What's new

Makikiconnect sa wifi ang kapitbahay

Status
Not open for further replies.
Lugi po talaga ah. Nahihiya kasi ako sakin manggaling na kahit 500 man lang sana ah para makatarungan din sa side ko. Pag pinangload nila yung 300 na sinasabi nila na yun, di sila makakatagal ah. Unli data pa naman kami.
 
Bahala sila ah hahaha. Napakabarat naman kasi. Side lang nila iniisip. Kung kelangan talaga nila ng net, pakabit or load sila.
 
Hmmm... assuming nga na same usage yung 2 phone nila, 500 nga dapat. Tsaka nabanggit mo sa naunang comments na 2K per month for 6 months ang bill mo sa internet? Pwede na nga yung 500. Mas mura pa nga rin yun kaysa pa-load sila. Tsaka pwede na 'yan kung OIC guard yung asawa ng kapitbahay, above minimum wage na yun.
 
Magkano po ba bayad nyo 1month sa plan ts? I base mo sya sa bill, example 1,500 monthly nyo so 300 per device is fine. Then if 2500 and up monthly bill nyo, taasan nyo din singil sakanila.
 
Samin kasi, nag papakabit kami 300 per device only. Hindi na rin kami luge, kasi puro Android devices lng naman.. 1500 lng din plan namin.
 
Pasingit naman po ng tanong ko,

Okay lng po ba na hindi pinapatay ung router ? Naka on lng kasi ung samin 24/7 e. Okay lng bayun?
 
1299 lang po plan namin pero dahil sa covid 2k for 6montha dahil sa installment plan. Okay na po sakin na yung anak nya yung nakaconnect for online schooling naman daw po. E gusto magbayad sya 100 para sa connection ng anak nya for 1 month pero gawin nya daw 300 yun kung icoconnect ko din yung phone ng nanay. Parang wala naman ata hiya pag ganun. Yung isa ko pa pong kapitbahay nakikiconnect lang din sa iba, 1 device, 500 pesos share nya. Ako pa po kasi nahihiya. Abuso ata. Di na nga sinisingil gusto padagdag pa tapos grabe mambarat. E kung hindi ko na ri po kaya paconnectin anak nila tapos tingnan nila yung 300 or 100 per month na pang online school ng anak nya.
 
Kaya nga po e. Kelangan din naman ng anak talaga nya yung net. Paano na lang kung toyoin ako at di ko na iconnect anak nya tapos paload na lang sila ng 300 pesos per month. 500 pesos malaking tulong din po sakin yun kasi.
 
Naiinis po kasi ako. Masyado mambarat, e need naman talaga nila ng net para sa online schooling ng anak nya. Consideration din sana sakin kasi di naman kami close hihingi sya favor tapos puro pabor sa kanila lahat. Kung matapang lang ako baka nasabi ko pa na itry nila ipaload 300 nila at pagkasyahin yung data for 1 month.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top