What's new

Closed Manga Review (Horror)

Status
Not open for further replies.

bluechan019

Addict
Joined
Sep 12, 2020
Posts
190
Reaction
119
Points
100
Hello po! May i sheshare lang ho ako. I share ko lang naman ang manga na binabasa ko at i review. Parang Game Review kaso iba na to. Nasa ibaba na po ang link kung saan ako nagbabasa ng mga manga.


Link: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.



IMG_20200930_132701.jpg



No Longer Human


So.. First off ang No Longer Human by Junji Itou. Hindi po ito kabilang sa collection niya. (Actually nabasa ko pa lang yung Uzumaki na manga.. Kaya naman napahanga ako at natagpuan ko ito) At tsaka mahilig kasi ako sa mga horror or thriller na manga. Base ito sa buhay ni Osamu Dazai at sa libro din niya na parehas din ang title. So for short, parang adaptation lang.


Warning lang po (kung gusto niyo basahin or kung fan na fan kayo ni Junji Itou), medyo mature ang mga scene doon kaya kung gusto niyong basahin, sige go.


Sa manga na ito, maganda ang art style at lalong lalo na ang paraan na pagdeliver ni Itou sa comic na ito. Mafefeel mo ang pighati ng main character at tsaka hindi ko rin mapigilan na maawa din. Yung awa ng sasakit sa puso.. Parang ganun.


10/10 ito para sa akin kasi not only na may nalalaman ako kundi napapaisip din ako sa kung ano talaga ang totoong nature ng tao.



IMG_20200930_134041.jpg



Jinmen


Kung mahilig kayo sa mga hayop.. Huwag niyo basahin to.


Pero kung gusto niyo matakot, eh sige. Malapit lang naman November. Perfect na perfect para magbasa ng horror manga.


Natakot ako nang makita ko ang cover. Kung mas nakakatakot pa ang cover, mas lalo pa ang laman nito.


Plot: 7 years na nang hindi nakauwi si Jinguu Masato sa kanilang pinanggalingan. Nagkataon lang na bumisita siya ulit sa zoo sa kung saan makikita niya ulit ang mga kaibigan niyang mga hayop doon. Kaso, biglang nagbago ang mga hayop, lalong lalo na ang mga mukha nila at ang pag-uugali nila.


So, sa story.. Interesting siya. Not only na naisipan ng author na i mix ang dalawang bagay na tao at hayop, nagawa pa niya ito sa pamamagitan ng details.


I mean..


Screenshot_2020-09-30-13-49-13-80.png


Sino bang hindi matatakot sa ganito?


10/10 ito para sa akin. Mga hayop yan eh.. Kaya naman saludo ako sa gumawa niyan.


IMG_20200930_135548.jpg


Konya wa Tsuki ga Kirei Desu ga, Toriaezu Shi ne (I love you, so I Kill You)


Actually, nabasa ko to dati. Kaso hindi ko lang natapos. Bale nakalimutan ko lang basahin dahil sa dami ko ring babasahin.


Lalo na ang mga Hén†áí at mga doujinshi.. Joke lang.. Ahaha.


Interesting para sa akin ang story. And of course, may mga scene na medyo gore kaya naman kung gusto niyo basahin, recommend ko ito. Kagaya ng No Longer Human, medyo mature ito kaya maghanda lang kayo.


Ang score nito ay.. 8/10. May mga scenes naman na nakakatakot kaso, hindi talaga nagpapatrauma sa akin.



IMG_20200930_141034.jpg



Mieruko-chan


Kung gusto niyo matakot at matawa at the same time, recommend ko ito.


Combination kasi ito ng horror at comedy kaya naman unique ito. Medyo rare lang kasi ang pagmix ng ganito na mga genre kaya naman isa ito sa mga favorite ko.


Plot: Si Mieruko-chan ay isang ordinaryong babae lang na ordinary din ang buhay. Kaso, nagbago ang lahat nang nakakakita siya ng mga nilalang na hindi nakikita ng ibang tao. Iiwasan ba niya ang mga ito, o matatakot siya?


Ang score para dito ay.. 10/10. Maganda ang pagdeliver ng horror at ang comedy sa manga na ito. At tsaka, napakacute din ng mga babae doon.



Yun lang po at maraming salamat sa pagbabasa nito.
 

Attachments

I'm excited sa progression ng story ni Mieruko Chan, bakit all of a sudden naka kita sya ng mga ganun, and kung paano sya matutulungan ni lola bracelet (😆 sorry di ko tanda name ni lola).

may nabasa akong Manhwa na katulad ng story halos ni Mieruko chan, di ko nalanag maalala yung title. (😅 tumatanda na nga yata talaga ako, hahaha)

Konya wa Tsuki ga Kirei Desu ga, Toriaezu Shi ne, alam ko nabasa ko na rin yan,but then again, di ko maalala na kung ano nangyare :V

________________________________________

thanks dun sa unang dalwa \o/ i'll add them to my list, ang hirap makahanap ng Anime/Manga na may horror tag. UwU
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top