What's new

Closed Just in : Nuclear Power is Coming to the Philippines, Thanks Duterte!

Status
Not open for further replies.
NUCLEAR POWER IS COMING TO THE PHILIPPINES!

JUST IN

Pinirmahan na ni President Duterte ang pagpapalabas ng isang executive order para gumamit ang bansang Pilipinas ng Nuclear Enegy, ayon kay Sec.Panelo. Sa wakas, nuclear power is coming! kapag may ganito na tayo, mas mapapamura ang presyo ng kuryente, di na tayo basta aasa sa mga gahamang energy producers na pinapatakbo ng mga oligarks na naniningil ng sobra sobra, mas malaki din ang capabilities ng military natin na humawak ng mga mas malalakas na armas! mga military planes and aircraft carriers na sariling atin, pwede din magkaroon ng sarili nating mga submarines at iba pang equipment na advance. Ang ibig sabihiin mas madaming investment, mas malaki ang ikakayaman natin, mas lalakas ang bansa natin gaya ng iba.

Alam ba ninyo na ang Bataan Nuclear Power Plant na ipinatayo ni Pres. Marcos ay ipinatayo din sa Korea nuon? Oo, ang eksaktong model na meron tayo, ay kanila din ipinagawa. At nung nakita nila na maganda ang naging outcome, ay nagpatayo pa sila ulit ng ilang power plant units. Kung makikita naman ninyo, ang Korea ay may sariling brands sa pag manufacture ng appliances, gadgets and even vehicles. Ito ay dahil, mura ang kuryente. Mura ang produksyon. Madami ang nabibigyan ng trabaho. Maganda ang naging resulta sa kanilang ekonomiya. Nuong panahon ni Presidente Marcos, madami tayong factory ng international brands at pati nadin ang pag manufacture ng mga produkto kagaya ng tela, damit, sapatos at iba pa. Ngunit isa isa 'tong nagsipag sara, nagsipag alisan ang mga investors dahil nag mahal nang nag mahal ang ating kuryente. Kung sana ay naituloy ang pag gamit ng Bataan Nuclear Power Plant, siguro mas maunlad ang ekonomiya at mas madaming factory meron dito sa Pinas. Hindi sana nagsisiksikan ang mga tao sa Metro Manila para makakuha ng trabaho, mas mura sana ang kuryente at nakakapag produce din sana tayo ng appliances, gadgets at mga sasakyan. Eh bakit nga ba nawala ang Bataan Nuclear Power Plant? Alam nyo naman ang sagot diba?

Dahil sa kagustuhan nilang sirain ang mga plano ni Presidente Marcos, isinantabi nila ang magiging magandang resulta nito. Hindi bali ng mag mahal ang kuryente, hindi bali ng mawala ang mga foreign investors, hindi bali ng madaming trabaho ang masasayang at maipagdadamot. Basta masira lang ang MARCOS at maging bida, bayani at santa ang mga AQUINO.

Ngayon, si Duterte na ang tumupad at ipagpapatuloy ang pagpaalago ng bansa natin, kapag may nuclear power na tayo, mas malaki ang ginhawa sa presyo ng kuryente at presyo sa mga iba pang source ng energy tulad ng langis. Mas malaki din ang possibility na makalabas tayo sa pagiging third-world country!

Napaka-gandang balita! ❤️
 
anun masama sa college undergraduate or college dropout? anun masama sa palakol na grado sa school?

do you think it makes you a better leader to be a college graduate? do you think better grades at school is a reflection that you can manage a team at your profession? btw i am a college graduate and siguro 85-90 average ko sa college pero hnd naman ako magaling na leader.
Nagaaral ang mga nahalal na neophyte senators bago sila umupo sa senado gaya nina Pacquiao, Go at Dela Rosa. Dapat may alam ka na bago maging senador hindi ung saka ka pa lang magaaral. Pinaka critical na job ang law-making at public affairs. Legislative at managerial positions yan. Parang sa isang kumpanya. Kung di ka intelligent at rational na CEO, malulugi, babagsak kumpanya mo. Mas mahigpit sa governance dahil buong bansa ang hawak mo.

College courses mismo ang pagiging government official — Bachelor of Science in Public Administration at related masteral/doctorate degrees, bukod pa ang Law degrees.

Pwede naman ang college undergrad basta transparent ka at hindi manloloko na may diploma raw at graduate ng Oxford at Princeton, hindi naman. Sa credentials pa lang sinungaling na, sa intentions at policies pa kaya hindi magsinungaling.
 
Parang sa isang kumpanya. Kung di ka intelligent at rational na CEO, malulugi, babagsak kumpanya mo. Mas mahigpit sa governance dahil buong bansa ang hawak mo.
anyare kay mark z ng fb at bill gates?
College courses mismo ang pagiging government official — Bachelor of Science in Public Administration at related masteral/doctorate degrees, bukod pa ang Law degrees.
so mas magaling ka pa sa ng draft ng constitution?
 
Tiwala ako dito. Syempre alangan naman na standard mga gagamiting materyales para diyan eh power plant yan. Looking forward to it in the future!🤙
 
anyare kay mark z ng fb at bill gates?

so mas magaling ka pa sa ng draft ng constitution?
Harvard dropout ang mga yan at computer science/programming mismo ang interest/expertise at matataas ang IQ. In short, genius.

Si Pacquiao anong linya bago naging pulitiko? Si Bong Go anong trabaho bago naging senador? Genius ba ang mga un kasama sina Imee at Bong Bong? Mga average minds lang ang mga ito na naging pulitiko dahil sa popularity at nepotism.
 
ok yan. kasi marami din naman countries na may nuclear power plant. yung safety at responsible management ng nuclear waste ang dapat wag kaligtaan IF Ever man matuloy yan.
 
Chernobyl is waving at Bataan! Wave back! 😂
Joke. Kidding aside, gamble yang kung matutuloy man dahil alam naman nating lahat na walang perpektong sistema. Maaaring first years or decades niyan ay mapangalagaan pero we never know kung kelan machachambahan yan ng failure. Napakaraming mga maaaring mag cause ng failure, mula sa loob ng nuclear power plant, hanggang labas (environment).
 
maganda yan, para pwedeng tayo gumawa ng atomic bomb sa pamamagitan ng centrifuge convertion of U-235 to U-238 nuclear fission.
 
Nubayan, akala ko tungkol kay Duretard ang thread, another pangtanggol lang nanaman pala kay Marcos at pag bash sa useless dilawans, dami talagang ayaw magaral sa history, bumabase lang sa sinasabi ng iba, kaya tuloy lumalaki fandom ni Marcos, ang dami kasing bandwagon. Alam mo kung bakit sinabing maunlad Pinas noon? Kasi nagpatapon si Marcos ng sangkatutak na OFW para makapagpasok ng dolyar sa Pilipinas, tapos yung kinurakot nyang pera, pinanggawa nya ng mga establisyemento, dahil na rin sa tulong ng inflation. Scheme yan ni Marcos, para masabi man lang na may nagawa syang mabuti, at madami namang tao ang naniwala.
 
Developing palang tayo noon kaya needed parin natin ang mga OFW. Nagnakaw mn siya o wala, hindi nalang sana pinabayaan ang mga nasimulan niyang mga proyekto kasi sayang eh, napakalaking tulong na at maraming pera na ang nagastos.
 
Harvard dropout ang mga yan at computer science/programming mismo ang interest/expertise at matataas ang IQ. In short, genius.

Si Pacquiao anong linya bago naging pulitiko? Si Bong Go anong trabaho bago naging senador? Genius ba ang mga un kasama sina Imee at Bong Bong? Mga average minds lang ang mga ito na naging pulitiko dahil sa popularity at nepotism.
so you mean dapat mag drop out muna sa harvard or genius IQ are the ONLY requirement to be successful sa business at maging magaling na leader sa politics? wow e
 
so you mean dapat mag drop out muna sa harvard or genius IQ are the ONLY requirement to be successful sa business at maging magaling na leader sa politics? wow e
Invalid ang comparison mo. IT geniuses vs bopols/sinungaling na politicians ang mga pinagkukumpara mo. Hindi lang college dropouts ung magkapatid na Marcos, manloloko rin sila at hindi rin naman katalinuhan. Same with Pacquiao na walang ginagawa sa senado.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top