Problema ko ngayon is di ko alam kung aasa paba ako sa taong ayaw saken ilang beses nya nako na sinabihan na di niya ako gusto at kaibigan lang turing nya saken. The biggest concern of myself is baka kapag ng coconversation kami palagi nalang di tugma un usapan namin. Noon una ok pa naman almost 3 yrs ko din niraan oras ko sa kanya pero noon tumagal puro kadramahan dahil siguro sa pangungulit ko sakanya na ilang beses na halos ako nag iniiniate palagi para makuwa ko attention ko sakanya. Marami na akong nabitaw na masasakit na salita sakanya kagaya nalang na siguro di mo ko gusto kasi may iba tbh nalulungkot ako sa sarili ko sobramg cold nya na talaga saken noon pa minsan ok minsan hindi pero ito naman ako si ***** nagpapaasa sa wala. Napapabayaan ko na lahat ng mga gusto kong gawin this pandemic iniisip ko na palang walang nagmamahal saken. Dahil siguro sakanya ito di ko alam kung aasa paba ako o iraraan ko ba oras ko sa pagiging mas better sinabihan nya na kasi ako na magbago ako dahil pagod na cya saaken. Araw araw nalang ako nagpaparamdam at sinasabi na mahal na mahal ko cya. Siguro ng dahil sa mataba ako tsaka wala akong talent o sense of humor pag dating sa babae o mahina ako nilalang. Kaya nya nasabi saken un. Naguguluhan nako mga paps sa totoo lang sinusubukan ko magbago pero sa tuwing naiisip ko cya na tritrigger ako na kamustahin cya. As of now di nya na ako pinapansin piling ko tuloy parang gusto ko magpakamatay kasi cya lang naging first love ko 20 yrs old na po ako. No girlfriend since birth. May maipapayo po ba kayo saken?