What's new

Help Magpapavaccine o hindi? Nakakatakot eh

Hazama

Save me ✋
Elite
Sino naturukan ng vaccine na dito? Anong effect? Plano ko sana magpavaccine dahil may nagaantay na trabaho sakin sa Papua New Guinea kaso lang yung company na inapplyan ko is di sila magpapapasok kung hindi navaccine. Nagdadalawang isip pa ako kung magpapainject pa ako o hindi.

Susugal nalang ako kung ano man ang pwedeng mangyari para sa kinabukasan ko at sa pamilya ko.

Anong pwedeng marecommend nyo na vaccine if ever? Salamat sa sasagot.
 
ako ay nerbyosong tao. kaya di ko alam pano pag nagpainject ako.
laging nasa 170/100 ang bp ko. pero normal naman ako.
nerbyos lang talaga. haiz....
 
Timbangin mo boss, kung ano ang mas importante.
May mga reports about sa side effects, pero minimal lang naman.
Hindi pa ako nabakunahan, pero kung meron nang available, kahit ano pa, magpapaturok ako.
 
E'di ibig sabihin na-expose lang ang tito mo sa meron nun pagkatapos niyang mabakunahan. Hindi naman kasi assurance na totally hindi na magkaka-COVID ang tao once nabakunahan pero ang maganda ro'n mas lesser yung chance na maging malala o nakamamatay. :)
 
Magpa vaccine ka wag maniniwala sa social media yan ang mahirap sa inyo naghahanap kayo ng vaccine last year pero takot naman kayo ngayon na meron na puro duda pa nasa isip niyo. Anong klaseng mindset yan? Choice mo naman yan. May survey pa.
 
[XX='Dags21, c: 1305078, m: 806870'][/XX] Lahat naman ng tao may karapatan maging choosy (taxpayer po kami, nagbabayad ng buwis) buti sana kung pag punta mo sa vaccination center e at sinabi mong PFIZER ang preferred mong vaccined e ibibigay nila, hindi naman kung anong available yun lang. (see the point kung pano ka magkakaroon ng choice? magiging patas din ba tingin sayo if ever majority na ay nabakunahan tapos ikaw pinili mo hindi magpabakuna)

Sinabi din sa news na WAG ng sasabihin yung available na ibabakuna, kasi nung inaanounce na pfizer yung ibabakuna ay dumagsa yung tao. Anong klaseng mindset yan?
 
Magpa vaccine ka wag maniniwala sa social media yan ang mahirap sa inyo naghahanap kayo ng vaccine last year pero takot naman kayo ngayon na meron na puro duda pa nasa isip niyo. Anong klaseng mindset yan? Choice mo naman yan. May survey pa.
Wala namang masama sa tanong niya. Kung malakas loob mong magpabukana e'di good for you pero sana ma-realize mo na hindi lahat kagaya mo na malakas ang loob magpabakuna. What's wrong sa pagtatanong ng experience ng mga nakapagpabakuna na? Obviously, TS is asking that question PAMPALAKAS NG LOOB niya. Natural lang namang matakot o kabahan kasi bago lang naman 'tong ganito.

Para mas maintindihan mo punto ko, bibigyan kita ng example. Hindi ko trip mag-ungkat ng posts at wala rin akong intention i-stalk ka pero para lang mapalawak ang isip mo bibigyan kita ng example na mas malapit sa experience mo.

Gaya dito sa thread mo na 'to:

https://phcorner.net/threads/smart-5g-rocket-wifi.1085725/

Bakit ka ba nagtatanong kung sino na mga nakasubok? Bakit hindi mo na lang mismo sinubukan agad para malaman mo? Bakit nagtanong ka pa? Diba, most likely, ang sagot kasi gusto mong makakuha muna ng FEEDBACK kasi nagdadalawang-isip ka at para hindi hindi ka rin magsisi? Gano'n din si TS. Ang kinaibahan niyo lang ni TS ay yung topic ng tanong niyo.

Isa pa, wala namang masamang manghingi ng suggestions/recommendations lalo na kung may mapagpipilian naman (KUNG MERON LANG) si TS. Katawan niya yung tuturukan eh. Kung wala kang paki sa matuturok sa'yo, e'di nice. Maaaring kaya siya nagtatanong ay dahil sa iba-ibang reported side effects ng mga bakuna. Don't be rude. Ibabalik ko rin sa'yo ang tanong mo. Anong klaseng mindset yan?
 
Back
Top