What's new

Trivia Maligayang Kaarawan

  • Thread starter Deleted member 1241817
  • Start date
Maraming pangyayari sa Bibliya ang di tuwiran sinabing ipagbawal pero ang pinupunto ko ang ganyang okasyon ay may di-magandang pinagmulan.

May tanong ang Bibliya sa 2 Corinto 6:14.
 
"ang birthday party ay nagmula sa mga taong hindi sumasamba sa tunay na Diyos."

-kapatid, hindi naman nakasulat sa bibliya na sa kanila nagsimula ang pagdiriwang ng kaarawan. at hindi rin naman natin mababasa jan na masama na ang pagdiriwang ng kaarawan. The fact na silang dalawa na mga kilalang tao e nagdiriwang na mismo ng kaarawan pano pa kaya ang mga ordinaryong mga tao dati?

"Pagpapasalamat sa Diyos hindi ako tutol dyan marapat ngang gawin yan pero pwde naman din tayo magpasalamat araw-araw sa Kanya hindi na natin kailangan pang maghintay ng espesyal na araw para pasalamatan Sya."

-this statement alone is a good reason dapat tayo dapat magdiwang ng kaarawan. kung nagawa nating magpasalamat sa Diyos araw2x e pano pa kaya sa araw ng mismong kaarawan mo diba bro? hindi ka rin naman siguro lalaktaw sa pagpapasalamat kapag birthday mo diba ts?

"Higit na mas importante ang araw ng kamatayan kesa sa kapanganakan. (Eclesiastes 7:1)"

-ts, ito ay hindi naman literal na patungkol sa pagcecelebrate ng birthday. eto ang nakasulat sa isang commentary ng isang bible scholar tungkol sa ecc 7:1 ts:

"Reputation for piety and honesty is more desirable than all the wealth and pleasure in this world. It will do more good to go to a funeral than to a feast. We may lawfully go to both, as there is occasion; our Saviour both feasted at the wedding of his friend in Cana, and wept at the grave of his friend in Bethany. But, considering how apt we are to be vain and indulge the flesh, it is best to go to the house of mourning, to learn the end of man as to this world."

-Matthew Henry’s Bible Commentary (concise)
https :// www .christianity.com/bible/commentary.php?com=mhc&b=21&c=7

lastly, eto naman ang sulat ni apostol pablo tungkol sa pagbibigay ng pagpapahalaga sa isang araw:
Romans 14
5 One person regards one day as better [or more important] than another, while another regards every day [the same as any other]. Let everyone be fully convinced (assured, satisfied) in his own mind. 6 He who observes the day, observes it for the Lord. He who eats, eats for the Lord, since he gives thanks to God; while he who abstains, abstains for the Lord and gives thanks to God.

Kaya kung nagagawa nating mag pasalamat araw2x sa Diyos ay wala din namang problema kung may isang araw na magcecelebrate tayo at magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagbibigay Niya ng buhay sa atin sa araw na iyan lalo na't ang Diyos ang dahilan kaya tayo nagdiriwang hindi ba ts?

P.S
gusto kong hingin sayo ang link ng mga references mo na pinost sa image mo ts lalo na yung mula sa Catholic Encyclopedia 1913. Di ko kasi makita dito sa nahanap kong catholic Encyclopedia 1913 ang linyang yan na pinost mo. iverify ko lang ts. salamat.
 
[XX='Kuring, c: 1255118, m: 262179'][/XX] aware sina Hesus at ang kanyang mga disipulo tungkol sa birthdays pero the fact na hindi sila nagce-celebrate is nakapagtataka. And perhaps isang rason is if you trace the origin of birthdays, galing ito sa mga pagano.

Sa panahon kasi ngayon ang dami ng interpretasyon about sa bibliya, kaya para sakin nalang e gawin kong basis/reference ang mga buhay ng mga unang kristyano.
 
Ts, just because may dalawang taong gumawa ng masama noong kaarawan nila makes the entire celebration of birthday evil. may kasabihan, just because Judas was a traitor doesn't make the rest of the group bad. gaya nga ng sabi ko ay tingnan natin ang reason for the occasion.

Those 2 pagans you mentioned celebrated their birthday in a wrong way but we christians celebrate our birthdays to give thanks to God. the reason for the season ay ang Diyos hindi ba ts? mali ba na icelebrate ito para pasalamatan Siya? certainly no di po ba?

sabi nga ni San Pablo:
Romans 14
"6 Ang taong nagpapahalaga sa isang araw ay nagpapahalaga noon sa Panginoon. Ang hindi nagpapahalaga sa isang araw ay hindi nagpapahalaga noon sa Panginoon. Siya na kumakain ay kumakain para sa Panginoon sapagkat nagpapasalamat siya sa Diyos. Siya na hindi kumakain ay hindi kumakain para sa Panginoon at nagpapasalamat siya sa Diyos."
 
[XX='Kuring, c: 1255305, m: 262179'][/XX] curious kasi ako kasi pwede rin naman gawin nina Hesus ito, yung mag-celebrate rin sila ng birthdays nila pero bakit hindi nila ginawa
 
[XX='Daneash, c: 1255290, m: 1287274'][/XX] and just because hindi natin sila nababasang di yun literal na ceni-celebrate e hindi na din natin gagawin bro. As a comparison ay hindi din naman natin nababasang literal na nag tutoothbrush si Kristo at mga apostoles, does that mean wag na din tayong magtoothbrush? o di kayay wag na din tayong mag celebrate ng graduation dahil di rin naman natin nababasang nagdiwang sila noon nito?

My point is, tingnan natin ang rason ng pagdiriwang. nagdiriwang tayo ng kaarawan dahil pagpapasalamat ito sa Diyos. if that was the reason for the season e mali parin ba ang pagbibirthday?

"Sa panahon kasi ngayon ang dami ng interpretasyon about sa bibliya,"

-yes po. at yan ang isa sa mga rason bakit kaylangan nating suriin ng mabuti kung tama ba ang interpretasyon na yun ng ating nababasa. tandaan natin bro na pinagbabawal ng bibliya ang self-interpretation at dapat makinig lang tayo sa mga taong guided ng Holy Spirit at may Authority para mag interpret nito.
 
[XX='Kuring, c: 1255322, m: 262179'][/XX] aware kasi sila Hesus na merong birthdays at pwede rin naman nilang gawin ito like gaya nga ng sabi nyo as a way to thank God pero yun nga bakit kaya hindi nila ginawa.
 
[XX='Daneash, c: 1255315, m: 1287274'][/XX] "curious kasi ako kasi pwede rin naman gawin nina Hesus ito, yung mag-celebrate rin sila ng birthdays nila pero bakit hindi nila ginawa"

-dahil hindi naman po lahat ng ginagawa ni Kristo at mga apostoles ay nakasulat sa bibliya. ang bibliya po ay hindi isang dictionary na hahanapin lang natin lahat ng gagawin natin doon. meron pong nakasulat sa Juan 20:30:

Juan 20:30
"Marami pang himalang ginawa si Jesus na nasaksihan ng mga tagasunod niya ang hindi naisulat sa aklat na ito.:"

gaya po ng sabi ko sa taas ay tingnan natin ang rason sa likod ng selebrasyon natin ngayon. makikita natin na ito'y ginagawa para sa pagpapasalamat sa Diyos bro.
 
[XX='Kuring, c: 1255332, m: 262179'][/XX] ang pinagmulan kasi ng birthdays ay mula sa mga pagano. Hindi galing sa Diyos.
At bakit yung mga birthdays lang na namention sa bibliya ay may kinalaman sa kasamaan.
 
"At bakit yung mga birthdays lang na namention sa bibliya ay may kinalaman sa kasamaan."
-bro, just because ganito ang nakasulat ay masama na ang birthday. at hindi rin naman natin mababasa sa parehong verses sa bibliya na sinasabi masama na ang pagdiriwang nito.

"ang pinagmulan kasi ng birthdays ay mula sa mga pagano. "
- this is highly illogical bro dahil kahit ang mga pagano ay nagcecelebrate din ng kasalan at may ibat ibang ginagawa pa during nito pero bakit si Kristo ay naki-attend pa nga ng kasalan sa Cana? Just because ginagawa din ito ng mga pagano ay Hindi ito nangangahulugan na wag na tayong magcelebrate ng birthday at kasal.

Kahit ang mga pagano noong una ay may mga ibat ibang pagdiriwang din pero bakit ang Diyos ay nagpahintulot sa mga hudyo na magkaroon din ng ibat ibagn pagdiriwang. at maski si Kristo ay nakikicelebrate din nito such as Feast of the Unleavened bread.

gaya nga ng sabi ko bro ay tingnan natin ang RASON sa likod ng okasyon.

may tanong ako bro...

halimbawa may dalawang taong nag cecelebrate ng kaarawan. ang isa ay pagano na maraming ginawang kasamaan sa araw na iyon para icelebrate ang birthday nya. ang isa naman ay isang Kristyano na nagdiwang at nagbigay pasasalamat sa Diyos dahil sa mga biyayang natanggap niya... ang tanong ko ngayon, mali ba ang pagcelebrate nila ng birthday bro?
 
[XX='Kuring, c: 1255261, m: 262179'][/XX]

Sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin pakibasa na lng din yung ibang mga nireplyan ko na dito sa thread. Patungkol dun sa isang Bible scholar na nabanggit mo napakarami lng na bible scholar bakit di mo sila lahat tanungin? Ibig ko lng sabihin hindi pare-pareho ang pagintindi nila sa isang Talata at Kabanata ng Bibliya at yang nakaulat pwde rin natin irelate sa araw ng pagsilang ni Jesus marami lang pwde irelate dyan.


Yung naman sa request mong link.. Yung una nakita kong kopya sa Google Playstore sa E-Book Free lang..

The History of the Christian Religion and Church, August Neander.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Screenshot_20210602-140832_Google Play Books.jpg


Sa Pangalawa naman nakita ko sa Wiki.. original na copy nung book..
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Screenshot_20210602-134335_Chrome.jpg
 

Attachments

[XX='Kuring, c: 1255439, m: 262179'][/XX] mga tanging halimbawa lang kasi ng birthdays sa bibliya ang yung mga birthdays ng mga makasalanan.

At ayun na nga nakiki-celebrate naman si Kristo/Diyos sa ibang celebrations pero bakit wala ditong birthdays?
 
I've checked your sources and based on what i read, the authors DID NOT mention na celebrating birthdays is wrong. They only mentioned at it was not recorded in scripture that some people celebrated it as per Origen. Never did Neander and Origen stated that celebrating birthdays are prohibited or "paganic" in a sense. You only made assumptions na mali na agad ang birthday just because it was never done by early christians.

Pagans during the time of Christ also celebrated other occasions like Kasal and it involves different customs and traditions. if we follow your presumption about Birthdays that it is wrong because it was celebrated by pagans then why would Christ attend and celebrate a wedding in Cana if weddings are also done in Pagan cultures? Surely hindi aattend si Kristo kung Mali na ang pagcelebrate ang ganyang mga okasyon hindi ba bro?

I wanna ask a question. There are two persons, a pagan and a christian who both celebrated their birthdays. The pagan celebrated by committing offences like killing a person and the christian celebrated it by thanking God for the blessing of life that He has given him that day.

Now I wanna ask, based on your arguments mali na ba ang pagbibirthday ng Kristyano dahil sa paraan ng pagbibirthday ng pagano?
 
[XX='Daneash, c: 1255580, m: 1287274'][/XX] "mga tanging halimbawa lang kasi ng birthdays sa bibliya ang yung mga birthdays ng mga makasalanan."

- yet it was not mentioned in the bible na mali na ang pagcecelebrate nag birthday. the author just want to emphasize ang mga maling ginawa ng dalawang taong na mention but did not critisize the occasion itself.

In relation sa nakasulat sa Romans 14, kung ang isang tao ay binigyang pagpapahalaga ang araw ng kanyang kaarawan by giving thanks to God mali parin ba sya kasi dahil lang may dalawang ibang taong gumawa ng kasamaan sa araw ng kani-kanilang kaarawan? Yes or No.
 
[XX='Kuring, c: 1257756, m: 262179'][/XX] ang daming halimbawa ng miracles, festivals, celebrations by and participated in by the Lord. Pero the fact na walang birthdays?

And sabi nga ni ts sa thread nya, there are a lot of ways and other days na pwede natin pasalamatan ang panginoon
 
Yang mga manunulat na yan pinatototo lang naman nila ang sinasabi ng Bibliya. Alam mo kasi magkaiba ang papananaw ng isang manunulat lamang kumpara mo sa isang Kristiyano. Kaya hindi sapat na sa kanila lang tayo magbase ng paganong kinaugalian. Ang mga Kristiyano kasi may malalim na pang unawa sa Bibliya na hindi kailanman maiintindihan ng halos karamihang tao. Teka wala naman akong sinabing mali mag selebrate ng kaarawan nung mga panahon ng mga Kristiyano sinabi ko lang naman na hindi nag seselebrate ng kaarawan ang mga Kristiyano. Eto sasabihin ko kung ano ang pinupunto ko na maling magselebrate ng kaarawan sa huling panahon natin at yun ay ngayon. Kung may nauna at huli. Bigyan pansin naman natin ang pang gitna. Ang mga nagsasangkot dyan ay mga gumagawa naman ng mahika at panghuhula. Hindi ka kumbinsido? Alamin mo ngayon ang history ng Kaarawan matapos ang ginawa ng dalawang masasamang tao sa Bibliya. Gayunman, hinahatulan ng Bibliya ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., o “anumang tulad nito.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.). Wala yan pinagkaiba sa ginagawa natin sa panahon ngayon. Kaya masasabi kong hindi na kailangan mag selebrate ng kaarawan ang mga Tunay na Kristiyano ngayon.

Patungkol naman sa kasal yan ang sunod ko pang pag-aaralan. Napa-isip ako. Malay ba natin na ang kasal ay may mabuting pinagmulan? O baka yung mga nagpasimula nyan ay mga mabubuting tao? Baka sa pagselebrasyon ng kasal natin sa ngayon ay wala naman tayo nilalabag na utos ng Diyos? Basta ang importante ay sinusunod muna natin ang mga pamantayan ng Diyos at wala tayong nilalabag na kautusan.

Ang sagot ko hindi kailanman magdiriwang ng kaarawan ang isang Tunay na Kristiyano sa panahon natin ngayon nung mga panahon ng Kristiyano hindi sila nagdiwang kaya marapat lang na hanggang sa mga panahon natin ngayon ay huwag maki-sangkot sa nasabing okasyon. Maganda naman ang rason mo sa pagdiriwang ng kaarawan mo pero may problema sa paraan kung paano mo ito pinagdiriwang. Ang paghipan ng kandila at pagdalo ng mga kaibigan ay nagsasangkot sa mga paganong kinaugalian. Alamin mo man ang History ng Birthday Party malalaman mo kung bakit mas pinili ng mga Tunay na Kristiyano natin sa ngayon na huwag magdiwang ng kaarawan.
 
Last edited by a moderator:
[XX='Daneash, c: 1257892, m: 1287274'][/XX] "there are a lot of ways and other days na pwede natin pasalamatan ang panginoon"

-yes. walang problema jan. pero bakit sa araw ng iyong kapanganakan ay ayaw mong magdiwang bro? nagpapasalamat tayo araw2x pero pagsapit ng kaarawan mo e nilalaktawan mo ba ito? kung nagpasalamat ka rin sa araw na yan e that is already a simple form of celebrating your birthday kapatid.
 
[XX='Patient Zero, c: 1258216, m: 1241817'][/XX] " sinabi ko lang naman na hindi nag seselebrate ng kaarawan ang mga Kristiyano."

-ts, just because hindi sila nagcecelebrate doesn't mean wag na rin nating gawin. gaya ng sinabi ni san pablo ay anong mali kung nagbibigay ang isang tao ng pagpapahalaga sa isang araw kung ginagawa nya ito para sa Diyos? yan din ang ginagawa natin sa ating kaarawan. it is dedicated to God sa pagpapasalamat natin sa kanya dahil sa biyayang binigay Niya sa atin ng araw na yan. Sabi nga ni san pablo sa talatang tinutukoy ko:

" Let everyone be fully convinced (assured, satisfied) in his own mind."

"Ang mga nagsasangkot dyan ay mga gumagawa naman ng mahika at panghuhula.... Wala yan pinagkaiba sa ginagawa natin sa panahon ngayon. "

"Maganda naman ang rason mo sa pagdiriwang ng kaarawan mo pero may problema sa paraan kung paano mo ito pinagdiriwang."

-alin bang parte ng pagcecelebrate ng kaarawan natin sa panahon ngayon ang hinahaluan ng espiritismo, panghuhula o mahika brother? tayoy naghahanda ng pagkain, nagdadasal at nagpapasalamat sa Diyos sa araw na yan. yan ang essence ng pagcecelebrate natin ng kaarawan sa panahon ngayon. ang pagpapasalamat ba sa Diyos ay isang uri ng espiritismo? surely hindi diba kapatid?

"Alamin mo ngayon ang history ng Kaarawan matapos ang ginawa ng dalawang masasamang tao sa Bibliya."

-dahil ba sa ginawang masamang gawain ng dalawang taong yun ay mali na agad ang lahat ng uri ng selebrasyon ng kaarawan? kapag ba may dalawang pulis na gumawa ng masama ay ang buong institusyon na ba ng kapulisan ang masama kapatid? surely hindi. you only look into the action of those 2 sinner noong panahon but you failed to see ang dahil ng selebrasyon na ginagawa natin ngayon. sa panahon natin God is always in the center of our birthdays.

"Baka sa pagselebrasyon ng kasal natin sa ngayon ay wala naman tayo nilalabag na utos ng Diyos?"

-In that sense TS, sa selebrasyon natin ng kaarawan ngayon ay wala naman din tayong nilalabag na utos ng Diyos dahil unang una ito ay ginagawa natin para sa Kanya. so ang argumento mong ito sa kasal ay bakit hindi mo rin gamitin sa ating selebrasyon ng kaarawan ts?

"Ang paghipan ng kandila at pagdalo ng mga kaibigan ay nagsasangkot sa mga paganong kinaugalian. "

-kung ang pagdalo ng mga kaibigan ay pagano na ay pagano na rin ba ang ginawang pagdalo ni Kristo sa Kasal sa Cana? surely hindi naman sila dadalo kung hindi nila kakilala ang kinakasal hindi ba ts? does that mean lumabag na si Kristo sa argumentong ito? surely hindi naman diba ts?

"Ang sagot ko hindi kailanman magdiriwang ng kaarawan ang isang Tunay na Kristiyano sa panahon natin ngayon nung mga panahon ng Kristiyano hindi sila nagdiwang kaya marapat lang na hanggang sa mga panahon natin ngayon ay huwag maki-sangkot sa nasabing okasyon. "

-may tanong ako ts. kung binigyang pagpapahalaga ng isang Kristyano ang araw ng kanyang kapanganakan para sa pagpapasalamat at kadakilaan ng Diyos ay pagbabawalan mo ba sya? Oo o hindi.
 

About this Thread

  • 55
    Replies
  • 2K
    Views
  • 7
    Participants
Last reply from:
Ace106

Online statistics

Members online
486
Guests online
3,596
Total visitors
4,082
Back
Top