What's new

Tutorial Kodi Portable for Windows

Pen_J

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2021
Posts
1,883
Solutions
23
Reaction
3,600
Points
795
Para sa mga Windows users na gustong sumubok ng Kodi, o kaya ay mag-test ng Kodi builds, o kaya ay mag-test ng Kodi add-ons para hindi maistorbo yung existing install ng Kodi, may option tayo na mag-create ng Kodi Portable mode. Heto ang procedure:
1. Download Windows version ng Kodi, sa download page ng Kodi (kodiDOTtv/download/), piliin ang appropriate sa inyong system, 32 bits o 64 bits. Dahil kaunti pa lang ang mga add-ons para sa Kodi 19.x, mas maiging piliin ang Kodi 18.9 na makikita sa "Older Releases" sa bandang ibaba ng download page.
2. I-plug ang USB Flash drive, 4Gb capacity or more, i-note ang drive letter sa PC. Makabubuting i-rename ang Volume Label, say Kodi-p at i-format ang USB Flash Drive sa NTFS para may kapasidad siyang mag-store ng malaking file size (3Gb or more), para sa mga movies at iba pang media files.

1.jpg


3. Install Kodi. Double click on Kodi Setup file > accept License Agreement > click Next sa Choose Components kung wala pang indicated version ng MS Visual C++ sa inyong system, kung mayroon na, i-untick ang box tapos click Next > Browse for Folder at i-point ang Kodi setup sa inyong Kodi-p USB drive, click Ok at hintaying matapos ang installation.
Important Note: Siguruhing walang check ang box ng Run Kodi bago i-click ang Finish button, para hindi siya mag-launch at mag-create ng Kodi folder sa Program Data.

2.jpg
3.jpg
4.jpg
5.jpg


4. Pagkatapos ng installation, buksan ang folder ng Kodi sa USB flash drive > Right click Kodi.exe, hover over Send to at i-click ang Desktop (create shortcut) > i-close ang Kodi folder.

6.jpg


5. Sa Desktop,
i-right-click ang Kodi icon > click Properties > sa Target, maglagay ng isang space kasunod ng Kodi.exe at idagdag ang -p > click Apply at i-close ang Properties.

7.jpg
8.jpg


6. Full screen ang unang bukas ng Kodi. Para mai-resize, click Setting (cogwheel) > click System > sa Display, i-highlight ang Display Mode at piliin ang Windowed.
10.jpg


Ngayon, pwede nang gamitin si Kodi Portable.
 

Attachments

Last edited:
Can we run kodi on tv?
Para sa Windows OS ang Kodi Portable. Kung ang PC/Laptop mo ay may HDMI output at ang TV mo ay may HDMI input, pwede mo silang i-connect.
Kung mayroon ka namang android TV box, pwede kang mag-install ng android version ng Kodi, hindi na kailangan ang PC/Laptop.
 
salamat sa tutorial mo lods...
may kodi portable na pala..
 
sir pwede po ang magic sing karaoke sa kodi pc version? thanks po
Paps, wala akong alam na Kodi add-on para sa Magic Sing. May mga lumang Kodi karaoke add-ons pero may mga sarili silang library ng mga songs, yung iba kinukuha sa YøùTùbé, at hindi ko rin alam kung gumagana pa itong mga add-ons na to ngayon.
Hindi ko siguradong gagana, pero pwede mong subukan na kopyahin sa video library ng Kodi yung mga songs ng magic sing tapos yung mic naman ay direkta sa pre-amp ng amplifier mo.
 
baka pweding patut sa tv box i am using mecool km6. baka gagana sa tv box ko . magbabayad po ako
Paps, wala tayong pag-uusapang bayad dito, nagsi-share lang ako ng mga natututunan ko, sapat na yung naipasa ko sa inyo yung natutunan ko.

Kung nakapag-install ka ng Kodi sa tv box mo, Gagana lahat ng Add-ons na compatible sa version na na-install mo. Kung hindi pa, recommended ko yung Kodi 18.9 (Leia) ang gamitin mo, marami pa kasing magagandang add-ons ang hindi pa nag-migrate sa bagong version ng Kodi, tulad ng iWantTFC ni Cmik. Punta ka sa download page ng Kodi (k o d i . t v / d o w n l o a d), sa bandang ibaba may section na Older Releases, click mo yung download an old build, click mo yung Android tapos click mo yung Arm at i-download mo yung Kodi 18.9 Leia.

May mga tutorial threads na ako dito, pwede mong basahin para maging familiar ka sa procedure, madali mo nang masusundan kapag sinubukan mong gawin. Suggestion ko unahin mo yung Playlist Loader tapos i-load mo yung m3u ni Kyler11:
1. https://phcorner.net/threads/playlist-loader-for-kodi-users-with-multiple-playlists.1072299/
1.1 Kyler11 --- https://phcorner.net/threads/m3u-live-local-and-foreign-channels-and-vod.1217979/ 2. https://phcorner.net/threads/kodi-addons-pluto-tv-and-stirr.1099749/
3. https://phcorner.net/threads/kodi-add-on-open-wizard-for-tweaking-and-maintenance.1111201/
 
Last edited:
its been a while tagal ko na rin di nakabalik . pandemic kasi . busy sa pakikipagsapalaran sa buhay . as cellphone and computer tech. ka ph pahingi naman ng download link

hindi pa kasi ako maka download ng link na may spoiler kasi . hindi pa ako established.
 
its been a while tagal ko na rin di nakabalik . pandemic kasi . busy sa pakikipagsapalaran sa buhay . as cellphone and computer tech. ka ph pahingi naman ng download link

hindi pa kasi ako maka download ng link na may spoiler kasi . hindi pa ako established.

Pa-stablished ka na, limang comments lang + one thread tungkol sa cp ok na.

Heto subukan mo.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Last edited:
na ddownload po ba yang link na yan iba kc lumalabas pa click ko using cellphone
Hindi mo kailangang i-download yan. Ilalagay mo yung link pagkatapos mong i-click yung "Remote list (url)" ng Playlist Loader. Sundan mo lang yung instructions sa item B kung paano mag-add ng playlist:

1. Sa main menu ng Kodi, scroll down sa Addons > click Playlist Loader sa right pane
2. Sa Playlist Loader click Add a new list > Bigyan ng title ang playlist at click Ok > click Remote-list at I-type ang url address (o kaya ay i-browse ang local file kung Local-list), click Ok pagkatapos> may lalabas na tatlong pop-ups, i-click lang ang none, none at done. Ulitin lang para sa iba pang playlists.
 
Last edited:
wala pa kasi akong ma download na repository . saan ba pwedi magdownload ng repository

ito po

may link po ba para repository

Hindi mo kailangang i-download yan. Ilalagay mo yung link pagkatapos mong i-click yung "Remote list (url)" ng Playlist Loader. Sundan mo lang yung instructions sa item B kung paano mag-add ng playlist:

1. Sa main menu ng Kodi, scroll down sa Addons > click Playlist Loader sa right pane
2. Sa Playlist Loader click Add a new list > Bigyan ng title ang playlist at click Ok > click Remote-list at I-type ang url address (o kaya ay i-browse ang local file kung Local-list), click Ok pagkatapos> may lalabas na tatlong pop-ups, i-click lang ang none, none at done. Ulitin lang para sa iba pang playlists.
hindi kasi lumalabas ang playlist loader
 

Attachments

Last edited:

Similar threads

Back
Top