What's new

Kutob

NETMODDER

Forum Veteran
Joined
Feb 26, 2021
Posts
399
Reaction
7,558
Points
951
Mga Lods nagtataka na ko sa Gf ko Ang laki na ng pinagbago nya sakin palagi na syang busy na dati ako lang naman palagi nyang inuuna ngayon ang dami nya ng dahilan unti unti ng nagiiba ugali nya sakin palagi na syang galit at allways sya nalang parati yong tama saming dalwa Yong dating palaging ako yong priority ngayon parang stranger nalang ako sa kanya lagi nya sakin sinasabing mahal nya ko pero di kuna maramdaman .

yong masakit pa dito lahat ng social media account ko nasakanya pero yong kanya di man lang nya kayang ibigay sakin 😞subrang napaka unfair na Ano gagawin ko mga lods .

respect answer nmn po plss❤❤
 
I'll just say the obvious but just a reminder that I might be wrong so mas tama talaga na maconfront mo siya about sa nararamdaman mo towards sa actions niya. It's either meron siyang problema or pagod/sawa na or imagkainteresado sa iba.
 
Ganyan talaga ang babae lalo na wala na syang nakikitang bago sayo , ung mga gusto mong gawin hindi mo na ginagawa yung mga sinabi mo sa kanya na gagawin mo wala padin at yung sarili mo ayusin mo . Wag kang titigil tuparin ang pangarap mo, magsipag ka lagi at lagi mo improve sarili mo. Ok lang kahit minsan mawalan ka ng time sa kanya dahil busy ka sa sarili mo, wag mo siya laging isipin kung sayo talaga sya sayo talaga. Kapag ganyan ang babae nawawalan sya ng interest sayo at nabaling na sa iba dahil wala ng bago sayo. Kapag na gets mo yan. Congrats
 
Okay lang yan bro, magpakabusy ka na muna wag mo muna isipin gf mo malay mo hanap hanapin ka pag ganon, o kaya baka may problema kaya ganon try mona din ask pero mali yan dapat kung binigay mo acc mo dapat binigay nya din acc nya very unfair yung ganyan. Ikaw binabantayan nya samantalang sya malaya at di mo makikita mga actions nya
 
Same tayo ng na experience pero now sinukuan kona nakipag hiwalay nako kasi di ko kakayanin di kaya ng utak ko mag overthink kaya pinili ko ang sarili ko pero mas maganda tanungin mo padin or mag usap kayo personal wag moko gayahin via chat lang ldr kasi kame
 
Agree ko sa lahat ng comments before me. Give some time apart din siguro sa inyo both TS. Baka naman nasasakal or nagsasawa na rin. Kung di mo talaga maiwasan mag-overthink is need na ng confrontation to clear the situation and para maiwasan na rin ang pagdududa.
 
Its important to have an open communication eto ang pinakamahirap sa relationship kasi depende sa nakaigalian nyo on how open kayo makipagcommunicate sa karelasyon nyo.

Otherwise it will lead to misunderstanding.

Maraming ibig sabihin ang pagbabago nya kaya mas maganda magusap kayo
 
Kausapin mo sya ng masinsinan. Tapos sabihin mo sa kanya lahat ng napupuna mo sa kanya at mga gusto mong sabihin sa kanya. Tanungin mo din sya kung ano yung status nyong dalawa. Mahirap din kasi mag speculate ng mga nangyayari unless na sa kanya mo talaga maririnig ang mga dapat mong malaman.
 
kausapin mo sya. sa tingin mo ba hindi ka naman nagkulang sakanya? baka naman wala kang time sakanya. o nahuli ka nya na nambabae. haha hirap kasi hulaan yung iniisip ng babae. para sakin kasi hindi basehan ng tiawala yung pagbibigay ng social media account sa isat isa. privacy pa rin kasi yun. pag usapan nyo ayusin nyo kung anong problema pre
 
Ganun talaga ibang babae..makasarili...masasanay karin...sa umpisa lang magaling...syempre nahihiya pa...pag tumagal..barubal din...tested na...kung pwede ko nga lang isuli asawa ko..hahaha...
 

Similar threads

Back
Top