What's new

Help Mentally drained.

Hazama

Save me ✋
Elite
Joined
Aug 16, 2015
Posts
15,715
Solutions
5
Reaction
24,770
Points
5,742
Alam nyo guys 7 years na akong namamasukan dito sa pinagtratrabahoan ko pero di naman masyadong mahigpit although magagawa ko naman yung gusto kong gawin. Sakin lang is parang wala na akong alam sa mga technical problems like grumaduate ako ng Associate course at balak ko maging isang magaling na computer technician pero ngayon parang wala na. Nalilimutan ko na lahat yung mga pinag-aralan ko. Ang hirap, kase feel ko wala nakong value at silbi dito sa mundo. Pati english speaking di ako masyadong magaling, nagkakawrong grammar pa nga minsan. Ano ba ang pwede kong gawin guys? Sana maliwanagan ako sa mga kumento nyo po. Sobrang down ko na po talaga ngayon as in parang walang alam. Nareject pako sa inapplyan ko kahapon na Software Specialist dahil sa communications skills ko. Feel ko nakalock ako sa baradong portalet na gusto ko sanang kumawala. Tulong...
 
burnt out ka ts, ang kailangan mo ay pahinga. subukan mo muna mag-vacation leave, kung mamimiss mo yung work mo ibig sabihin gusto mo pa diyan. pero kung parang ayaw mo na bumalik, oras na siguro para lumipat ng work.
 
actually paps sabay sa agos nalang ako dito kase grabe ang toxicity. Di ko kaya, kaya naghanap-hanap ako ng bagong trabaho.
 
Mag bakasyon ka muna, mag unwind tas saka ka mag take ng refresher course kung gusto mo talaga ipursue goals mo sa buhay
 
yan nga din po naiisip ko pero wala po akong pundo eh, ako ang breadwinner ng pamilya. Baka mahirapan ako pagdating ng mga billing dates.
 
O

Pwede ka din mag apply as an assistant muna. Masid-masid tas pag kaya muna on your own, saka ka maghanap ng gusto mong work. 7 taon ka na pala sa work mo pero wala na palang growth, try ka sa iba for a change.
 
kung medyo malabo naman yung vacation leave master, try mo rin update linkedin account mo. solid na ang 7 years na working experience. ako 3 years pa lang pero meron na mga nagrereach out sa akin doon, nirereject ko lang kasi hindi natatapatan yung gusto kong salary. paano pa yung sayo na 7 years master. tapos apply lang siguro nang apply, ang importante master huwag ka aalis nang wala pa kapalit na work. mahirap mawalan ng work sa panahon ngayon eh.
 
Oo papsy, yan din iniisip ko eh. Nagupdate naman ako ng resume kaso lang sa communication skills talaga ako bagsak, di ako sanay magenglish masyado. May way ba para maenhance? kakapagod narin kase parang gusto ko na pumunta sa kabilang buhay.

O

Pwede ka din mag apply as an assistant muna. Masid-masid tas pag kaya muna on your own, saka ka maghanap ng gusto mong work. 7 taon ka na pala sa work mo pero wala na palang growth, try ka sa iba for a change.
Yes po, yan po balak ko talaga kase sobrang liit ng sahod pero magagawa ko naman gusto ko pero di masyado estrikto. For now magpapaenhance lang muna ako ng comm skills ko, dyan kase ako mahina eh
 
isa isahin mo yung sinasabe mo problem boss, english grammar - practice using it. magbasa ka at try mo mag english sa bahay o anytime para masanay ka.
yung IT, sorry kung magkamali ako hindi ko din kasi linya - may YøùTùbé naman, yung ibang it at professional na kilala ko sa YøùTùbé at online padin sumasangguni. wag ka mawalan ng pag-asa, you are doing better than others. nakapaAssociate ka, which is a step ahead. just push on, wala namang nagjajudge sayo kundi sarili mo lang din, - or majudge ka man ng iba, bukas limot na nila yun pati pakialam ba nila haha
 
yan lang po talaga weakness ko paps, yung comm skills. Kase pag interview parang nablablanko ako tulad kagabi na failed ako dahil di maayos pagsasalita ko ng english, Yes. Pwede naman mareview yung mga technical madami namang source. Nakakapanghina lang talaga ;(

Boss try mo duolingo na app tas english sanayin mo na language
yun, salamat papsy. download ko to mamaya. Prapraktisin ko lang muna hanggang sa maenhanced yung skills ko
 
yan lang po talaga weakness ko paps, yung comm skills. Kase pag interview parang nablablanko ako tulad kagabi na failed ako dahil di maayos pagsasalita ko ng english, Yes. Pwede naman mareview yung mga technical madami namang source. Nakakapanghina lang talaga ;(

yun, salamat papsy. download ko to mamaya. Prapraktisin ko lang muna hanggang sa maenhanced yung skills ko
Try mo din gumamit ng dating sites para kausap mo taga ibang bansa tapos english ka lang ng english para masanay ka kahit through chat lang
 
yun boss more practice, give it time, at least you tried at ngayon alam m na need mo improve. kudos boss, give it a week or two kung pwede k magpahinga. laban ulit. godbless
 
Salamat sa motivation papsy, tyaga2 muna ako hanggang sa maenhance tong comm skills ko. Yan lang talaga problema ko lalo na pag interview

Try mo din gumamit ng dating sites para kausap mo taga ibang bansa tapos english ka lang ng english para masanay ka kahit through chat lang
yun nga lang need ng credits yan papsy eh, meron naman sa TG mga group ko sa phones
 
Last edited:
medyo same tayo but high school grad lng ako. yung mahirap na part talaga yung pag aaral ng communication skills. kahit madami tutorial or tricks. mahirap talaga eh. minsan tinatanggap ko na din na baka ganun talaga capacity ng utak ko haha.pero no! pilitin mo pa din matuto, read books yan isa sa pinaka need mo gawin.. anyways madami talagang way need mo lang talaga sanayin sarili mo o hanap ka inspiration
 
tama ka dyan papsy, need lang talaga magbasa. Di na kase ako nakakabasa eh. Kailangan lang talaga eenhance yung comm skills
 
Focus on yourself TS, improve anything everyday.

Example:
Kung puro junkfood ini-snacks mo, palitan mo ng itlog or tokwa, bsta may protein.

Kung lagi kang nagpo-procrastinate, what if gawin mo yung bagay na hindi ka bored, like practicing doulingo, or mga tutorials.

I-record mo sa notebook na maliit mga progress mo. Marami pang pwedeng gawin.

Slowly but surely. Walang ibang patutunguhan kundi abanete kung palaging pagusad ang nasa isip at kilos mo. Goodluck.

Iwas ka sa social media, need mo ng dopamine cleansing.
 
Last edited:
Focus on yourself TS, improve anything everyday.

Example:
Kung puro junkfood ini-snacks mo, palitan mo ng itlog or tokwa, bsta may protein.

Kung lagi kang nagpo-procrastinate, what if gawin mo yung bagay na hindi ka bored, like practicing doulingo, or mga tutorials.

I-record mo sa notebook na maliit mga progress mo. Marami pang pwedeng gawin.

Slowly but surely. Walang ibang patutunguhan kung palaging pagusad ang nasa isip at kilos mo. Goodluck.

Iwas ka sa social media, need mo ng dopamine cleansing.
Noted dito papsy, salamat po sa payo.
 
Similar threads

Back
Top