What's new

Closed Looking for your advice, suggestions and opinions

Status
Not open for further replies.
elo phc,magandang araw sa inyong lahat. need ko po help niyo kung ano nga ba ang nararapat kong gawin sa situation na ito. sana po ay mapagtiyagaan niyo ang sulat kong ito.

Newly marriage po ako at nagpatayo po kami ng bahay sa lugar ng husband ko. Ang buong barangay na ito ay relocation site sa mga biktima ng landslide more than 10 years ago. Ito ay binigay ng Philippine Red Cross sa mga tao ng libre at may bakanteng lote inilaan para sa mga bagong mag-asawa na gustong magtayo ng bahay. kami po ay nag-inquire at nag-apply sa barangay captain about sa pagpatayo ng bahay at pinahintulutan naman kami.simple lang po ang patakaran ang ipinabatid sa amin ng kapitan; ang unang makatayo ng bahay sa bakanteng lote ay magiging pag-aari nyu na pero bawal ang reservation ng lote. At syempre, residente ka ng barangay, yan lang po ang requirements…at ang patakaran na ito ay alam ng buong residente…sana mapagtiyagaan niyo po ang aking mensahe.


Ito po ang problema ko…nang sinimulan po na namin magpatayo ng bahay merong matandang ale lumapit sa akin habang naglalakad ako sa kalye, kinausap niya ako about doon sa lote na tinayuan ng bahay namin.


Tinanong niya ako kung bakit di kami nagpaalam sa kanila na magtayo kami ng bahay sa bakanteng lote kasi daw po sila daw ang naghire ng bulldozer para maflat ung lupa pero di nila tinapos, it was almost 8 years ago..actually di po talaga naflat ang lupa medyo may kataasan kasi ito..pinahinto nila ang pagflat ng lupa kasi nadiscourage po sila sa area ng lote na iyon kasi mabato po at ito ay tambak area nung time na itinayu ang mga bahay sa relocation site.plano po kasi nila that time e tayuan ng bahay ng kanyang anak..kaya lang di ito nagustuhan ng anak niya kasi mataas na lugar at sobrang lalaki ng bato at iniwan nilang nakatiwangwang..nagtayo na lang sila ng bahay sa ibang area na may bakanteng lote…at ang area na kanilang pagflat ng lupa ay inaangkin nilang pamilya at may agreement daw sila sa Philippine red cross worker na lingid sa kaalam ng kapitan…at di daw po authorized ang kapitan sa area na iyon..ang ale po ay naniningil sa amin ng pambayad sa pagflat ng lupa…


Nararapat po bang kami ay magbayad sa nagastos nila sa paghire ng bulldozer?

salamat po sa mga magcomments...
 
namemera lang yung mga yun, maipapayu Ku lang ate since kayu po yung bagu sa lugar bayaran nyu na lang sila for the sake of pakikisama, pero alam KO lahat naman tayu ayaw ng naargabyado mapaguusapan naman yan para d ka nila masyado kagatin sa bayad :) congrats
 
kung wala sila papel na ipakita di wala silang karapatan,,malay mo baka sa goberno nag pa bulldozer nyan,
cgro po.bakit cla nagpupumilit magpareimburse..bkit di na lang tanggapin na loss nila un..almost 8 yrs ago na..d pa cla nakamove-on..
 
kung ganun wag mo na bayaran sila pero kung may choice kang sa ibang lupa ka na lang magtayo mas ok yun kasi kung ganon magiging kapitbahay mo, dagdag yan sa sakit ng ulo tapos mapepressure ka pa pero kung kaya mo tiisin then go for it, wala namang ilalaban yung mga pamilyang yun sayo :)
e malapit na matapos ang bahay,,septic tank nalang at CR..2nd time na namin tong paglipat..sayang gumastos na ako..
 
namemera lang yung mga yun, maipapayu Ku lang ate since kayu po yung bagu sa lugar bayaran nyu na lang sila for the sake of pakikisama, pero alam KO lahat naman tayu ayaw ng naargabyado mapaguusapan naman yan para d ka nila masyado kagatin sa bayad :) congrats
nahahalata ko na nga po..bat sila ganun...
 
Huwag po kayo magbayad. May papeles ba siyang pinanghahawakan sa lote na pinagtayuan nyo? Pwede din kayo na lumapit sa barangay nyo don nyo iopen problema nyo. Pwede nyo rin puntahan ang redcross dahil malamang may listahan sila kung sino nagmamay-ari ng bawat lote.
wala po silang papel sa lote..nagpareimburse lang po sila sa nagastus dun sa bulldozer daw..
Sabihin mo di mo kako problema nagastos nya sa pagbulldozer--ilapit mo sa barangay yan at huwag na huwag kang magbabayad. Peperahan ka lang nyan
 
wala po silang papeles..residente lang din po sila...ipinaalam ko na rin sa kapitan..ang sabi sa akin ganun daw po silang pamilya..e ayaw ko po ng gulo..kaso nagtulungtulongan po ang magpamilya, kama-kamag-anak po sila.pinagtsitsimisan na ako sa lugar namin..
sakit sa ulo diba naghahari harian rila diyan.
 
yan lang ba ang sabi ng kapitan,,wala ba sya reakson dyan',
ipa brgy mo yon tao namilit' tas pag usapan nyu yan sa brgy kung ano dapat gawin''kung ang kapitan wala paring magawa di iparatin mo sa husgado',,isa lang gawin mo mag bayad ka f may papel sila hinahawakan na sila mismo nag pa bulldozer at nag bayad sa bowes sa lupa nayan,
 
yun nga
yan lang ba ang sabi ng kapitan,,wala ba sya reakson dyan',
ipa brgy mo yon tao namilit' tas pag usapan nyu yan sa brgy kung ano dapat gawin''kung ang kapitan wala paring magawa di iparatin mo sa husgado',,isa lang gawin mo mag bayad ka f may papel sila hinahawakan na sila mismo nag pa bulldozer at nag bayad sa bowes sa lupa nayan,
ok po pag namilit na sila mas mganda na talaga ipabarangay ko na sir.sa gobyerno daw po tlg ang lupa sabi ng kapitan..donate ng philippine red cross..di po talaga sila ang may-ari..ang kanila nagpareimburse sa nagastus nila sa paghire ng bulldozer
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top