What's new

Closed Land title

Status
Not open for further replies.

jiar008

Addict
Joined
Jul 6, 2018
Posts
15
Reaction
1
Points
67
May nabasa ako about sa lupa dito kaya magtatanong na din ako,

25+ years na po nakatayo bahay namin dito sa Makati boundery ng BGC. Yung kapitbahay namin ay kababayan ng nanay ko sa probinsya nung nagtayo sila ng bahay dito nag usap sila na iisa lang ang ipapangalan sa rights pero madami silang kasunduan at kasulatan na nakapirma silang dalawa (Kapitbahay at nanay ko) nung 2014 biglang nilakad ng kapitbahay namin yung titulo at pinangalan sakanila ng hindi namin alam siguro ginawan ng kwento yung surveyor, Pero kumpleto kami ng papeles, sukat ng bahay na pinasurvey etc. nung nalaman ng nanay ko na pinatitulo na nila ng di namin alam at kelan lang sinabi samin nitong 2017 pero mas una na namin nalaman bago nila sabihin. gumawa ulit sila ng kasunduan about sa titulo. na nilapit sa abogado.

27 sqm. lang lupa namin pero 150k ang bentahan per sqm dto at nagbenta na ang ilan sa mga kalugar namin na binili ng BGC.

baka kasi biglang madedo yung nakapangalan sa kabila kamkamin ng mga anak yung lupa namin.

wala po ba kaming habol dun?

di pa namin mapaseparate yung title kasi malaking pera ang magagastos.

Salamat po sa mga sasagot Godbless.
 
Lumapit nalng kayo sa PAO paps para matulungan kayo nang libre.hindi nila makukuha yan may completong titulo namn kaya kayo na nakapangalan sa nanay mo?
 
Maganda kung sa abogado ka magtanong,
Pero logically paano naging valid na masolo nila ung title na hindi tinatanong nung surveyor kung nasaan ung isang nakapangalan sa titulo, the only way is may pinakita sila na deed of donation na nagsasabing binigay na ng nanay mo ung lupa sa kanila
 
Prepare the necessary documents, medyo mahirap na yan if napatituluhan na nila. Pinagpapalagay sa batas na kanila na talaga yun, Dahil sa may kasunduan kayo both parties and good faith naman kayo ay bakasakaling mabago pa ang titulo ng lupa at pumasok na kayo sa extra judicial settlement na ang ibig sabihin ay paghati hatiin na ang lupa. We hope na magkaintindihan kayo ng kabilang panig at hindi humaba ang usapan. Pero nangangailangan parin i-korte yan dahil sa kanila nakapangalan ng titulo. Need ng abugado para maliwanagan sa lahat.
 
Okay naman sa Nanay nila e maayos usapan, di lang kami nakakasigurado sa mga anak, Iba ang usapan sa lupa at pera na din yun
 
Okay naman sa Nanay nila e maayos usapan, di lang kami nakakasigurado sa mga anak, Iba ang usapan sa lupa at pera na din yun
Palagi mong tatandaan na nagbabago ang lahat kahit pa ang nanay nila. Pera pera din kasi yan. Mahalaga mailakad na ninyo yan at masa-ayos na ang lahat. Pag nagkapirmahan na ang BGC tungkol sa bentahan at sila eh mahirap na ang babanggain ninyo.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top