What's new

Kuwento ni Nanay Elena

Kaplok Kaplok

Forum Veteran
Elite
Joined
Oct 19, 2020
Posts
2,987
Reaction
1,289
Points
1,006
Isang viral video ni Lexie Jayy ang binash ng mga mga netizen tungkol sa kwento ng isang DH sa US na si nanay Elena.

Isa itong nakakatuwa na post sa tipikal na manunuod, pero ang ilan ay nagpaulan ng batikos dito.

Isa na jan ang isang twitter post na ito:
Screenshot_20230703_084716_Twitter.jpg

Kung saan hinahalintulad sa slavery ang ginawa kay nanay Elena sa hindi pagpapauwi ng 30 years.

Meron namang ilang mga Pilipino na nagsasabi na dapat daw ay binigyan ng citizenship si Elena.

Ano ang tingin mo sa mga opinion ng mga tao na ito?

Spoiler contents are visible only to Established Members.
 
Attachments

Last edited:
Sa mata natin isang slavery yun pero sa perspective nung Kasambahay malamang hinde, Kase sa tagal na nyang kasambahay(for 30yrs) malamang di na sya itinuturing na kasambahay ng mga pinagsisilbihan nya kundi isang Pamilya na. Atsaka lahat naman ng trabaho ay Slavery, Di ba?
 
Ideally syempre malungkot ang naging karanasan ng matanda na hindi siya nakauwi for 30 years.

Pero sa totoo lang, ang choice lang marahil ni nanay Elena ay magkakasama nga silang pamilya sa Pilipinas pero mabubuhay silang dukha o makikipagsapalaran siya sa US pero at least mamumuhay ng disente mga naiwan niyang pamilya.
 
Ang defining factor ng slavery ay forced labor. Kaya tama, mas maraming trabaho ang npipilitan lng tayo kunin dahil sa sistema. Kaya in essence, slavery tlga lahat. Yan nmn din ang basehan ng mga taong bumatikos kay Lexie. Pero hindi din yan sapat para i-paint a picture na para bang inaabuso si nanay Elena.

Ideally syempre malungkot ang naging karanasan ng matanda na hindi siya nakauwi for 30 years.

Pero sa totoo lang, ang choice lang marahil ni nanay Elena ay magkakasama nga silang pamilya sa Pilipinas pero mabubuhay silang dukha o makikipagsapalaran siya sa US pero at least mamumuhay ng disente mga naiwan niyang pamilya.
Jan nga mejo blurred ang lines kung masama ba ang gawing employee ang isang undocument foreign worker. Sa mata ng gumagawa nito, tumutulong sila sa isang tao na masuportahan upang bigyan ng hanap buhay (dahil walang legal na hanapbuhay para sakanila) kahit mabigyan manlng sila ng matutuluyan ay napakalaking tulong nun. Kakainggitan pa nga ito ng isang legal na immigrant na kailngan magbayad ng sariling tirahan..

Pero on the flipside, sa mata ng iba, it is taking advantage doon sa sitwasyon nung tao na hindi maganda, para magsilbi sila sayo nang mas mababang pasahod. Pero kung usapan lng doon sa tirahan.. napakamahal ng upa sa US. Sa california nga ay nag aaverage ng 75,000 php ang single bedroom. Kaya kahit below minimum ang pasahod sa undocumented worker, mas malaki tlga kinikita nila kesa sa legal immigrant kung isasama ang pabahay.
 
Last edited:
3 decades of sacrifice. Undocumented pala si nanay. Di man lang nakuhanan ng legal papers while working for 3 decades.
 
3 decades of sacrifice. Undocumented pala si nanay. Di man lang nakuhanan ng legal papers while working for 3 decades.
Para sayo kaninong obligasyon ba na kuhanan sya ng legal papers? Based din sa case niya, marriage lang ang nakikita kong way para maging citizen sya.

Para lang din sa mas malawak na point of view.. hindi obligasyon ng isang citizen asikasuhin ang papers ng isang îllégâl immigrant. Ang obligasyon pa nga nila ay isuplong sa awtoridad para ibalik sa bansang pinanggalingan.
 
Maaari bang makasuhan yung employer ng isang illigal immigrant gaya niyang case ni nanay? Like pagtatago ng isang undocumented individual
 
Maaari bang makasuhan yung employer ng isang illigal immigrant gaya niyang case ni nanay? Like pagtatago ng isang undocumented individual
May federal law ang US diyan pero madalas misdemeanor offense lang yun. Multa lang madalas ang parusa pagkatapos pa ng mahabang hearing. In practice din depende sa policy ng nakaupong presidente nila, pwedeng hindi nila ipatupad yung paghuhuli sa mga employers kagaya ngayong Biden administration.
 
May mga benefits provided by the state ba na matatanggap ang isang properly documented individual at hindi tnt like healthcare at pension? Though sa case naman ni nanay parang may malasakit naman ang mga employers niya at im assuming na properly compensated naman siya within that 30 years ng service niya
 
Uu kung magha-hire ka legally ng empleyado sa US, parang dito lang din tsaka sa maraming bansa, dapat minimum wage, may healthcare at employer contribution sa social security.
 
Similar threads

Back
Top