What's new

Matapos Maunawaan ang Katotohanan tungkol sa Kung Paano Makikilala ang Totoong Cristo at ang mga Huwad na Cristo, Hindi na Ako Nagbulag-bulagan Pa

Caterina

Honorary Poster
Joined
Jun 12, 2020
Posts
106
Reaction
37
Points
138
Ni Xiangwang, Malaysia​

Mula pagkabata palagi akong kasama ng aking ina, isang diyakono sa iglesia at guro sa Sunday School, sa pananampalataya sa Panginoon. Madalas akong dumalo sa mga pagtitipon at magbasa ng Biblia kasama siya at, sa paglaki ko, nalipat ako sa grupo ng mga kabataan mula sa grupo ng mga bata.

Ang pastor na responsable sa pagbibigay ng mga sermon sa grupo ng mga kabataan ay dalubhasa sa teolohiya. Madalas niyang sabihin sa amin na hindi madali ang maging pastor at na kung walang inspirasyon ng Banal na Espiritu, napakahirap manatili sa gawain ng pagiging pastor. Samakatwid inidolo namin siya, naniniwala na siya yaong taong kinalulugdan ng Diyos at na tumatanggap ng inspirasyon mula sa Banal na Espiritu. Kapag nagturo siya sa amin, madalas siyang gumamit ng dalawang talata mula sa Biblia: “At kung magkagayon kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito, ang Cristo; o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan: Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, upang mailigaw nila, kung mangyayari, ang mga hirang” (Marcos 13:21–22). Sasabihin niya sa amin na maraming magsisilitawang huwad na Cristo sa mga huling araw at hihikayatin kami na laging maging maingat at huwag basta-basta maniniwala at makikinig sa iba pang mga sermon. Lalo na para sa amin na walang pang matibay na pundasyon sa Biblia at napakaliit ng mga tayog, sinabi niya na makabubuti sa amin na hindi makinig, magbasa o magsaliksik ng kahit anong sermon na ipapangaral ng sinuman mula sa iba pang denominasyon, para hindi kami malinlang.

Bukod pa rito, babanggitin din nang madalas ng pastor ang mga partikular na iglesia na dapat naming lubusang iwasan sa abot ng aming makakaya, kabilang ang Kidlat ng Silanganan, at ikinuwento niya sa amin ang ilan sa mga negatibong publisidad na kumakalat tungkol sa Kidlat ng Silanganan. Nang marinig ito ng mga miyembro ng aking grupo, sinabi nilang lahat na iiwasan nila ang iglesiang iyon. Madalas ipangaral ng pastor sa amin na, hangga’t lagi naming binabasa ang Biblia, patuloy na regular na dumadalo sa mga pagtitipon at ginagampanan nang regular ang mga espirituwal na debosyon, nagkukumpisal at nagsisisi ng aming mga kasalanan sa Panginoon araw-araw at matiyagang naghihintay sa lahat ng oras, kami ay dadalhin sa kaharian sa langit kapag dumating ang Panginoon. Lubos akong naniwala sa sinabi niya, hindi nangahas na basta pumunta at makinig sa mga sermong ipinangaral ng iba pang mga iglesia, at ginawa ko nang lubos ang naaayon sa mga tagubilin ng pastor. Dahil diyan, nadama ko na mayroon na akong lugar kasama ng mga yaong naghihintay sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Isang araw noong Agosto 2017, si Brother Hu mula sa aming iglesia ay biglang bumisita sa paaralan at sinabi sa akin sa tinig na napakaseryoso, “May isang napakahalagang bagay akong sasabihin sa iyo. Ang nanay mo at ang kapatid mong babae ay parang naniniwala na ngayon sa Kidlat ng Silanganan.” Nagulat ako nang marinig ko ang balitang ito, at nasabi ko sa aking sarili: “Hindi ba’t palagi kaming hinihikayat ng pastor na huwag makipag-ugnayan kahit kailan sa Kidlat ng Silanganan? Paano nagsimulang maniwala rito ang nanay ko?” Pagkatapos ay sinabi sa akin ni Brother Hu ang tungkol sa ilan sa mga negatibong publisidad na may kaugnayan sa Kidlat ng Silanganan, at habang mas nakikinig ako, mas lalo akong natakot at nag-alala. Hindi ko maubos maisip: “Ano ang maaari kong gawin? Ano ang maaari kong gawin?” Kapagdaka, sinabi ni Brother Hu, “Umuwi ka agad at tanungin mo ang nanay mo kung talagang nagsisimula na siyang maniwala sa Kidlat ng Silanganan. Ngunit kapag tinanong mo siya, kunwari ay wala ka pang alam na anuman. Una makinig ka muna sa sasabihin niya, pagkatapos ay bigyan mo ako ng recording ng pag-uusap ninyo.” Dahil natakot ako na nalihis na ang aking ina, sumang-ayon ako.

Totoo nga, pagkauwi ko pa lang ng bahay sinabi sa akin ng aking ina na bumalik na ang Panginoong Jesus bilang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. at na, sa mga huling araw, nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming salita at ginampanan ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos upang dalisayin at baguhin ang tao, at upang lubos na iligtas ang tao mula sa mga gapos ng kasalanan. Nagpatuloy pa siya sa pagsasabi na ito ang huling yugto ng gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan at na, kung hindi namin ito tatanggapin, hindi kami magkakaroon ng isa pang pagkakataon na maligtas. Sinabi niya na umaasa siya na magmamadali akong alamin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at dumalo sa isang pagtitipon sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nang sabihin niya ito, naisip ko agad ang mga negatibong publisidad hinggil sa Kidlat ng Silanganan na sinabi sa akin ni Brother Hu at nakadama ako ng matinding pagtutol sa mga sinabi niya. Ngunit para lihim na mairekord ang aming pag-uusap, pinigilan ko ang aking damdamin at patuloy na nakinig sa kanya.

Nang sumunod na araw, sinabihan ako ng aking ina na dumalo online sa pagtitipon kasama ang mga tao mula sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., ngunit kaagad ko siyang sinansala at sinabing, “Inay, ayaw kong dumalo sa kanilang mga pagtitipon, at hindi ka na dapat pang dumalo sa kanila kahit kailan. Parang lalo pang nahuhulog ang loob mo sa kanila.” Mahinahong tumugon ang aking ina, “Mula noong dumalo ako sa mga pagtitipon at pagbabahagi kasama ang mga kapatid na lalaki at babae mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon ako ng bagong pananaw at pagkaunawa sa mga salita ng Diyos sa Biblia, at natitiyak ko sa aking puso na ang mga pagbabahagi nila ay puno ng liwanag at na ang mga ito ay mula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Higit sa lahat, nilutas ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang maraming bagay na gumugulo sa aking isipan, at lubos akong nakatitiyak ngayon na talagang nasa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng Banal na Espiritu at na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan….” Sa sandaling iyan, puno ang isipan ko ng mga pagkaunawa tungkol sa Kidlat ng Silanganan at hindi ko basta matatanggap ang anumang sabihin ng aking ina. Pagkatapos, nagbukas ako ng internet at ipinakita sa aking ina ang ilan sa mga negatibong publisidad na nauugnay sa Kidlat ng Silanganan na sinabi sa akin ni Brother Hu, at sinabi ko, “Nakita mo na, Inay? Napakalinaw na nakasaad ang lahat dito sa internet, at madalas ding sabihin sa atin ng ating pastor na huwag nating alamin ang tungkol sa Kidlat ng Silanganan. Sana sabihin mo po sa akin na hindi ka na makikipag-ugnayan sa kanila mula ngayon.”

Hindi tiningnan ng aking ina ang mga negatibong publisidad, ngunit nagpatuloy lamang sa mahinahong pagsasalita sa akin, sinasabing, “Mahal kong anak, ang pamahalaang Chinese Communist ay isang organisasyong ateista na nasusuklam sa pagpapakita at gawain ng Diyos at kinapopootan ang sinumang may paniniwala sa relihiyon. Sa China, ang Protestanismo at Katolisismo ay kinukundena ng pamahalaang CCP bilang mga kulto, at ang Biblia ay kinukundena bilang isang aklat ng mga kulto, hindi mabilang na kopya nito ang sinunog o sinira, at ngayon hindi ito pinahihintulutang ibenta sa China. Maraming Protestante at Katoliko ang dinakip, inusig at ibinilanggo ng pamahalaang CCP, at ang ilan ay nilumpo o pinatay. Tinuligsa nang matindi ng mga grupo ng pandaigdigang karapatang pantao at ng mga bansa sa kanluran ang pamahalaang Chinese Communist nang maraming beses. Talaga bang mapapaniwalaan mo ang mga salita ng gayong kasamang rehimen na kumakalaban sa Diyos? Karapat-dapat ba itong tumasa at kumundena ng pagpapakita at gawain ng Diyos? At bakit hindi tayo pinahihintulutan ng mga pastor at mga elder na alamin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ang kanila bang mga kilos ay alinsunod sa mga turo ng Panginoon? Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus, ‘Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit’ (Mateo 5:3). Makikita natin sa mga salita ng Panginoon na ninanais ng Panginoon na maging bukas ang isipan natin sa paghahanap na masigasig na nagsisiyasat kapag narinig natin na pinatototohanan ng isang tao ang pagbabalik ng Panginoon, dahil sa paraan lamang na iyan malugod nating matatanggap ang pagbabalik ng Panginoon. Mahal kong anak, bilang mga mananampalataya sa Panginoon, bakit nakikinig tayo sa mga opinyon ng ibang mga tao ngunit hindi sinusunod ang mga salita ng Panginoon? Kung naniniwala tayo sa sinasabi ng pastor at sa mga negatibong publisidad na inilabas ng napakasamang rehimeng iyan, at nagsasawalang-kibo tayo at mapagdepensa kapag naririnig natin ang pagpapatotoo ng isang tao sa pagbabalik ng Panginoon, iyan ba ay ayon sa kalooban ng Panginoon? Sa paggawa niyan, hindi ba’t kinakalaban natin ang mga salita ng Panginoon? Ang mga mananampalatayang Judio sa panahon ni Jesus ay hindi hinanap o inalam ang mga salita at gawain ng Panginoon, bagkus ay nagbulag-bulagan at naniwala sa ginawang mga kasinungalingan ng mga Fariseo tungkol sa Panginoon, at dahil dito kanilang tinanggihan at kinundena ang Panginoong Jesus at sa huli ay ipinako Siya sa krus at sila ay pinarusahan ng Diyos. Dapat nating matutuhan ang aral sa kabiguan ng mga Judio at hindi mapalampas ang ating pagkakataon na malugod na matanggap ang Panginoon. Ipinropesiya ito nang maraming beses sa Pahayag: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia’ (Pahayag 2, 3). Mula sa talatang ito makikita natin na, kapag bumalik ang Panginoon, Kanya ring ipahahayag ang Kanyang mga salita, at kung nais nating malugod na matanggap ang Kanyang pagbabalik, dapat tayong matutong makinig sa tinig ng Diyos. Sa pagbabasa at pagsasaliksik lamang ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos malalaman mo kung ang mga ito ay tinig ng Diyos.” Pagkasabi niya nito, kinuha ng aking ina ang isang aklat na may pamagat na Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw at ibinigay sa akin.

Tiningnan ko ang aklat sa kanyang mga kamay pero hindi ko ito kinuha. Dahil hindi ko pa rin maaaring matanggap ang mga sinasabi niya, sinabi ko na lamang, “Ayaw kong basahin iyan,” pagkatapos ay tumalikod at pumunta ako sa aking silid.

Habang nakaupo sa mesa ko, huminahon ako at pinag-isipan ang mga sinabi ng aking ina. Sinabi ko sa aking sarili: “Hindi naman talaga mali ang sinabi ni Inay. Pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan na bumalik na ang Panginoon, ngunit nagbulag-bulagan lang ako at naniwala sa mga sinasabi ng pastor at naniwala sa mga negatibong publisidad na inilabas tungkol sa Kidlat ng Silanganan ng pamahalaang Chinese Communist nang hindi man lang binabasa ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Naisip ko na ito ay tila isang di-makatuwirang pasiya na ginawa ko. Kung tunay ngang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus at tumanggi akong tanggapin Siya, kung gayon pinalampas ko ang aking pagkakataon na malugod na tanggapin ang Panginoon. Ngunit palaging ipinapangaral sa amin ng pastor na magsisilitawan ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw, at kung mangyayaring malihis ako, hindi ba’t mauuwi sa wala ang pananampalataya ko sa Panginoon?” Nag-alangan ang aking puso, at hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko, kaya nanalangin ako sa Panginoon: “Oh Panginoon! Palagi kong inaasam ang Iyong pagbabalik ngunit natatakot ako ngayon na malinlang ng mga huwad na Cristo na magsisilitawan sa mga huling araw. Oh Panginoon! Ang mga tao mula sa Kidlat ng Silanganan ay nagpapatoto0 na Ikaw ay nagbalik na, kaya kung Ikaw ay tunay na nagbalik bilang Makapangyarihang Diyos, hinihiling ko na liwanagan Mo ako at gabayan ako, at pahintulutan akong makilala ang Iyong tinig.”

Nang sumunod na araw, muli akong hinikayat ng aking ina na dumalo sa isa sa kanyang mga pagtitipon. Matapos ang ilang pag-aatubili, nagpasiya akong makinig online sa kung anumang sasabihin nila. Nang kasisimula pa lamang ng pagtitipon, nakadama ako ng labis na pagkabalisa at talagang hindi ako nakinig sa ibinabahagi ng mga kapatid na lalaki at babae. Kalaunan, nagbahagi si Brother Zhang ng tungkol sa mga aspeto ng katotohanan tulad ng plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, ang misteryo ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos gayon din ang gawain ng paghatol na isinasagawa ng Diyos sa mga huling araw; naantig ang aking puso at habang patuloy akong nakikinig, lahat ng ito ay lalong naging mas maganda at mas bago sa aking pakiramdam. Bagama’t dati na akong dumadalo sa mga klase sa pag-aaral ng Biblia, ang sinasabi lamang ng mga mangangaral ay tungkol sa mahimalang katangian ng gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga himalang ginawa Niya, o kaya’y nagsasabi ng tungkol sa kung paano sinunod ng mga banal noon ang Diyos para magawa ang mga tagubilin ng Diyos, at iba pa. Hindi nila kailanman binanggit ang anumang tungkol sa plano ng pamamahala ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Dahil sa ibinahagi ni Brother Zhang nagtamo ako ng bahagyang pagkaunawa hinggil sa gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan; lahat ng bagay na ito ay hindi ko kailanman naunawaan noon kahit nabasa ko na ang Biblia nang maraming taon. Sa oras na natapos ang pagtitipon, nagbago ang isip ko. Nagpasiya ako na sisiyasatin ko muna ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at na buburahin ko ang recording na ginawa ko sa pag-uusap namin ng aking ina.

Sa oras ng patitipon namin sa ikatlong araw, tinalakay namin ang pagkakaiba ng matatalinong dalaga at ng mga mangmang na dalaga. Sinabi ni Brother Zhang, “Ang matatalinong dalaga ay matatalino dahil inasam nila ang pagpapakita ng Diyos at alam kung paano makikinig sa tinig ng Diyos. Sila ay matatalino, nagtataglay ng kakayahan, at sila ay mga taong nagmamahal at naghahanap ng katotohanan. Kaya nga, nang marinig nila ang balita na dumating ang Panginoon, masigasig silang naghanap at nagsaliksik—ang mga taong tulad nito ay hindi malilinlang ng mga huwad na Cristo. Ang mga mangmang na dalaga ay hindi nagmamahal ng katotohanan, hindi sila nagtutuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos, ni hindi nila alam kung paano ito pakinggan; sila ay nalilito at hindi makahiwatig at, hinggil sa pagdating ng Panginoon, ang mapanghahawakan lamang nila ay ang sarili nilang pagkaunawa at mga imahinasyon para tanggihan at kundenahin ang gawain ng Diyos. Halimbawa, hindi pinahahalagahan ng ilang kapatid na lalaki at babae ang pakikinig sa mga salita ng Panginoon sa kanilang pananampalataya sa Kanya, ngunit sa halip naniniwala sila sa sinasabi ng mga pastor at mga elder. Anuman ang sabihin ng mga pastor at elder, iyan ang pinaniniwalaan nila at, bagama’t naniniwala sila sa Panginoon sa pangalan, ang totoo ay tinutularan at sinusunod nila ang mga pastor at mga elder. Pagkatapos may ilan pang mga kapatid na lalaki at babae na nakatuon lamang sa pagbabantay nang nagbubulag-bulagan laban sa mga huwad na Cristo, at hindi sila naghahanap o nagsasaliksik kahit narinig na nila na ipinalalaganap ng isang tao ang balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon—hindi ba’t katulad ito ng hindi pagkain sa takot na mabulunan? Ang mga tao bang tulad nito ay may kakayahang malugod na tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon?”

Ang mga salita ni Brother Zhang ay nagbigay sa akin ng biglaang pagdaloy ng kaalaman, at naisip ko, “Tama iyan! Sa loob ng mahabang panahon, naniwala ako sa mga ipinangangaral ng aking pastor, at hindi ko inalam ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kung tunay ngang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, hindi ba’t nahayag ako bilang isang mangmang na dalaga? Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan’ (Mateo 7:7). Palagi kong inasam na malugod na matanggap ang Panginoon at nagpapatotoo ngayon ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na bumalik na ang Panginoon. Dapat akong maging isang matalinong dalaga at masigasig na hanapin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, dahil iyan lamang ang naaayon sa kalooban ng Diyos.” At dahil dito, nagpasiya ako na alamin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Sa pagtitipon kinabukasan, itinanong ko, “Brother, ibinahagi mo kahapon na ang susi sa pagiging matalinong dalaga ay ang magtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Nadama ko na tila mayroon na ako ngayong landas na tatahakin para masiyasat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, ngunit madalas sabihin ng aking pastor sa kanyang mga sermon na maglilitawan ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw para linlangin ang mga tao, kaya paano natin makikilala ang totoong Cristo at ang mga huwad na Cristo? Hindi ko nauunawaan ang aspetong ito ng katotohanan, kaya naisip ko kung maaari ka bang magbahagi sa akin ng tungkol dito?”

Sinabi ni Brother Zhang, “Napakahalaga ng tanong mo dahil tuwiran itong nauugnay sa kung malugod ba nating matatanggap o hindi ang pagbabalik ng Panginoon. Hangga’t mauunawaan natin ang katotohanan tungkol sa paraan kung paano makikilala ang totoong Cristo at ang mga huwad na Cristo, gaano man subukang gayahin ng mga huwad na Cristo ang Diyos, mananatili tayong hindi nalilinlang nila. Tungkol sa kung paano makikila ang totoong Cristo at ang mga huwad na Cristo, sinasabi ng Panginoon, ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang’ (Mateo 24:23–24). Malinaw na sinasabi sa atin ng mga salita ng Panginoon na ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw ay gagamit halos ng mga tanda at mga kababalaghan para malinlang ang mga tao. Dahil wala sa mga huwad na Cristo ang katotohanan at ang diwa nila ay sa yaong masasamang espiritu at mga demonyo, ang magagaya lamang nila ay ang gawain noon ng Diyos at gagawa ng ilang simpleng mga tanda at mga kababalaghan, o di kaya naman ay ipapaliwanag nang mali ang Biblia para lituhin ang mga tao sa pamamagitan ng mga teoriyang puno ng misteryo. Tanging si Cristo lamang ang katotohanan, ang daan at ang buhay, at Siya lamang ang makapagpapahayag ng katotohanan, makapagpapakita ng daan at makapagbibigay ng buhay. Lahat ng yaong tinatawag ang kanilang sarili na Cristo ngunit hindi makapagpahayag ng katotohanan, ay tiyak na mga huwad na Cristo at impostor, at ito ang prinsipyo kung saan makikilala natin ang pangunahing kaibhan ng mga huwad na Cristo.”

Matapos pakinggan ang ibinahagi ng kapatid, muli kong binasa nang mabuti ang siping ito ng Banal na Kasulatan at bigla na lang naging malinaw ang lahat: “Oo, talagang sinasabi sa Biblia na ang mga huwad na Cristo ay gagawa ng mga dakilang tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao. Kaya paanong hindi makikita ng mga pastor na iyon na mahusay sa Biblia ang prinsipyong ito kung saan makikilala natin ang mga huwad na Cristo?”

Nagpadala si Brother Zhang ng isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng maysakit, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila si Jesus na dumating, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. … Kung, nitong mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita pa rin ng mga tanda at kababalaghan, at nagpapalayas pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling ng maysakit—kung ginawa Niya ang eksaktong ginawa ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at ang gawain ni Jesus ay walang magiging kabuluhan o halaga. Kaya, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag ang isang yugto ng Kanyang gawain ay nakumpleto na, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulan ni Satanas na sundan ang mga yapak ng Diyos, binabago ng Diyos ang pamamaraan. Kapag nakumpleto na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangang malinaw sa inyo ito” (“Pagkilala sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Buong Teksto: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
_______________________________________
Gusto kong ibahagi ang Ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa inyong lahat upang kayo ay maging malapit sa Diyos!
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.anumang oras!
 
Back
Top