What's new

Its all about sleep paralysis

Status
Not open for further replies.

Bad Request

Forum Expert
Joined
Jan 24, 2016
Posts
4,066
Reaction
15,616
Points
2,783
sino na dito nakaranas ng SP
share naman kayo kung anong nangyare sa unang experience nyo

ako kasi 3x na ata

yung unang ranas ko kabado ako kasi diko alam kung bakit ganon na parang naka semento boong katawan mo at hindi ka makapag salita at galaw but nung una ko siyang naranasan i feel na parang may babaeng nasa harap ng higaan ko at malakas niya akong sinisigawan parang irit ganon at yung isa naman ay nasa bandang kanan ko nakatayo

sa inyo share nyo naman
 
Same boss. Ako maraming beses na at first talaga nakakakaba, 'di makagalaw at lahat ng nangyayare during sleep paralysis parang totoo haha may bulong dito ng bata, merong boses demonyo mag tumatawa na weird. Naranasan ko may naglakad sa bandang taas ng ulo ka nakita ko paa parang totoo talaga swear haha tapos naranasan ko na lumabas kaluluwa ko sa katawan ko, nakita ko sarili ko tae di ko alam kung legit. Di nako nakatulog after nun. Pero now nalalabanan na, dahil din sa experience. Na-identify mo na saan yung tunay sa hindi hehe
 
My first memory na nag sleep paralysis ako ay nanaginip ako na nagising ako, pero di ko alam na panaginip lng pala yun. Di ako makagalaw sa sofa at di makapagsalita. 'Tas yung Valak na nasa The Conjuring nasa left side ko, nakatitig lang siya.

Ewan ko anung pumasok sa isip ko basta minura ko lang siya lol. Lahat ng mura na alam ko binuga ko. Ayun nagising ako'ng pawis na pawis.
 
Hala diko alam kung bakit interesado ako sa topic... I mean para akong na-a-amazed na natatakot din.
NOTE: Hindi ko papo yan naexperience... pero ko ayaw kong maexperience😅 grabi din kasi nagagawa ng isip ko..
Kahit sa dilim takot ako magisa pati pag matutulog covered katawan ko ng kumot
Hindi ko nalang maintindihan isip ko😅

Takot din ako sa mga insekto pero hindi naman lahat.. tulad lang ng ipis, grasshopper ganun..
Ano po ba cause ng sleep paralysis?
 
Don't exhausted too much yung mental at physical natin boss. Paminsan-minsan kelangan din natin marelax, nagttriggered lang yan pag parehong pagod ang katawang lupa natin at pati ang utak. Kaya ganun
 
Meron din ako ganyang experience nakatulog ako katabi ng mama ko habang natutulog ako meron akong akung nararamdaman na parang unti unti ako nahuhulog tapos ayun na nga nahuhulog nako nang paulit ulit d mabilang kung ilang ulit pero yung hinuhulugan ko subrang dilim yung sarili mo lng nakikita mo nahuhulog tapos yung pag gising ko parang totoo yung nangyari na nahulog ako kasi subrang bigat ng pakiramdam d ko magalaw ang katawan ko sa subrang bigat tapos pumikit ulit ako tapos nakatulog ulit ako tapos ganun parin ang nangyari parang part 2 ang nangyari sa akin tapos nagising ulit ako meron ako nakitang kauntin liwanag na kita ko natpos ayun naigagalaw ko na ang kamay ko tapos untiunti ko ng magalaw katawan ko gising ko c mama na katabi tapos ayun pinunasan nya yung pawis ko tapos noon d nako nakabalik magtulog nag kwentuhan nlng kami ni mama at papa hanggang nag umaga... mga around 3 po yung nangyari sa akin... 4 times na ngyari sa akin itoh
 
Tip lang mga bossing, backed by science to. Kapag naranasan niyo uli ang sleep paralysis, unang una huwag mataranta, relax lang para hindi ka maghabol ng hininga. Pangalawa, para makaalis sa sleep paralysis, galawin niyo yung hinlalaki niyo sa paa, wiggle wiggle niyo lang hanggang sa maramdaman niyong nagagalaw niyo na ibang daliri niyo. Kapag nagalaw niyo na lahat magigising na kayo nun. Kung hindi niyo naman kaya igalaw hinlalaki niyo sa paa or wala kayong paa, yung hinliliit naman sa kamay niyo. Wiggle niyo lang din hanggang sa magalaw niyo na mga katabing daliri, kapag nagalaw niyo na ibang daliri niyo magigising na kayo nun. At pangatlo, kapag nagising na kayo bangon muna kayo, 30 seconds to 1 minute. Huwag muna mahihiga uli kasi posibleng mag-sleep paralysis kayo uli. Ayun lang, tried and tested ko na yan kasi halos gabi gabi nararanasan ko yan hahahahaha
 
Ako po always nung Nag dodorm pa ako, first time ko nung highschool nakakatakot sa una pero sanayan lang, Para maiwasan ang sleep paralysis, eto lang masasabi ko based on my experience. Bawasan mo ang pag pupuyat, saka dahil din yan sa stress. Bawasan din ang kape, nakakaapekto daw kasi sa nervous system yan sabi sakin ng doktor.
😊 Stay healthy everyone
 
Katakot yan sakin maraming beses n nangyari yn pag kulang tulog ko. Halos pag tulog ako . Parang my nkadagan sakin na napakalaki. Yung parang gusto mo sumigaw pero di ka makasigaw at gusto mong igalaw katawan mo pero amg hirap tas nahihirapan kapang huminga . Naeexperience ko lng ang sp pah kulang ang tulog ko. Kakatakot.
 
naeexperience ko yan the moment na biglang nagiging pula lahat ng nasa panaginip ko yung tipong para akong nasa dark room (photography developing room), hudyat na kasi yun na may magpapakita sa panaginip kong multo or something really scary, pipilitin ko gisingin sarili ko, pero hindi ko magawang gumalaw kahit na concious na ako at mulat na mata ko, after few seconds siguro bigla nalang akong makakagalaw na,
 
madalas mangyare sakin to lalo na pag nagpupuyat ako. noong nakaraang linggo lang naranasan ko yan na nagising ako ng 3:am ng nakadilat ang mata ko at nakatitig ako sa bubong namen hinde ko maigalaw ang buong katawan ko at sumisigaw ako ng malakas😂 at mabuti nalang nagawa kong igalaw ang aking daliri at diniinan,piniga ko ng malakas at ayon nagising ako sa katotohanan😂
 
Base on my experience ay nasa sleeping position po. Mag sleep paralysis ka if you sleep on your back, dapat side lang, preferably left side. Dapat wala ding something sa iyong ****** para regular ang breathing mo. Dress lightly din po. Yun lang base on my experience hehehe
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top