What's new

Closed Just in : Nuclear Power is Coming to the Philippines, Thanks Duterte!

Status
Not open for further replies.
NUCLEAR POWER IS COMING TO THE PHILIPPINES!

JUST IN

Pinirmahan na ni President Duterte ang pagpapalabas ng isang executive order para gumamit ang bansang Pilipinas ng Nuclear Enegy, ayon kay Sec.Panelo. Sa wakas, nuclear power is coming! kapag may ganito na tayo, mas mapapamura ang presyo ng kuryente, di na tayo basta aasa sa mga gahamang energy producers na pinapatakbo ng mga oligarks na naniningil ng sobra sobra, mas malaki din ang capabilities ng military natin na humawak ng mga mas malalakas na armas! mga military planes and aircraft carriers na sariling atin, pwede din magkaroon ng sarili nating mga submarines at iba pang equipment na advance. Ang ibig sabihiin mas madaming investment, mas malaki ang ikakayaman natin, mas lalakas ang bansa natin gaya ng iba.

Alam ba ninyo na ang Bataan Nuclear Power Plant na ipinatayo ni Pres. Marcos ay ipinatayo din sa Korea nuon? Oo, ang eksaktong model na meron tayo, ay kanila din ipinagawa. At nung nakita nila na maganda ang naging outcome, ay nagpatayo pa sila ulit ng ilang power plant units. Kung makikita naman ninyo, ang Korea ay may sariling brands sa pag manufacture ng appliances, gadgets and even vehicles. Ito ay dahil, mura ang kuryente. Mura ang produksyon. Madami ang nabibigyan ng trabaho. Maganda ang naging resulta sa kanilang ekonomiya. Nuong panahon ni Presidente Marcos, madami tayong factory ng international brands at pati nadin ang pag manufacture ng mga produkto kagaya ng tela, damit, sapatos at iba pa. Ngunit isa isa 'tong nagsipag sara, nagsipag alisan ang mga investors dahil nag mahal nang nag mahal ang ating kuryente. Kung sana ay naituloy ang pag gamit ng Bataan Nuclear Power Plant, siguro mas maunlad ang ekonomiya at mas madaming factory meron dito sa Pinas. Hindi sana nagsisiksikan ang mga tao sa Metro Manila para makakuha ng trabaho, mas mura sana ang kuryente at nakakapag produce din sana tayo ng appliances, gadgets at mga sasakyan. Eh bakit nga ba nawala ang Bataan Nuclear Power Plant? Alam nyo naman ang sagot diba?

Dahil sa kagustuhan nilang sirain ang mga plano ni Presidente Marcos, isinantabi nila ang magiging magandang resulta nito. Hindi bali ng mag mahal ang kuryente, hindi bali ng mawala ang mga foreign investors, hindi bali ng madaming trabaho ang masasayang at maipagdadamot. Basta masira lang ang MARCOS at maging bida, bayani at santa ang mga AQUINO.

Ngayon, si Duterte na ang tumupad at ipagpapatuloy ang pagpaalago ng bansa natin, kapag may nuclear power na tayo, mas malaki ang ginhawa sa presyo ng kuryente at presyo sa mga iba pang source ng energy tulad ng langis. Mas malaki din ang possibility na makalabas tayo sa pagiging third-world country!

Napaka-gandang balita! ❤️
 
Dapat maisakatuparan kaagad yan, kasi pag inabutan ng pagpapalit ng naka pwesto , malamang maging pangarap na lang yan, cguradong pipigilan yan ng mga NAGPAPANGGAP NA MAKABAYAN.
 
pero sana mga exerienced worker na ang pwede jan mag trabaho para iwas chernobyl
Tama yan. Pero sure ako na marami rami nang nakonsulta si PD30 nyan sa mga ibang bansa gaya ng Russia at China. Sana lang talaga maging Llamado tayong mga pinoy pag natuloy or simulan to.ツ
 
Tagal na dapat tayo may ganyan kung di lang sinalaula nila cory yung nasa bataan.
Pinagbabakal eh..
Wala kasing utak, kasi housewife lang pero naging presidente..wala namang alam sa pagpapatakbo ng gobyerno!
Kung inintindi nya nalang mga anak nya di sana walang malandi at abnoy syang anak..haha
 
This is a great start.

Kaso, til 2022 na lang si Digong. Pag Yellowtards ang nanalo sa eleksyon, maapektuhan ang pagsasakatuparan nyan. :(
 
Halatang sa Facebook galing ung news. Pag fake news sa Facebook ang source, gagawin na agad ung balita. "Darating na sa Pilipinas ang nuclear power! Sobrang galing talaga ni Tatay Digong! Best president ever!" Pero pag sa mga totoo at credible media sources, "pinagaaralan pa." Hindi pa sigurado.

Tagal na dapat tayo may ganyan kung di lang sinalaula nila cory yung nasa bataan.
Pinagbabakal eh..
Wala kasing utak, kasi housewife lang pero naging presidente..wala namang alam sa pagpapatakbo ng gobyerno!
Kung inintindi nya nalang mga anak nya di sana walang malandi at abnoy syang anak..haha
Kahit sinong pangulong naupo pagkatapos ni Marcos ipapasara ang Bataan Nuclear Power Plant. 1986 naupong pangulo si Cory. 1986 din ngyari ang Chernobyl nuclear disaster. Alam mo un? Mga eksperto na rin ang nagsabing hindi safe ang BNPP ni Marcos. Irrational lang na lider ang hindi maniniwala sa mga eksperto.
 
base sa turo ng mga guro ko nung high school, sobrang ganda daw ng pagkakagawa nyan sa bataan, pati mga magooperate nya is na train ng mabuti ung nga lang pagkapalit ni administration ni marcos ayun nabayaan na natakot sila baka matulad daw ung sa nangyari sa Chernobyl kaya hanggang ngaun naka tengga lang ung PP
 
Bakit kailangan matuwa tayo kung buhay ng mga pilipino ang nakasalalay dito?
hindi dapat ikompromiso ang kaligtasan at kalusugan ng tao at maging ang kalikasan na maaaring malagay sa panganib kapag nagkaaberya yan. Tulad ng nangyari sa japan ng maapektuhan ito ng lindol.

Isa pa dayuhan negosyante lang din ang makikinabang nito dahil nandyan ang batas na pwede na magmayari ang mga dayuhan sa bansa. Kung ito ay private own. Wag na tayo umasa na magmumura ang kuryente sa bansa
 
wag mong ikumpara ang LRT at MRT sa Nuclear Power Plant totoy.
Kung palpak na nga sa maintenance ng simpleng bagay gaya ng MRT, dun pa kays hindi pumalpak sa mas teknikal na bagay gaya ng nuclear power plant na nangangailangan ng mga nuclear scientists at professionals, at bilyon bilyong pondo.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top