What's new

Trivia Kasalanan Ba ang Paninigarilyo?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,217
Points
2,570

502018127_univ_lsr_xl.jpg

Ang sagot ng Bibliya​

Hindi binabanggit sa Bibliya ang paninigarilyo You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. o ang iba pang paraan ng paggamit ng tabako. Pero may mga simulain dito na nagpapakitang hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang mga kaugaliang marumi at nakakasama sa kalusugan kaya itinuturing niyang kasalanan ang paninigarilyo.
  • Paggalang sa buhay. “Ang Diyos . . . ang nagbibigay sa lahat ng buhay at ng hininga.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Dahil ang buhay ay regalo ng Diyos, hindi tayo dapat gumawa ng anumang makapagpapaikli ng buhay natin, gaya ng paninigarilyo. Sa buong mundo, ang paninigarilyo ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayang puwede sanang maiwasan.
  • Pag-ibig sa kapuwa. “Iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi ka nagpapakita ng pag-ibig sa kapuwa kapag naninigarilyo ka malapit sa kanila. Mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng mga sakit na dulot ng paninigarilyo ang mga laging na nakakalanghap ng usok mula sa mga naninigarilyo.
  • Dapat maging banal. “Iharap ninyo ang inyong mga katawan na isang haing buháy, banal, kaayaaya sa Diyos.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) “Linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karungisan ng laman at espiritu, na pinasasakdal ang kabanalan nang may pagkatakot sa Diyos.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi nakakatulong ang paninigarilyo para maging banal, o malinis, ang isang tao dahil kapag naninigarilyo siya, sinasadya niyang lagyan ng lason ang katawan niya at nagdudulot ito ng malulubhang epekto.

May sinasabi ba ang Bibliya tungkol sa paggamit ng ********* o iba pang droga?​

Hindi binabanggit sa Bibliya ang ********* o ang iba pang droga na katulad nito. Pero may mga simulain ito na nagpapakitang hindi katanggap-tanggap ang paggamit ng ganoong mga substansiya para lang maglibang. Bukod sa mga nabanggit na, kapit din ang sumusunod na mga simulain:
  • Kailangang kontrolin ang kakayahang mag-isip. “Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos ... nang iyong buong pag-iisip.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) “Panatilihing lubos ang inyong katinuan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi kayang kontrolin ng isang tao ang isip niya kapag nasa impluwensiya siya ng droga, at marami ang naaadik dito. Nakapokus ang isip nila sa pagkakaroon at paggamit ng droga sa halip na sa pag-iisip ng mabubuting bagay.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • Pagsunod sa batas. “Maging masunurin sa mga pamahalaan at sa mga awtoridad.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa maraming bansa, may mga batas tungkol sa paggamit ng ilang klase ng droga. Kung gusto nating mapasaya ang Diyos, dapat tayong sumunod sa sekular na awtoridad.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sigarilyo at ang Kalusugan Mo​

Ayon sa World Health Organization, tinatayang mga anim na milyon ang namamatay taon-taon dahil sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo, kasama na ang mahigit 600,000 tao na nakakalanghap lang usok ng sigarilyo. Tingnan ang epekto ng sigarilyo sa kalusugan ng naninigarilyo at ng mga taong nasa paligid niya.
Kanser. May mahigit 50 sangkap na nagdudulot ng kanser ang usok ng sigarilyo. Sinasabi ng Encyclopædia Britannica na ang usok ng sigarilyo ang “pinaniniwalaang dahilan ng 90 porsiyento ng lahat ng kaso ng kanser sa baga.” Ang usok ng sigarilyo ay puwede ring magdulot ng kanser sa iba pang bahagi ng katawan, tulad ng bibig, trachea, esopago, lalamunan, larynx, atay, lapay, at pantog.
Mga sakit sa paghinga. Dahil sa usok ng sigarilyo, tumataas ang posibilidad na magkaroon ang isang tao ng mga sakit tulad ng pulmonya at trangkaso. Ang mga batang laging nakakalanghap ng usok ng sigarilyo ay mas madaling magkaroon ng hika at hindi gumagaling na ubo, at posibleng humina ang baga nila at hindi madebelop nang maayos.
Sakit sa puso. Mas malaki ang posibilidad na ma-stroke ang isang naninigarilyo o magkaroon ng sakit sa puso. May carbon monoxide ang sigarilyo at madali itong lumipat mula sa baga papunta sa dugo, kung saan inaalis nito ang oxygen. Kapag kaunti ang oxygen sa dugo, kailangang lakasan ng puso ang pagbomba para maihatid ang oxygen sa buong katawan.
Epekto sa pagbubuntis. Ang mga naninigarilyo habang nagbubuntis ay may mas malaking posibilidad na manganak nang wala pa sa kabuwanan, at posibleng ang bata ay mababa ang timbang o may depekto tulad ng bingot. Posible ring magkaroon ng problema sa paghinga ang gayong mga bata o biglang mamatay nang wala pang isang taóng gulang.
 

Attachments

100%

anything na addiction na nakasasama sa kalusugan ay kasalanan. Sabi nga ng Diyos, tahanan ng kaluluwa natin itong katawan kung kaya ingatan at wag babuyin.
 
Back
Top