What's new

Tutorial Ligaw Tips Part 2 (tagalog Version)

Professora Akira

☯️SõüLNïnëtāiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
17,917
Solutions
6
Reaction
39,426
Tip#1
Malaking turn-on sa girls pag napapatawa mo sila. Gawing ice breaker ang pagbibigay ng joke (wag yung double meaning) para humaba ang usapan nyo. Kikiligin sila don pero konti lang. Siguro mga 5-8 seconds.

Tip#2
Parating tandaan na ang personal hygiene lang ang katapat nyan pero wag mo sosobrahan. Mas dagdag kilig factor sa babae pag ang lalake ay fresh sa paningin nila.

Tip#3
Mas naaappreciate ng mga girls ang mga lalaking marunong magsabi ng totoo. Wag na wag kang magsisinungaling kung ang intention mo ay magpaimpress lang sa babae. Magkaiba ang pagbibigay ng joke sa pagsisinungaling. Masaya kaya sa pakiramdam pag alam mong wala kang tinatago habang nanliligaw ka.

Tip#4
Ang pinakapractikal na solusyon jan ay dapat kilala ka nya at kilala mo din siya sa personal. Kailangan nakakausap mo din siya dahil pag wala kayong connection, feeling nya stalker ka lang kahit kilala ka pa nya. Wag mong irerekta agad na yayain mo siya para lumabas, try mo muna magopen ng mga topics para may clue ka kung saan ang perfect place nyong dalawa.

Tip#5
Maging mapanuri sa pananamit. Kahit di ka kagwapuhan, importante ang impression mo sa crush mo. Pumili ng damit kung saan ka komportable at disente tignan.

Tip#6
Piliin mo yung taong alam mong magtatagal kayo. Wag yung dahil lang yung panandalian. Yung parang trip trip lang. Wag yon, kasi dito sa taong ito ay ibubuhos mo lahat ng effort mo para sa kanya. Wag palaging seryoso sa usapan. Magbitaw ka ng joke or kilitiin mo siya paminsan minsan. Iparamdam mo sa kanya na special siya sayo.

Tip#7
Be a man of your word, kahit palabiro ka sa crush mo magbigay ka ng mga salita na alam mong tutuparin mo in the future. Ang mga babae kasi nature na sa kanila yung magrecall ng mga memories. Kapag sinabi mo sa kanya na aayain mo siya lumabas, ineexpect na nya agad na gagawin mo yon sa napagusapang date.


Tip#8
Kung ikaw yung tipo na torpe talaga, para sayo to. Kaibiganin mo muna yung mga close friends ni crush. Tapos dun ka magpalakad, yung tipong tutulungan ka nila kay crush. Pero para magawa mo yon kelangan alam nilang mapagkakatiwalaan ka. Isang basehan kasi ng mga babae kung okay din sa kaibigan niya yung nagkakacrush sa kanya. Pero kung yung kaibigan nya ang nafall sayo, aba eh ibang usapan na yon. Dun tayo sa crush mo hindi dun sa kaibigan nya kaya wag malandi ha.


Tip#9
Ligaw takes time kasi. Hindi pwede yung minamadali mo agad ang lahat. ang mga girls kasi, gusto nila yung guy na nageeffort para sa kanya. Yung feeling nya na special siya para sayo. Dun sila madali nafafall. Kaya yung mga balak manligaw jan, siguraduhin nyo na kilalang kilala nyo na yung crush nyo baka kasi bugso lang ng damdamin yan eh tapos wala pang isang linggo iba nanaman crush mo. Landi rin eh no? Maging open minded ka sa mga sinasabi nya para alam mo yung mga do’s and dont’s nya pagdating sa iba’t ibang bagay. Alam kong kayang kaya nyo gawin yan.

Tip#11
Alamin mo ang mga bagay kung saan common kayong dalawa. Yung tipong pareho nyong hilig o alam na gawin. Kunwari mahilig magexercise si crush, tapos sakto ikaw din mahilig magexercise, dun kayo ngayon maguusap kung anong mga ideas ang pwede nyo ishare sa isa’t isa. Tapos pwede kayo magsama magexercise pag may time kayo. Hindi mo lang siya nakausap, alam mo pa mga hilig nya.

Tip#11
Magbigay ka ng interest sa kanya kahit sa anong paraan. Pwede sa personal, sa text or call, sa skype o kahit anong video call app pa. Isang magandang paraan jan eh kung alam mo kung papano siya mapapatawa. Tandaan nyo ang mga girls, karamihan nafafall sila sa taong may sense of humor. Ito rin ang magandang paraan para malaman nyo ang background ng isa’t isa.

Tip#12
Kung special day nya, Mag bigay ka ng mga sweet na bagay na makakapagpakilig or makakapagpasaya sa kanya. Mga memorableng bagay na kapag makikita nya yun, maiisip at maiisip ka nya. As nanliligaw, wag kang bumili ng mga mahahaling gamit like bags, cellphones and shoes. May mga instances kasi na mamahalin kalang nya dahil jan. Bili mo siya yung alam mong sasaya siya. Hindi naman kasi yung presyo yung pagbabasihan ng girls eh, dun sila sa thought nagbabase. Kung di mo ma afford, wag mo nang pilitin. Maraming paraan para mapasaya mo siya at isa na jan ang mga flowers and chocolates. Ipakita mo lang na sincere ka sa ginagawa mo,mag lagay ng effort para di siya magdadalawang isip sayo.


Tip#13
Giving compliments is a must.
If nakita mong may bago sa kanya, kahit ano basta nakita mo for the first time, magbigay ka ng compliment. Halimbawa nakita mo siyang may bagong earrings, Sabihin mo “ang cute ng earrings mo” in that way makukuha mo attention nya tapos magrereply yon ng thank you. Edi ayon senyales na ng pakikipagusap sa kanya.


Tip#14
Confidence is the Key,
Wag ka mahihiya. Tandaan mo na unique ang pagkatao mo at walang makakagaya neto kahit sino.Ang confidence ay isang way para labanan ang hiya at takot mo sa kahit anong bagay. Magbigay ka ng tiwala sa sarili mo. Pogi ka.Kung hindi sa mukha, sa ugali. Hindi lang sa mukha nadadala yan, pati sa pananamit, ugali, at pakikisama mo sa tao. Yun ang tunay na pogi! Eto ang isang magandang way para maging confident. Di ba feeling proud ka pag anjan mga tropa or kaibigan mo? Isipin mo lahat ng nakakausap mo eh kaibigan mo. Hindi ka na matatakot nyan.


Tip#15
Ang mga girls, palagi nagbabago isip nyan, hindi mo mababasa ang mga galaw nyan. Minsan nagiging moody sila, o kaya naman nagiging palabiro. Nature na yon sa kanila. Wag mo itatake yon personally, at never ka rin basta basta magjojoke sa kanila during "moodswings. Intayin mo lang na guminhawa ang pakiramdam nila. Malay mo eh buwan pala nya kaya siya ganon, wag mo sasabayan ang galit nila. Magadjust ka lang para sa kanya.Maaappreciate yan nila kahit papano.

Tip#16
Ang problema di maiiwasan yan, kapag malungkot ang crush mo itanong mo kung bakit siya malungkot, kung nagaalala siya, itanong mo kung bakit siya nagaalala. Ipakita mo na handa mo siya icomfort sa kahit anong paraan na kaya mo.Kausapin mo na tapos ipakita mo na sincere ka.

Tip#17
Acceptance, ang pagtanggap ng personality sa liligawan mo ay importante. Di ba nakita nyo sa post dito na ang tunay na pogi, ay nirerespeto ang babae? Kailangan na tanggap mo ang ugali at pakikisama nya sayo. Wag mo hahanapin sa kanya ang traits na wala sa kanya. Hindi tayo perpekto, Lahat ng mga pagkukulang nya ay ikaw magdadagdag at lahat ng pagkukulang mo ay siya magdadagdag. Doon mo maaappreciate ang mga maliliit na bagay kapag natutunan mo siyang tanggapin.


Tip#18
Wag na wag kang mandadaya sa panliligaw. Wag kang manliligaw ng marami at kung sino ang unang sumagot sayo eh dun ka na. Dun ka lang manligaw sa isa. Kasi pag nalaman yon nilang lahat. Kaya nga isa lang puso natin dahil para lang to sa isang partner at hindi marami. If sa tingin mo hindi siya para sayo, wag mo na ituloy ang panliligaw at dun ka lang pwede magswitch sa iba. Pagisipan mo ito kung talaga kung siya ang “only one” o baka bugso lang ng damdamin yon.

Tip#19
Be yourself.Magpakatotoo ka lang. Wag mong ikukumpara ang sarili mo sa iba dahil mapapanghinaan ka talaga ng loob pag nalaman mo na may mas better pa sayo. Wag ka pangunahan ng hiya. Samahan mo pa yon ng pagiging palabiro pero yung general lang na usapan at wag yung may mga double meaning. Ang mga girls kasi karamihan eh gusto nila yung mga guys na funny at outgoing.

Tip#20
Alamin mo kung bakit mo siya gusto ligawan. Dapat matatanggap mo na nililigawan mo siya dahil seryoso ka at nakikita mo ang future mo sa kanya at hindi dahil “wala lang trip trip lang” or “mga barkada ko lahat taken ako lang hindi.” Makipagusap ka sa kanya para magkakilala kayo ng lubusan.


Tip#21
Magkaroon ka ng oras para sa kanya. Busy ka man o hindi dapat magbigay ka parin ng oras. Kahit isang oras lang or 30 minutes ang ilaan mo sa usapan nyo, malaking bagay yon para makapagspend ng time sa kanya. Mas malaki ang chance na magustuhan ka nya kung magiging part ka ng oras nya. Yan kasi ang nature ng girls, mas nafafall sila sa haba ng pinagsamahan kasi may tiwala na sila sa iyo. Yung feeling nila na hindi sila kompleto pag di ka nakausap.

Tip#22
Sadyain mo yung pagkadulas ng dila mo na gusto mo siya. Wag yung totally na sabihin mo, yung konting details lang. Yung tipong out of nowhere bigla ka nalang magsasabi ng “nafafall na ata ako” tapos bigla ka magreason pero yung itsura mo nagbublush na. Pag yung girl may gusto din sayo, alam na nya yon pero ayaw lang sabihin. May mga girls kasi na gusto ka na rin niya bago mo pa siya ligawan. Yun ang isa sa pinaka safe na gawin kung ayaw mo maging awkward pagkatapos.

Tip#22
Pag nanligaw ka, dalawa lang ang posibleng sagot jan, maging kayo o mareject ka. Ang tip ko ngayon ay tungkol sa rejection. Wala naman masama pag nareject ka. Yun nga lang masakit. May mga bagay kasi na pag naramdaman mo na akala mo yun na talaga. Hindi natin maiiwasan ang malungkot. Napakahirap gawin neto sa simula pero eto lang ang paraan para magsimula ka ulit at ito ay ang mag “Move on.”


Tip#23
Avoid expecting much. Madidisappoint ka lang kasi sa huli pag nalaman mong hindi pala siya ang nakatadhana para sayo. Kaya ka nga nanliligaw para malaman mo kung para sayo talaga siya. Di naman kasi maiiwasan na magexpect. Natural yan. Pero wag mo lang sosobrahan yung sa point na feeling mo sayong sayo siya kahit nanliligaw ka palang. Maging neutral ka lang in terms sa ugali at pakikisama.


Tip#24
Huwag manligaw ng sabay sabay. Hindi lang dahil sa hindi maganda tignan sa lalaki ang maraming nililigawan, dito rin malalaman na hindi ka mapagkakatiwalaan pagdating sa mga bagay na dapat ka pagkatiwalaan katulad na lang ng pagiging tapat sa iisang babae.

Tip#25
Wag na wag kang magbibigay ng paiba ibang reaction sa nililigawan mo. Yung tipong sa una eh gusto mo siya tapos sunod eh medjo magagalit ka tapos the next day eh nagfiflirt ka. Unang una turn off sa kanila yon.

Tip#26
Make ligaw when you are ready and when you're at the right age yung mature kana ,hinog kana di yung nasa immaturity level ka.

Tip#27
Magset ka ng limitasyon para sa physical situations pagdating sa panliligaw. Ligawan mo siya ng tama at sa malinis na paraan para hindi ka magmukhang masama para sa kanya at sa mata ng mga friends nya.

Tip#28
Alamin mo kung anong qualites ang maappeal sayo. Iba iba kasi yan eh. Merong mga tao na maappeal sa mukha, meron din naman sa ugali, at meron din sa pagpapatawa. Kung di ka kagwapuhan, magfocus ka kung saan yung alam mong magaling ka. Alam nyo kasi ang mga girls hindi lang sa mukha nagbabase yan. Iba iba ang preference ng bawat babae. Dun mo ngayon makikita kung turn on sila sayo o hindi. Tandaan mo na ang pagiging pogi ay hindi sa mukha, kundi sa gawa.








-ctto-
 
Last edited:
Top