What's new

Kasaysayan ng apoy ng impiyerno

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570
Galing sa pagano: Naniniwala sa maapoy na impiyerno ang mga sinaunang Ehipsiyo. Ang Book Ȧm-Ṭuat (Amduat), na sinasabi ng mga historian na mula pa noong ika-16 na siglo B.C.E., ay may binabanggit na mga “ihahagis sa mga hukay ng apoy; at . . . hindi makakatakas mula sa mga lagablab.”—The Egyptian Heaven and Hell.

Hindi itinuro ng mga unang Kristiyano: “Kapansin-pansin na sa B[agong] T[ipan] hindi natin makikitang kasama ang apoy ng impiyerno sa mga ipinangaral ng mga [unang Kristiyano].”—A Dictionary of Christian Theology.

Impluwensiya ng pilosopiyang Griego: “Mula sa kalagitnaan ng ika-2 siglo [C.E.], ang mga Kristiyano na nag-aral ng pilosopiyang Griego ay nakadama ng pangangailangang ipahayag ang kanilang pananampalataya ayon sa pilosopiyang ito . . . Ang pilosopiyang angkop na angkop sa kanila ay ang Platonismo [mga turo ni Plato].” (Encyclopædia Britannica) Kasama sa pilosopiyang iyon ang paniniwala na pinapahirapan sa apoy ang mga namatay. “Sa lahat ng sinaunang pilosopong Griego, si Plato ang may pinakamalaking impluwensiya sa paniniwala tungkol sa Impiyerno.”—Histoire des enfers (Ang Kasaysayan ng Impiyerno).

Ginamit ang turo ng apoy ng impiyerno para ipakitang tama ang pagpapahirap sa mga tao: Noong panahon na karaniwang tinatawag na Inkisisyong Kastila, sinusunog sa tulos ang mga erehe, o kumokontra sa turo ng simbahan bilang “patikim ng walang-hanggang pagpaparusa sa impiyerno,” para daw magsisi ang mga ito bago mamatay. (The Spanish Inquisition, ni Jean Plaidy) Ganiyan ang ginawa ni Queen Mary I ng England nang ipasunog niya sa tulos ang mga 300 Protestante. Ayon sa ulat, naniniwala siya na “yamang masusunog naman magpakailanman sa impiyerno ang kaluluwa ng mga erehe pagkamatay nila, angkop lamang na tularan ko ang paghihiganti ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunog sa kanila dito pa lamang sa lupa.”—Universal History, ni Alexander Tytler.

Binago ngayon: Pinagaan ng ilang relihiyon ang turo nila tungkol sa impiyerno. Pero lumilitaw na hindi dahil alam nila na mali ang turong ito, kundi para makuha ang loob ng kanilang mga miyembro. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) “Gusto ng mga tao ang isang Diyos na magiliw at mapagmahal . . . Salungat sa kasalukuyang kultura ang magsalita tungkol sa kasalanan at pagkadama ng pagkakasala.”—Professor Jackson W. Carroll.
 

Similar threads

Back
Top