Best thing to do is to discuss this with her, mahirap din naman na nagkarelasyon kayo at binaliwala ung bata. Kung nanahimik ka at walang sinabi, aaminin ba nya o itatago na parang wala lang ung bata? Mahirap un, dahil makikita mo ung level of commitment nya sa isang relasyon na willing syang baliwalain ang anak para sa pagibig. Honestly, ganung klaseng relasyon ba ang gusto mo dahil at the end of the day homewrecker ang labas mo nyan.
Nagkarelasyon din ako sa may anak na, syempre mas mabigat ung kids nya kaya sa huli naghiwalay din kami. Pero ganun talaga, mas maganda na both masaya ka at siya kaysa one sided ang relasyon at sa huli eh kaya ka nyang talikuran. Sa huli, kung mahal mo matututuhan mo ring piliin ang tamang disisyon.