasok sa isang panibagong relasyon ay dahil na-“fall out of love” na sila sa kanilang asawa.
Kapag nawala na ang kilig sa isang relasyon, maaaring hanapin ng iyong partner ang pakiramdam na ito sa ibang tao.
Bahagi ng benepisyo ng pag-aasawa o pagiging parte ng isang relasyon ay mayroon kang taong maaasahan at masasandalan kapag kailangan mo. Pero paano kung malayo ang taong ito sa’yo?
Maraming mga pagsasama ang nasisira kapag nangungulila ang taong nasa malayo. Halimbawa, ang mga OFW, naghahanap siya ng makakaramay at makakasama na malapit sa kaniya.
Madali at masaya ma-in love. Pero ang mahirap na bahagi ay ang pagiging tapat sa isang tao lang habang kayo ay nasa isang relasyon, o kung kayo ay kasal, habang-buhay. Kapag pumasok ka sa isang relasyon, inaasahang magiging tapat o committed ka sa taong iyon.
Pero may mga tao na nahihirapang mag-commit, o ibigay ang sarili nila ng buong-buo sa isang tao. Maaaring hindi nila nakita ang ganitong klase ng relasyon o pagsasama sa kanilang pamilya. Kaya hindi nila magawang maging tapat sa isang tao lamang. Ito rin ang dahilan kaya nauso ang mga “open relationship.”
Sa simula ng isang relasyon, mapapansin na masaya ang pagsasama ng magkasintahan. Minsan, tinatawag itong “Honeymoon stage.” Pero kapag natapos na ang masayang panahon na ito at nasanay na kayo sa isa’t isa. Maaaring makaramdam ng pagkabagot o ma-bore ang isang tao sa relasyon at magawa niyang maghanap ng bagong karanasan mula sa iba.
Kapag parang paulit-ulit ang nangyayari sa inyong relasyon, maaring maghanap ng variety ang isang tao. Kaya hindi siya nakukuntento sa isang partner lang.
Mayroon ring mga taong nakakaramdam ng “thrill” o excitement sa paggawa ng bawal. Ginagawa nilang “adventure” ang pagloloko at tinitingnan kung hanggang kailan nila magagawa ito nang hindi sila nahuhuli ng kanilang asawa
May mga tao na nagagawang pumasok sa isang affair dahil mababa ang tingin nila sa kanilang sarili; na kailangan nila ng ibang tao para maramdaman na importante sila.
Maaaring nai-insecure ang iyong partner sa kaniyang sarili, at kapag may isang tao sa labas ng relasyon na nakakapansin ng mga kagandahan niya o maakit sa kaniya. Maaaring matukso siyang makipagrelasyon dito, o patulan ang kaniyang flirting o sa Tagalog, makipaglandian
Bagama’t ang hindi natutugunang sekswal na pangangailangan ng tao ang karaniwang sanhi ng pangangaliwa. Tandaan na hindi sa *** laging nagsisimula ang mga affair.
Maaaring nagsisimula ito sa “harmless” na pagkakaibigan, o kaya nararamdaman ng isang tao na pinakikinggan siya ng kaniyang officemate na hindi na nagagawa ng kaniyang asawa. Hanggang lumalim na ang kanilang pagtitinginan at pumasok sa isang bawal na relasyon.
Nailista man ang mga dahilan ,masasabi pa din natin na wala pa ding excuse ang pangloloko at pagtataksil sa isang tao.
excerpt & paraphrase from TheAsianParent

Bilang pagganti sa partner

Isa rin itong paraan para makuha ang iyong atensyon, kung sa palagay ng iyong asawa na wala ka nang oras para sa kaniya
Nawawala ang kilig o spark sa pagsasama
Maraming nagsasabi na kaya nila nagawang mangaliwa o pumasok sa isang panibagong relasyon ay dahil na-“fall out of love” na sila sa kanilang asawa.
Kapag nawala na ang kilig sa isang relasyon, maaaring hanapin ng iyong partner ang pakiramdam na ito sa ibang tao.
Pagiging malayo sa isa’t isa
Bahagi ng benepisyo ng pag-aasawa o pagiging parte ng isang relasyon ay mayroon kang taong maaasahan at masasandalan kapag kailangan mo. Pero paano kung malayo ang taong ito sa’yo?
Maraming mga pagsasama ang nasisira kapag nangungulila ang taong nasa malayo. Halimbawa, ang mga OFW, naghahanap siya ng makakaramay at makakasama na malapit sa kaniya.
Walang kakayahang manatili sa isang eksklusibong relasyon
Madali at masaya ma-in love. Pero ang mahirap na bahagi ay ang pagiging tapat sa isang tao lang habang kayo ay nasa isang relasyon, o kung kayo ay kasal, habang-buhay. Kapag pumasok ka sa isang relasyon, inaasahang magiging tapat o committed ka sa taong iyon.
Pero may mga tao na nahihirapang mag-commit, o ibigay ang sarili nila ng buong-buo sa isang tao. Maaaring hindi nila nakita ang ganitong klase ng relasyon o pagsasama sa kanilang pamilya. Kaya hindi nila magawang maging tapat sa isang tao lamang. Ito rin ang dahilan kaya nauso ang mga “open relationship.”
Naghahanap ng bago sa kanilang buhay
Sa simula ng isang relasyon, mapapansin na masaya ang pagsasama ng magkasintahan. Minsan, tinatawag itong “Honeymoon stage.” Pero kapag natapos na ang masayang panahon na ito at nasanay na kayo sa isa’t isa. Maaaring makaramdam ng pagkabagot o ma-bore ang isang tao sa relasyon at magawa niyang maghanap ng bagong karanasan mula sa iba.
Kapag parang paulit-ulit ang nangyayari sa inyong relasyon, maaring maghanap ng variety ang isang tao. Kaya hindi siya nakukuntento sa isang partner lang.
Mayroon ring mga taong nakakaramdam ng “thrill” o excitement sa paggawa ng bawal. Ginagawa nilang “adventure” ang pagloloko at tinitingnan kung hanggang kailan nila magagawa ito nang hindi sila nahuhuli ng kanilang asawa
Mababang self-esteem
May mga tao na nagagawang pumasok sa isang affair dahil mababa ang tingin nila sa kanilang sarili; na kailangan nila ng ibang tao para maramdaman na importante sila.
Maaaring nai-insecure ang iyong partner sa kaniyang sarili, at kapag may isang tao sa labas ng relasyon na nakakapansin ng mga kagandahan niya o maakit sa kaniya. Maaaring matukso siyang makipagrelasyon dito, o patulan ang kaniyang flirting o sa Tagalog, makipaglandian
Hindi natutugunan ang kaniyang emosyonal na pangangailangan

Last edited: