What's new

Kwentong tuli

4rion

Eternal Poster
Established
Joined
Dec 5, 2017
Posts
1,196
Reaction
887
Points
491
SUMMER TULI

Dalawang binata ang nagkwentuhan.
"Magpapatuli na ako sa Summer kasi napuno na ako ng kantiyaw."
"Naku dapat ihanda mo sarili mo"
"Bakit? Gaano ba kahirap ang magpatuli?"
"Maniwala ka sobrang hirap."
"Gaano nga kahirap?"
"Nung tinuli kasi ako di ako makalakad ng isang buong taon."
"Tuli ka na pala?"
"Oo matagal na."
"Kelan pa?"
"Nung kapapanganak ko pa lang tinuli na kaagad ako. Isang buong taon akong di makalakad" 🤣🤣🤣

ISALI SI TATAY

"Nay pahingi po singwenta pesos"
"Bakit Nak?"
"Magpapatuli na po ako meron po dun offer sa health center sa OPERATION TULI mura lang po pambayad lang ng medisina pagkatapos."
"Eto Nak Isang Daang Piso..."
"Sobra po ng singkwenta Nay."
"SINADYA KO YAN NAK, ISALI MO TATAY MO" 🤣🤣🤣

BAGONG DOCTOR

Isang bagong doctor ang naassign sa surgery department ng isang hospital.
"Welcome to the surgery department Dr. Reyes."
"Thanks po Head Dr. Santos. Actually kahapon pa po ako nag umpisa nasabak na agad ako sa aksyon at nakapag opera na po ako kaagad on my first day of work."
"Very good. Kamusta naman ang experience mo?"
"Mabuti naman po Doc. Mga tatlong pasyente ang naoperahan ko kahapon."
"Aba ang bilis naman. Naka tatlong surgery ka na agad!"
"Yes Doc madali lang naman ang procedure."
"Teka, ano bang procedure ang ginawa mo?"
CASTRATION po doc."

"HA? KINAPON mo ang tatlong tao?! Eh sa OPERATION TULI ka lang naman na assign! *********ION ang tawag doon iho! *********ION! TULI BA TULI !!!"
"Hala?! Magkaiba pala ang CASTRATION sa *********ION? Akala ko pa naman eh parehas lang!!!" 🤣🤣🤣

TUMAHIMIK KA KANOR!

Si Mang Kanor, nakikipag usap sa kanyang asawa habang nakaratay sa hospital bed sa loob ng isang clinic.
"Mahal kong asawa, kahit na anong mangyari pagkatapos ng operasyong ito, ito ang lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita pati ang mga anak natin. Di ko pinagsisihang ikaw napangasawa ko at kung bibigyan man ako ulit ng pagkakataon na mabuhay at pumili ng mapapangasawa ay di ako mag aatubiling ikaw pa rin ang pipiliin ko..."
Sumagot naman ang asawa.
"TUMAHIMIK KA KANOR! ANG OA MO! WALA PANG NABALITANG NAMATAY SA PAGPAPATULI!!! KUNG IKAW WALANG PINAGSISIHAN PWES AKO MERON! SASABIHIN KONG NAGSISISI AKO KAYA NAGPASYA AKONG IPATULI KA!!! ANG OA MO! TSEEE!!" 🤣🤣🤣

NAMAMAGA SI MANOY 🤣🤣🤣

Isang 40 anyos na lalaki ang nagpasyang magpatuli sa isang doctor.

PASYENTE: doc napagpasyahan ko na lang pong magpatuli kasi napuno na ako ng kantiyaw sa aking mga kaopisina. Kaso may problema ako pero wag sana kayong tatawa!
DOC: hindi pinagtatawanan ng doctor kung anuman ang problema kasi professional kami sa mga ganyang bagay.
PASYENTE: mabuti naman po kung ganun..
DOC: ano ba problema pala??
Biglang inilabas ng pasyente ang kanyang ARI. kasinglaki lang ng baterya ng remote na dobol A (AA). pinigilan ni doc ang matawa..
DOC: ano ba problema jan??
PASYENTE: ehh..doc...parang NAMAMAGA po eh!! Mukhang nakagat po ng kung anong insekto! Baka po mag complicate kung ipa tuli ko!! Hintayin ko lang muna sigurong mabalik sa normal na laki yung kasing laki lang ng triple A n battery (AAA)!!!

Hinimatay ang doctor sa katatawa 🤣🤣🤣

Kaya patuli na 🤣🤣🤣
 

Similar threads

Back
Top