May babae ako pre dati during pandemic umabot kami ng 2 years mahigit walang LABEL. Feel ko pre na mahal niya ko sobra kaya naging kampante ako na di ako iiwan. May mga times na wala akong pake sa kanya, adik ako sa ml at pag-aaral. Mag chachat lang ako sa kanya pag gising na ako tas ml ulit.
Madali akong magalit sa kanya, nagseselos din ako lalo na dun sa tropa niya (same circle kasi sila ng ex niya dati) kaya ginagawa ko nagpapaselos ako (not to the point hahanap ako ka fubu)
Hanggang 2021end of march sobrang labo na namin tas nakikita ko sa mga shared posts niya na may isang guy na palaging nag rereact. Syempre nagdududa na ako. Hanggang sa 1st week sa April nakita ko sa story nung lalake na magkasama sila. Ginawa ko ay minura ko yung ex ko na walang label hahaha at pati yung lalake hinamon ko suntukan. Aaminin ko napaka immature ko dun. Nagpopost pa ako sa FB, naghahanap ng KAKAMPE para mafeel ko na tama yung nararamdam ko (galit, inis etc.). Same din ako sayo nag oovershare. Buti nalang na realized ko na mali yung ginawa ko, pagtatawanan lang kami sa mga makakakita kaya dinelete ko lahat ng posts about sa kanya. Buti nalang inunfriend nya ako sa fb para wala na kami communications. Nag focus ako sa pag aaral ko. Nag exercise. Nag babasketball. Ginawa ko lahat para ma divert attention ko sa iba in a good way. Kaya ayun na feel ko na ang gaan ng pakiramdam ko. Walang bigat na nararamdaman. Hindi na mainitin ulo ko. Basta napakapayapa.
Accept mo lang mali mo pre. Learn to moved on na din. Pag may mawawala may darating. (May nakita ako online tas nagkwentuhan kami ayun naging jowa ko LDR kami at mag wa-wan year na this 25)
Update sa ex ko na walang label? Sila nagkatuluyan nung guy hanggang ngayon sila parin pero hindi na ako galit. Hahajaja tinatawanan ko nalang yung reaksyon ko dati na napaka OA ko pala. It is all about compatibility pre. Huwag masayang sa haba ng panahon ng pagsasama, piliin mo yung taong nagpapasaya sayo na wala kang iniisip na problema