What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia Kain ka pakwan or Water melon

Jmrie_

ᜑ᜔ᜋ᜔ᜇ̵̊ᜁ
Contributor
Joined
Aug 21, 2017
Messages
104,333
Reaction
52,610
Age
25
1. Mabuti sa puso at ugat – Ayon sa US Department of Agriculture, ang pakwan ay nagpapataas ng arginine (isang amino acid) sa ating katawan. Ang arginine ay ginagamit sa paggawa ng nitrous oxide, na nagpaparelaks ng ating mga ugat sa puso at utak. Dahil dito, makatutulong ang pakwan sa pag-iwas sa istrok at atake sa puso. May tulong din sa may high blood.


2. Ayon sa mga eksperto, baka may tulong ang pakwan sa pagpapalakas sa ***. Ito’y dahil sa arginine na nagpapabuka ng ugat din sa ari ng lalaki. Ngunit hindi lang nga kasimbisa ang pakwan kumpara sa mga gamot.


3. Pag-iwas sa kanser – Ang pulang klase na pakwan ay napakasustansiya dahil may taglay itong lycopene. Ang lycopene ay tinatayang panlaban sa kanser.



4. Ang pakwan ay sadyang matubig at gawa sa 92% alkaline water. Mabuti ang alkaline water sa ating sikmura at safe ito kahit sa may ulcer.


5. Gamot sa singaw at bad breath – Ayon sa mga eksperto, may tulong ang pakwan sa paggamot ng singaw at pagbawas sa bad breath.



6. Mabuti sa sikmura at pagdumi – Dahil may fiber at tubig ang pakwan, napapabilis nito ang ating pagdumi. Kung ika’y laging tinitibi (constipated), kumain ng maraming pakwan.


7. Mabuti sa kidneys at pantog – Katulad ng buko juice, nililinis ng pakwan ang ating kidneys at pantog. Kung ika’y may impeksyon sa ihi, kumain ng pakwan at uminom ng tubig para mabawasan ang mikrobyo.


8. Mabisang energy drink – Ang pakwan ay sagana sa vitamin B, potassium at iron. Dahil dito, nagbibigay ng lakas ang pakwan. May natural na asukal din ang pakwan na nagpapasigla ng ating katawan.


9. Kapag napakainit ang panahon, puwede tayong mahilo at manghina ang katawan. Ang pakwan ay nagbibigay ng masustansiyang katas na nagpapalamig sa ating katawan.
 

Online statistics

Members online
2,070
Guests online
2,358
Total visitors
4,428

Forum statistics

Threads
1,037,507
Messages
17,688,440
Members
1,500,204
Comments
838,397
Attachments
1,317,628
Profile posts
96,952
Top