What's new

Closed Kontraktwalisasyon 101

Status
Not open for further replies.
Depinisyon. Sa kagyat na pakahulugan, ang “kontraktwal” ay isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkakait ang ugnayang employer-employee sa pagitan ng isang manggagawa at ng kapitalista o kumpanyang tunay na nakikinabang sa kanyang lakas-paggawa. Ipinagkakait sa kanya ang katayuang “regular employee” ng naturang kumpanya o kapitalista. Tinutukoy naman ng “kontraktwalisasyon” ang kalagayan kung saan umiiral ang mga kontraktwal at katunaya’y pinaparami pa nga.

- Iligal ang isang masahol na modus operandi kung paano ito ipinapatupad: kukuha ang kapitalista o kumpanya ng manpower agency o cooperative para magsuplay ng mga manggagawa. Tatanggalin sa trabaho, o papalabasing tinatanggal sa trabaho, kada limang buwan ang manggagawa. Kadalasan, muling ire-rehire o papalabasing muling ni-rehire ang manggagawa sa parehong trabaho, paulit-ulit. Nakasaad kasi sa batas na kailangang gawing regular ang manggagawa kapag umabot siya ng anim na buwan sa trabaho.

- Pakitang-taong tinutuligsa ng malalaking kapitalista, ng gobyerno at mga tagapagsalita nila, ang naturang modus operandi; sinasabi nilang “pag-abuso” ito sa kontraktwalisasyon. Pinapalabas nila na ito lang ang kasingkahulugan ng “endo” o “end of contract” at “5-5-5” na siyang popular nang tawag, at karanasan, sa kontraktwalisasyon.

- Mula noong rehimen ni Noynoy Aquino hanggang ngayon sa rehimen ni Rodrigo Duterte, pinapalabas ng gobyerno na ang mga manggagawa ay nareregular sa mga agency pagkatapos ng anim na buwan. Pangontra umano ito sa modus operandi na “endo” o “5-5-5.”

- Pero kontraktwalisasyon pa rin ito. Pagkakait pa rin ito ng ugnayang employer-employee sa pagitan ng manggagawa at ng kompanya o kapitalistang tunay na nakikinabang sa kanyang lakas-paggawa. Wala pa ring seguridad sa trabaho ang manggagawa. Pwede siyang mawalan ng trabaho nang wala o may minimal lang na pananagutan ang kapitalista at agency sa batas.

- Kahit pa sabihing ipinagbabawal ng batas at kinokondena ng mga kapitalista at gobyerno, talamak pa rin ang nabanggit na modus operandi. Marami ring pagkakataong tumatagal ang manggagawa sa kanyang trabaho, umaabot nang ilang taon, nang ang katayuan ay kontraktwal.

- Atake ang kontraktwalisasyon sa karapatan sa seguridad sa trabaho ng manggagawa, at sa maraming batayang karapatang kaugnay nito. Sabihin pa, ipinapatupad ang kontraktwalisasyon para tiyakin ang papalaking tubo ng mga kapitalista.

PW-mayo-uno-2014-featured.jpg

KR Guda/PW File Photo

Kalagayan. Kadalasan, ang mga kontraktwal ay tumatanggap ng napakababang sahod. Kadalasang mas mababa sa minimum ang pasahod sa kanila kahit bawal ito sa batas. Kadalasan silang pinagkakaitan ng mga benepisyong itinatakda ng batas. Ang mga empresang matindi ang paglabag sa mga istandard sa kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa, puno ng mga kontraktwal.

- Sa pamamagitan ng kalagayang pwede silang tanggalin sa trabaho anumang oras, hinahadlangan silang mag-unyon. Sa kalagayan pa lang na kada limang buwan ay tinatanggal, mahirap nang mag-unyon. Kapag natuklasang nag-uunyon ang mga kontrakwal sa isang kumpanya, at wala silang paglaban, kadalasang maramihan silang tinatanggal. Mas masahol pa, dahil mismo sa kalagayang ito, pinupwersa silang magkumahog na gawin ang lahat ng gusto ng kumpanya o kapitalista, kahit mawasak ang pagkakaisa nila, at huwag gawin ang anumang ayaw nito, gaya ng pagtatayo ng unyon.

- Sa pagpapahirap sa kanilang mag-unyon, pinagkakaitan sila ng armas para ipaglaban ang mas mataas na sahod, regularisasyon, mga benepisyo, ligtas na lugar ng paggawa at iba pang karapatan.

- Sa kabila ng dambuhalang tubo at yaman nila, o para nga rito, ang pinakamalalaking kapitalistang dayuhan at lokal sa bansa ang mga pangunahing tagapagpatupad ng kontraktwalisasyon.

- Espesyal na kaso ang mga empleyado sa sektor ng Business Process Outsourcing sa bansa. Sa kabila ng relatibong mas mataas nilang sahod at benepisyo, sa esensya’y kontraktwal ang katayuan ng kanilang pagtatrabaho.

Batas. Mismong Batas Paggawa o Labor Code ng 1974 ang nagsisilbing ligal na batayan ng kontraktwalisasyon. Dito, sinasabing bawal ang Labor-Only Contracting habang ligal ang tinatawag na Job Contracting. Binibigyan ng masaklaw na kapangyarihan ang Labor Secretary na maglabas ng mga alituntunin para sa pagpapatupad ng Job Contracting. Sa aktwal, ang naturang mga alituntunin ay pagtuturo sa mga kapitalista kung paano magkokontraktwalisa nang ligal.

- Sa pakahulugan ng batas, tinutukoy ng Labor-Only Contracting ang kalagayan kung saan ang isang kumpanya ang tunay na may kontrol sa mga manggagawa at dummy lang nito ang agency. Tinutukoy naman ng Job Contracting ang kalagayan kung saan ang agency umano ang tunay na may kontrol sa manggagawa at nagagawa nito ang gawain nang walang pakikialam ng kumpanya.

- Ipinataw ni Ferdinand Marcos ang Batas Paggawa sa pamamagitan ng Presidential Decree 442. Kaakibat ng hakbanging ito ang pagtatayo ng mga Export-Processing Zones o EPZs na nagbibigay ng maraming insentiba sa malalaking kapitalistang dayuhan na mamuhunan sa bansa, at ang pagtatayo ng dilawan, maka-kapitalista at kontra-manggagawang Trade Union Congress of the Philippines o TUCP.

- Sa ilalim ni Cory Aquino, nagsabatas ng maraming pagsusog sa Batas Paggawa sa pamamagitan ng Republic Act 6715. Tinatawag itong “Herrera Law,” nakapangalan kay dating Sen. Ernesto Herrera na dating lider ng TUCP. Hindi nito binago ang mga probisyon ng Batas Paggawa kaugnay ng kontraktwalisasyon. Naging malaganap ang kontraktwalisasyon sa bansa sa panahon ng mga rehimen nina Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.

- Alinsunod sa Labor Code, naglabas ang mga sekretaryo ng Department of Labor and Employment ng mga Department Order (DO) na siyang nagsilbing alituntunin sa pagpapatupad ng kontraktwalisasyon. Sa ilalim ni Arroyo, ipinatupad ang DO 18-02. Pinalitan naman ito sa ilalim ni Noynoy Aquino ng DO 18-A Series of 2011.

PW-mayo-uno-backdrop-featured.jpg

PW File Photo

Noynoy. Kumpara sa DO 18-02, may mga “papogi” ang DO 18-A Series of 2011. Una, itinaas nito ang mga pamantayan para matawag ang isang agency na “lehitimong kontraktor,” kumpara sa hindi. Ikalawa, itinakda nito ang pagtalima sa Labor Standards ng mga lehitimong kontraktor. Ikatlo, isinaad dito ang pagregularisa sa mga manggagawa ng agency, hindi ng mga pangunahing employer o kompanya. Pero matatapos ang kontrata ng manggagawa-agency kasabay ng pagtatapos ng kontrata ng kapitalista-agency.

- Sa isang banda, resulta ang naturang mga “papogi” ng mga pagkondena at protesta laban sa kontraktwalisasyon. Umigting ang pagtutol sa kontraktwalisasyon dahil sa pagtanggal, noong 2010, ng 2,600 regular at unyonisadong manggagawa sa Philippine Airlines o PAL at pagpapabalik sa kanila sa parehong trabaho nang kontraktwal, walang unyon, at sumasahod lang ng kalahati ng nauna nilang sahod. Si Lucio Tan, pangalawang pinakamayamang Pilipino, ang siyang may-ari ng PAL – at ang pagpayag sa tanggalan at kontraktwalisasyon sa kanyang kumpanya ay waring hudyat sa lahat ng kapitalista na pwede silang magkontraktwalisa sa ilalim ng rehimeng Aquino.

- Pero sa kabilang banda, pakitang-tao lang ang naturang mga probisyon, at sa esensya’y nagliligalisa pa rin sa kontraktwalisasyon.

- Datos ng gobyerno mismo ang nagpapakitang panlilinlang lang ang umano’y “regularisasyon” sa mga ahensya. Ayon sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., lumundag nang 16.3 porsyento ang bilang ng kontraktwal noong 2014 mula noong 2012. Ayon dito, 30 porsyento, o 1.3 milyon, sa 4.5 milyong manggagawang ineempleyo ng mga negosyong may 20 pataas na manggagawa ang kontraktwal. Inilalabas ang naturang saliksik kada dalawang taon, at tiyak na konserbatibo ang bilang na inilalabas nito.

- Ayon dito, ang konsentrasyon ng mga kontraktwal ay ang konstruksyon, manupaktura, wholesale at retail trade, bagamat dumami ang hindi regular sa agrikultura, pangisdaan at paggugubat, sa financial and insurance services, at sa repairng mga kompyuter at iba pang gamit sa bahay. Sa pag-alam sa kalakaran ng empleyo sa mga sektor na ito, madaling masabing mas malaganap sa 30 porsyento ang kontraktwal.

PW-pangako-sa-obrero-featured-2000x900.jpg

Dibuho ni Edrick Carrasco

Duterte. Nitong eleksyong 2016, nauna si noo’y You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa pangangakong tatapusin ang kontraktwalisasyon. At hindi lang ito pangakong inanunsyo ng midya; laman ito ng mga poster niya na nakadikit sa mga komunidad. Naghahabol siya noon ng boto, at malaganap ang diskuntento sa naturang iskema ng pag-eempleyo.

- Ayon kay Duterte, nagdudulot ng kahirapan at kagutuman ang iskema, at sumisira sa lakas-paggawa at sa ekonomiya ng bansa. Malinaw sa kanya na bangga ang pangako sa interes ng mga kapitalista, at palaban niyang sinabihan sila na ilipat ang suporta kung ayaw sa kanyang pangako. Nagsunuran ang iba pang kandidato sa parehong pangako kaya para makaungos, malinaw niyang sinabi na tatapusin ang kontraktwalisasyon You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. matapos niyang manalo. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang pangako matapos niyang manalo. Pero tiyak, igigiit ng mga maka-kapitalista sa gobyernong Duterte ang pamosong pag-iiba ni You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ng “Duterte bilang kandidato” at “Duterte bilang pangulo.”

- Gaya rin ng inaasahan, You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. – pangunahin ang Employers Confederation of the Philippines o ECOP – at nagpanukala ng isang umano’y “win-win solution.” Ito ang sinang-ayunan ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa pamumuno ni Sek. Silvestre Bello III. Dito iniluwal ang kasalukuyang alituntunin sa kontraktwalisasyon, ang DO 168 na naging DO 174 na. Noong una’y DO 30 dapat ang pangalan nito, pero binago dahil tiyak na makakasama sa pangalan ni Duterte.

- Nakatuntong ang DO 174 sa DO 18-A Series of 2011 at pinapalabas nitong pinapahusay nito ang sinundan. Tulad ng DO 18-A Series of 2011, itinatakda ng DO 174 ang pagreregular sa mga manggagawa sa agency. Sa DO 18-A Series of 2011, matatapos ang kontratang manggagawa-agency kapag natapos ang kontratang agency-kapitalista. Sa DO 174, magpapatuloy ang kontratang manggagawa-agency kahit matapos ang kontratang agency-kapitalista. Kapag natapos daw ang kontratang agency-kapitalista, ihahanap ng agency ang manggagawa ng bagong trabaho at kung hindi makahanap ay bibigyan ang manggagawa ng separation pay.

- Tulad ng DO 18-A Series 0f 2011, hindi tinatapos ng DO 174 ang kontraktwalisasyon. Pinapanatili nitong ligal ang kontraktwalisasyon at katunaya’y binibigyan pa ang iskema ng papogi para magmukhang katanggap-tanggap sa mga manggagawa at mamamayan. Noon, ipinagyabang ng DOLE ni Aquino na may mga manggagawang naregular dahil sa DO nito, taliwas sa aktwal na paglaganap ng kontraktwalisasyon. At ganito na rin ang ginagawa ng DOLE ni Duterte: nagsasabi ng mga gawa-gawang datos ng nareregular umano sa ilalim ng bagong DO.

- Sa katatapos lamang na Mayo 1, pinirmahan ni Duterte ang Executive Order 51 na wala naman pagbabagong nilalaman mula sa DO 174. Nanggaling narin sa kanyang bibig na hindi niya kayang wakasan talaga ang kontaktwalisasyon at ipinapasa na nya sa legislatura para magkaroon ng matibay na batas para dito.

Kapitalista. Tandaan: ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang unang malakas na nagpahayag ng pagtutol sa pangako ni Duterte na tapusin ang kontraktwalisasyon. Sinundan ito ng mga maka-kapitalistang komentarista sa bansa: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Ang kanilang linya: Ang problema ay hindi ang kontraktwalisasyon, kundi ang “pag-abuso” rito. Ang kailangan ay hindi ang ibasura ang kontraktwalisasyon, kundi ang mahigpit na pagpapatupad ng DOLE sa mga probisyon ng batas laban sa mga agency na ilehitimong kontraktor.

- Anila, magdurusa ang mga manggagawa kapag nawala ang kontraktwalisasyon dahil mababawasan ang mga trabahong nariyan. Mas maraming manggagawa raw ang nabibigyan ng trabaho dahil sa katayuang kontraktwal; kung magiging regular anila ang mga manggagawa, kaunti lang ang matatanggap sa trabaho. Sa madaling sabi, kapag ipinagbawal ang kontraktwalisasyon, magkakaroon ng maramihang tanggalan.

PW-fil-worker-wikimedia-commons-01.jpg

Manggagawang Pilipino sa isang piyer. Wikimedia Commons

- Pag-blackmail ito sa mga manggagawa para tanggapin ang kontraktwalisasyon at ang busabos na kalagayan sa paggawa na kaakibat nito. Lumang tugtugin na ito, katulad ng laging tugon ng malalaking kapitalista kapag lumalakas ang panawagan ng mga manggagawa para sa dagdag-sahod. Balewala sa ganitong pagdadahilan ang masamang kalagayan at mga batayang karapatan ng mga manggagawa.

- Totoong dahil sa malaganap na kawalang-trabaho sa bansa ay madali para sa mga kapitalista na magtanggal ng mga manggagawa at palitan ang huli ng mga bago. Totoo ring dahil sa ganitong kalagayan ay pinupwersa ng mga kapitalista ang mga manggagawa na tanggapin ang kontraktwal na katayuan at -usabos na kalagayan sa paggawa. Pero hindi dahilan ang ganitong pananakot para maniwalang hindi kayang ibigay ng mga kapitalista ang kahilingan ng mga manggagawa para sa regularisasyon, lalo na sa harap ng pagtaas ng tubo ng mga kapitalista sa bansa.

- Sa pagdadahilan ng mga kapitalista at tagapagsalita nila, ipinagpapalagay na makatwiran at mapagmalasakit ang mga kapitalista: magreregular sila batay sa kakayahan at mag-eempleyo ng pinakamaraming kakayanin. Saan ibinabatay ng mga kapitalista ang pagsasakatuparan ng naturang mga hakbangin? Walang iba kundi sa tubo nila. At sino ang nakakaalam kung magkano ang tunay na tubo nila? Walang iba kundi sila. Nakabatay samakatwid ang ganitong pagdadahilan sa kalkulasyon ng mga kapitalista sa kanilang tubo at sa katapatan o kabutihang loob nila. Hindi makatao at makatotohanan na ibatay ang kalagayan ng mga manggagawa sa kalkulasyon ng tubo o kabutihang loob ng mga kapitalista; kaya nga sa kasaysayan ay ipinaglaban ng mga manggagawa ang paniyak laban sa mga ito – ang kanilang mga karapatan.

- At mahalagang idiin, laban sa ganitong pangangatwiran: ang kontraktwalisasyon ay paglabag sa lahat ng batayang karapatan ng mga manggagawa. Sa Pilipinas, laman ang naturang mga batayang karapatan sa mismong Konstitusyong 1987, na resulta ng malakas na pakikibaka ng mga manggagawa noong panahon ng diktadurang Marcos at kahit pagkatapos. Ang mga ginagarantiya ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa mga manggagawang Pilipino: lubos na proteksyon mula sa gobyerno, karapatang mag-organisa sa sarili at kolektibong makipagtawaran, magwelga, seguridad sa trabaho, makataong kalagayan sa paggawa, at nakabubuhay na sahod.

- Mahalagang idagdag na kasama ang naturang probisyon sa matagal nang gustong baguhin ng mga malalaking kapitalistang dayuhan at lokal at malalaking panginoong maylupa sa pamamagitan ng mga gobyernong nagtutulak ng Charter Change.

DSC_6134.jpg

KR Guda/PW File Photo

Pagkilos. Sa lahat ng ipinangako ni Duterte bago at pagkatapos ng eleksyon, ang pagtapos sa kontraktwalisasyon ang isa sa pinaka-kumakatawan ng pangako niyang “tunay na pagbabago,” at “tapang at malasakit.” Mahalagang sukatan ang pagsasakatuparan dito, o ang hindi pagsasakatuparan dito, kung nakakapagdulot siya ng tunay na pagbabago o hindi.

- Marapat lang na kondenahin ang paglalabas sa DO 174 at EO 51, gayundin sina Bello at Duterte para sa kautusang ito. Marapat lang ipaglaban ang pagbasura sa DO 174, gayundin ng probisyon sa Labor Code na nagbibigay ng bisa rito mula sa pagpapahintulot sa Job Contracting. Dapat ipaglaban ang pagbabawal sa Job Contracting, ang regularisasyon ng mga kontraktwal, at ang pagpawi sa mga agency.

- Pero ang kontraktwalisasyon ay hindi lang patakarang ipinatupad ng magkakasunod na rehimen. Naging patakaran ito ng magkakasunod na rehimen dahil dikta ito ng imperyalismong US at bahagi ng neoliberal na atake nito, kasabwat ang mga lokal na naghaharing uri, sa mga manggagawa at kilusang paggawa sa bansa at sa buong mundo.

- Napakakitid, halimbawa, ng pagdadala ni You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa isyu para ilantad si Duterte na “hindi progresibo.” Mas dumudulo ito sa paglaban at pagpapatalsik sa pangulo na hindi karugtong ng pagsusulong ng tunay na pagbabagong panlipunan. Kapansin-pansing relatibong tahimik ang BMP laban sa kontraktwalisasyon noong panahon ni Aquino, na todong nagpatupad nito. Naging relatibong maingay naman ito sa kontraktwalisasyon sa panahon ni Duterte, na nangakong tatapusin ito. May panganib din na mahulog ang pagsusuri sa pangangailangan sa isang progresibong pangulo para mawala ang anti-manggagawang iskema sa empleyo. Sa direksyon ni Docena, magiging masaya si Leni na Robredo, pero hindi si Lenin na Vladimir.

- Kasama ang kontraktwalisasyon sa mga neoliberal na atake sa mga manggagawa at kilusang paggawa. Ang pangkalahatang layunin: patuloy na palakihin ang tubo ng malalaking kapitalistang dayuhan at lokal kahit sa kalagayang may krisis ng labis na produksyon sa pamamagitan ng pagpapababa sa sahod at sa tinatawag ng Marxistang intelektwal na si David Harvey na “panlipunang sahod (social wage).” Kaakibat ng kontraktwalisasyon ang pagbasag sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor at kawani sa pampublikong sektor, pagpapalaganap ng mga special economic zones, partikular ang mga EPZs at pagkonsentra rito ng mga manggagawang industriyal, at iba pang mayor na hakbangin.

- Mawawakasan lang ang kontraktwalisasyon ng malawak at malakas na sama-samang pagkilos ng mga manggagawa at mga tagasuporta nila. Isang antas ang paggigiit sa gobyerno na ibasura ang iskema sa empleyo. Kailangan ang tuluy-tuloy at papalawak at papalakas na protesta para igiit ang pagbabasura rito. Gaya ng nabanggit ni You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ng Bayan Muna, isang pagkakataon din para igiit ito sa gobyerno ni Duterte ang usapang pangkapayapaan nito sa National Democratic Front of the Philippines.

- Pero magkakaroon ng lakas ang paggigiit sa gobyerno mula sa tuluy-tuloy at papalawak na pagkakaisa at pagkilos ng mga manggagawa sa antas ng empresa at konsentrasyon ng mga empresa. Sa karanasan, nalalabanan ang kontraktwalisasyon sa mga empresa sa iba’t ibang paraan: mula sa pagsasampa ng mga kasong nagpapakitang Labor-Only Contracting ang nagaganap at hindi Job Contracting, bagamat iilan ang tagumpay at matagal ang proseso; hanggang sa paglaban ng mga nakatayo nang unyon para maregular ang baha-bahagdan ng mga kontraktwal.

- Nitong huli, sa pamumuno ng mga panrehiyong balangay ng Kilusang Mayo Uno sa Timog Katagalugan at Southern Mindanao Region, nagpuputok ng welga ang mga kontraktwal sa layuning maregular sila at maitayo ang kanilang unyon. Sa harap ng matinding pagsasamantala sa kanila at ng laging posibilidad ng malawakang tanggalan kapag natuklasang nag-uunyon sila, wala nang naiwang pagpipilian ang mga manggagawa kundi ang maghanda sa welga at magwelga sa tamang panahon para maregular at makilala ang kanilang unyon.

- Sentral na usapin ang kontraktwalisasyon sa higit na paglawak at paglakas ng kilusang manggagawa sa bansa, sa paglaban sa atakeng neoliberal, sa pagtangan ng paparaming manggagawa sa kanilang mahalagang papel para sa tunay na pagbabagong panlipunan. Ang totoo, magiging tiyak lang ang pagwakas sa kontraktwalisasyon sa isang lipunan na pinapamunuan ng mga manggagawa at magsasaka, hindi ng mga imperyalista, malalaking burges-komprador at haciendero tulad ngayon. Kailangan ang pambansa-demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba para lubusang mawakasan ang kontraktwalisasyon sa pambansang antas.

- Napakainam na pagkakataon samakatwid ng isyu at reyalidad ng kontraktwalisasyon para manawagan sa mga manggagawa, lalo na iyung pinagsasamantalahan ng malalaking dayuhan at lokal na kapitalista: Magkaisa at lumaban! Mag-unyon at makibaka! Ipaglaban ang sahod, trabaho at karapatan! Ipaglaban ang pambansang demokrasya at kalayaan! Makipag-ugnayan sa tunay, palaban at makabayang sentrong unyong Kilusang Mayo Uno para sa mga kongkretong hakbang!

credit to PW
 

Attachments

sino ba dapat sisihin ts bakit nagkaroon ng kontrakwalisasyon ano na nga ba pangalan ng senator na yun?
at isa pa dapat mawala na ang provincial rate na yan. kasi yung binibili sa probinsiya e kaparehas lang naman ng bilihin dito sa metro manila. sigurado marami rin ang sa probinsiya nalang mag hahanap ng trabaho.
 
Sus maganda pa buwagin na lang yan NDF , mayroon silang arm wing na pumapatay ng mga opisyal ng gobyerno , wala din naman nangyayaring mabuti bagkus nagiging umpisa pa ng mas maraming patayan
Walang kabuluhan mga pinaglalaban nyo sino ba kayong mga NDF ano sa inaakala nyo luluhod sa inyo mga nasa gobyerno eh pareho pareho lang kayo mga hayuk sa kapangyarihan ang tagal nyo ng kinakalaban ang gobyerno wala din naman pagbabago, mag isip isip na kayo
 
retsel14 Si Ernesto Herrera na dating lider ng TUCP na unyon na dapat magtatanggol sa manggagawa.
Hindi naman sa kabuuan na ibunton ang sisi sa mga pulitiko na nagpapatupad nito kundi sa mga amo din nilang Dayuhan Kapitalista.

ang mga pulitiko na ito ay sumusunod lang sa utos o kagustuhan ng mga Dayuhan Kapitalista para sa sarili niya ganansya. Ang kontraktwalisasyon ay bahagi ng polisiya ng mga grupo ng mga impeyalistang bansa sa mga bansang mahihirap kung paano sila makakaiwas sa krisis nila at kung paano makakalikom pa ng malaking ganansya sila.

bakit ko nasabi na sumusunod lang ang mga pulitiko sa utos ng mga dayuhan. Dahil sa isang lipunan, kung sino ang may kontrol sa Ekonomiya siya din ang may kontrol sa Pulitika, ganon din sa Kultura.

Kaya kung gusto natin mawala ang kontraktwalisasyon at provincial rate, ito ay pinaglalaban. Dahil hindi ito kusang ibinibigay ng mga nasa kapangyarihan. Ito ay pinaglalaban, dahil ito ay labanan ng interes. Interes ng mga dayuhan kapitalista para sa tubo nila laban sa interes ng mamamayan na makapamuhay ng sapat.
 
Sus maganda pa buwagin na lang yan NDF , mayroon silang arm wing na pumapatay ng mga opisyal ng gobyerno , wala din naman nangyayaring mabuti bagkus nagiging umpisa pa ng mas maraming patayan
Walang kabuluhan mga pinaglalaban nyo sino ba kayong mga NDF ano sa inaakala nyo luluhod sa inyo mga nasa gobyerno eh pareho pareho lang kayo mga hayuk sa kapangyarihan ang tagal nyo ng kinakalaban ang gobyerno wala din naman pagbabago, mag isip isip na kayo
Dahil ayaw ng gobyerno ng pagbabago. Mas gusto pa ng gobyerno na ito na may mamatay na kapwa naman pilipino kesa harapin sila sa peace process..

dahil hindi kaya ng gobyerno na ito na maibigay ang hinihiling ng mga teroristang sinasabi nyo.
Ang magkaroon ng reporma sa lupa dahil ayaw nila na maibigay sa magsasaka ang lupang inangkin ng mga Land Lord.
Ayaw din ng gobyernong ito na magkaroon ang bansang ito ng sariling industriya. Indusriyang pag aari ng Pilipino. Dahil ayaw ng amo nilang dayuhan ito.

Yan po ang dahilan kung bakit may matagal ng armadong tunggalian sa bansa at kung ano ang hinihiling nila para sa kapayapaan na para sa interes ng mamamayan. Pero kung sa halip na lutasin ng gobyerno ang ugat ng tunggalian ito ay mas ginusto pa nito magpatayan ang kapwa pilipino.
 
Bwesit na agency! Tatlong taon na ako. Naregular daw kami pero hindi naman tumataas ang sahod namin. Sa sales ako. Kahit makabenta ako ng marami minimum daily wage ang ibinibigay ng agency at ang nakikinabang sa mga benta namin ay mga tunay na may ari ng kompanya. Sa bawat benta namin ilang taon makikinabang ang kumpanya dahil naka kontrata ang produkto nila ng 2-3 years- monthly silang binabayaran ng mga customers nila pero kami walang mapapala kundi isang araw na minimum wage at provincial rate pa. Ni walang commission. Magkakaroon lang daw kami ng napakakonting commission pag naka quota ng napakalaki na mukhang impossible mangyari. sinasabing pilipino daw ang may ari ng naturang kumpanya pero ang katotohanan ay isa siyang dayuhan na hindi pa nakatapak dito sa pilipinas.
 
Kaya nga po ang pagiging regular ay hindi kusang ibibigay ng amo nyo o agency ito ay pinaglalaban.. pinaglalaban ito ng sama-sama. Ganyan po ang katangian ng mga kapitalista ngayon. Mas matapang sila dahil kakampi ng mga kapitalista ang ahensya ng gobyerno kaya nagagawa nila kahit illigal na pagkontrata sa mga manggagawa.

Marami sa mga pabrika o company ngayon ay meron desisyon ang DOLE na iregular ang mga kontraktwal nila. pero hindi ito pinapansin ng mga kapitalista. kesa iregular ang mga manggagwa ay tinatanggal pa ito.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top