What's new

Lte band 28 vs lte band 41

Buti sa inyo ganyan band Amin probinsiya band 3 lang pag e change sa ibang band no service Kaya yong na open line ko pocket wifi ko youwin m022 walang 4g hinala ko lang baka firmware na install walang band 3. Kaya hanggang 3g lang.
 
base sa location ko.

band28 low ping, malakas sa uploading(any time)/downloading(madaling araw)

band41 - mahina sa upload, malakas sa download(any time)

band3 - malakas signal pero parang 3G lang
 
dependi narin sa ISP nayan kasi na observe ako sa old PrepaidWifi at new PrepaidWifi pero same model

yung free activate 10GB kahit 0 bars pumapalo sa 20mbps down at 18mbps upload, pag na ubos na free 10gb at mag register ka ng promo sa Globe, biglang nag 0.13mbps ang speed ko.

based on my experience, wala kinalaman sa band naka priority ang subscriber kasi noong first activation ng free 10gb mabilis pag regular promo na usad pagong na.

based sa lakas ng internet

sinobukan kong mag speed test using all bands lahat ang bilis pero pag mag Download ka sa Play store or mag YôùTùbé usad pagong na.

I think Priority ang speed test keysa ibang apps, sabihin nalang natin malakas internet mo sa speedtest (pero pag mag DL usad pagong).
Same tayo nang na experience ganyan din sakin malakas nong una tapos pag regular load na bigla nalang usad pagong. Band 40 malakas dito sa area namin.
 
Yung band 28 gamit ko sa cp at sa modem namin dito, as for now, medyo mabilis naman in terms of download pumapalo hanggang 20mbps sa araw, 40+mbps naman sa madaling araw pero sa ml, 300+ms talaga siya, except lang sa madaling araw, 50ms na siya. Sa band 41, congested masyado knowing na lahat ng modem default band is 41 so as usual, mahina.



P.S: malapit lang kami sa tower ni Globe
P.p.s: waiting na kami kay DITO dito, may tower na sila malapit lang din dito.(hope sana di macongested 😂)
 
kaya pala ganito pala.
band-3 lang din gamit ko himdi kasi maka changes ng band kasi wala pang admin access
 
dapat talaga mas mabilis yang band 28 na yan over kay band 41. Kaso ang problema naman sa band 28, hindi stable yung signal nila. Hindi ko alam kung sinadya ba talaga ni globo yan(pati rin si smart), na available lang yan pero halos walang data. Yung band 41, kay globo talaga yan kaso yun nga pamula nung pinuna sila ni Pangulo last month naging usad pagong na yang band na yan at bonus na yung solidong 1 bar nila dyan. Kung meron man stable, sakin lang at dito sa area ko yung band 3 talaga. Kaso yun nga patay pa yang band 3 na yan sa globo dito sa area ko.
Ang pinaka malayong radius lang kasi nian e 2km kaya kung lagpas kau dun hindi talaga magiging stable connection niyo
 
sa akin mabilis band 41 pero nasa loob na biglang bbgal, pero gmit ko na band pag nsa loob ako ay band 900 3g mabilis pra din siyang 4g khit speestest mbilis din
 
Lods medyo may background lang po ako sa mga frequency kaso pang newbie lang so LTE band 28 vs LTE band 41
ang LTE 28 ay 700mhz at LTE 41 ay 2500mhz, base sa mga narinig the lower the frequency the higher the range, the higher the frequency the lower the range dito ang pinag uusapan lang ay yung frequency at range (ang range na sinasabi dito ay yung distansya kaya maabot ng frequency), dito naman tayo sa kung sino ang mas malakas yung high frequency ba or low frequency, halimbawa ng low frequency ay 700mhz at ang high frequency ay 2500mhz so malaki ang difference nila, e analyze naten na ang frequency ay isang road highway so isipin naten ang mga frequency ay kapal ng isang road highway so yung 700 mhz ay sabihin naten na 2 lanes lang na papunta at pabalik lang while ang 2500mhz ay 4lanes na 2 lanes ang papunta at 2 lanes ang pabalik so mas madaming ma seserve yung high frequency or madami ang mabibigay nito in terms of data, so sa speed naman ay dito naka depende tayo lahat sa isp naten kung ilan ang ibibigay nila or e seset saten.
 
Up ko lang, sa case ko ang mga band na nag aappear ay 1,3,28, 40,41.. Sa lahat ng yan ang malakas at stable sakin ay combination ng 3/1 at umaabot ako 20mbps both download at upload speed pero nung nag simula ang tag ulan napansin ko bumagal speed ng net namin kaya nilipat ko sa 3/28 pero ang taas na ng ping at di na umaabot ng 15mbps.. Pag nililipat ko naman sa band 40 or 41 minsan wala akong signal kaya ang choice ko paikutin lang sa band 3/1 at 3/28 vise-versa, may hybrid antenna nako nyan.. Not sure ano problem bat bigla bagal pero puro globe users naman mga nakapaligid samin
 
dami mong matutunonan sa pag basa lang d2 from page. 1
problema ko ngayon about sa band at frequency
kudos sa mga kaphc na nag ambag ng kaalaman nila.

SUMMARY ko na para syo:
1. The higher the freq the shorter the range (ex band 41) =
pang malapitan, parang may 4 lanes pag travel ng data, mas madami masesereve na users

2. The lower the freq the farther the range (ex band 28) =
pang malayoan, parang may 2 lanes lng pag travel ng data, mas konti ma seserve na users

3. ISP (internet service privider) pa rin naka depende speed natin

4. dual band = pwede mong pagsabayin gamitin dalwang band sa iisang modem. or pwede mo i set dalwang band sa pag band lock. depende sa modem na gamit mo. may mga modem na isahan lng na band pwede ma lock

5. Cellmapper = useful tools sa pag hahanap kung ano malapit na tower at kung anong malapit na band meron sa location mo

6. Congested sa ibang band = kaya na eexperienc natin na minsan mabagal pag umaga o mabalis ang speed sa madaling araw ay kasi. Pag umaga dami gising na users, pag madaling araw tulog na. So konti ang trapic. Pag peak hours mabagal ang ating speetest.

7. FDD vs TDD
FDD (Frequency Division Duplex) is a technique in mobile networks that uses separate frequency bands for uplink and downlink communication;
TDD (Time Division Duplex) is a technique that uses the same frequency band for uplink and downlink but only communicates in one direction at a time. -google


Di na to about sa mga band or freq. Pero idagdag ko nalang mga to para makakabasa sa iba kaphc.

POSSIBLE SOLUTION para bumilis ang net natin:
1. Lipat ka ng area or location mo
2. Mag invest ng maganda o pangmalakasan na modem
3. Mag invest ng maganda o pangmalakasan na antenna
4. Mag upgrade kana to 5g services
5. Try mo mag try ng ibang ISP tapos icompare mo
6. Try mo mag starlink kung may budget
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top