Problema ko ngayon is nalilito ako marami akong gustong gawin at marating sa buhay pero diko alam kung alin dun ang gusto kong unahin dahil alam ko is ang bawat isa dun is need ng sapat na atensyon at time .. and baka di ko kaya mamanage lahat .. sa madaling salita nag lalaban ang gusto ko at kelangan ko . kakagraduate ko lang as an IT ( bachelor degree ) . Masaya ako OO .. gusto ko din maging isang magaling na developer in the future . Trip ko rin kase mag write ng Codes magagawa ng Web App . Pero mas gusto ko talaga sa Buhay is maging isang Artist . Rap Artist / Musician or whatsoever na itawag nyo ... sa ngayon eto yung libangan ko to this pandemic nag hinto muna ako sa pag-aaral pag eexplore pa about sa course na tinapos ko . Nais ko muna mag explore at i enhance pa yung talent ko .. gumagawa ako ng mga Rap Tracks . Pero minsan napapaisip rin kase ako na baka sa time na nilaan ko para dito is sana inenvest ko nalang sa pag-aaral pa ng programming edi magkakapera pa ako at makakatulong sa Pamilya ko hindi tulad ng pa rap rap lang ako eh wala naman akong naiaambag sa kanila ( Mga ganon na mga bagay minsan dumadapo sa isip ko haha naglalaban ) Kaya minsan napapaisip talaga ako . Hindi ko naman talaga gusto magkapera sa Rap Career ko eh gusto ko lang maishare yung talent ko sa madla , pero at the same time nga need ko rin talaga nga Kumayod , kumita para rin sakin at sa mga mahal ko sa buhay ... ayun lang nalilito lang talaga ako haha salamat sa pagbasa neto . Siguro eto na talaga yung totoong buhay sa labas ng paaralan