What's new

Closed Isa sa iyo, Isa sa akin

Status
Not open for further replies.

JRDN

Honorary Poster
Joined
Mar 14, 2019
Posts
523
Reaction
272
Points
207
ISANG gabi si Juan at Pedro ay nagnakaw ng bayabas sa kanilang kapitbahay at napagkasunduan na paghatian ang nakuha sa sementeryo para walang makakita sa kanila. Habang paakyat sila ng gate ng sementeryo ay may nahulog na dalawang bayabas.

PEDRO: Juan, nahulog yung dalawa!
JUAN: Balikan nalang natin mamaya yung dalawang nahulog.
PEDRO: Sige, sige.

Nagpatuloy nga ang dalawa sa loob ng sementeryo at pinaghatihan ang nakuhang bayabas.

JUAN: Isa sayo, isa sa akin. Isa sayo, isa sa akin..

Samantala, papauwi si Kulas galing sa inuman at lasing na lasing. Napadaan sa sementeryo at narinig niya ang boses ng dalawa.

JUAN: Isa sa yo, isa sa akin. Isa sa yo, isa sa akin.

Nang marinig ito ni Kulas, halos nawala ang kanyang kalasingan at nagtatakbo papuntang simbahan..

KULAS: Father! Father!
PARI: Oh, anong nangyari sa iyo Kulas at parang nakakita ka ng multo.
KULAS: Sumama po kayo sa akin sa sementeryo Father, narinig ko po kasi si Lucifer at ang kanyang mga kampon na pinaghahatian ang mga patay.

Sumama nga ang Pari kay Kulas papuntang sementeryo.
Nung nasa gate na sila ng sementeryo. Narinig nga nila ang boses na may pinaghahatian.

JUAN: Isa sa iyo, isa sakin. Isa sa iyo, isa sa akin.

Kinilabutan ang Pari. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Kaya lumapit pa sila sa gate.

JUAN: Oh last na ito! Isa sa iyo. isa sa akin. Isa sa iyo, isa sa akin.
PEDRO: Ha? Anong last? Eh pano yung dalawang nasa gate?

Pari: Kulas! Kulas!
Kulas : Ano yun, Father?
Pari: *******! Takbooooooooooo!


Hahahahahaha!
 
giphy.gif
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top