si hesus mismo nanalangin tulad nang sa mga muslim nagpapatira pa
Mateo 26:39
At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.
tama din po kayo ts si hesus o isa(as) ay isang propeta ayon din mismo sa biblia ng mga kristian
Juan 17:3
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
Lucas 13:33
Gayon ma'y kailangang ako'y yumaon sa aking lakad ngayon at bukas at sa makalawa: sapagka't hindi mangyayari na ang isang propeta ay mamatay sa labas ng Jerusalem.
at maging sa panahon ni hesus yong mga tao naniniwala na si hesus ay isang propeta
Juan 6:14
Kaya't nang makita ng mga tao ang tandang ginawa niya, ay kanilang sinabi, Totoong ito nga ang propeta na paririto sa sanglibutan.
Juan 9:17
Muling sinabi nga nila sa bulag, Ano ang sabi mo tungkol sa kaniya, na siyang nagpadilat ng iyong mga mata? At kaniyang sinabi, Siya'y isang propeta
malinaw din po sinabi sa biblia na bawal ang larawan pati kahoy gaya ng item na nazareno
Exodo 20:4
Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa
ito din po nakasulat din sa biblia pa ng mga katoliko IMPREMATUR PA NI
JAIME L. CARDINAL SIN
Isaias 45:20
Sinabi ni Yahweh, “Halikayong lahat na mga natitirang buháy mula sa lahat ng bansa; "KAYONG MGA MANGMANG NA NAGPAPASAN NG MGA IMAHENG KAHOY" at dumadalangin sa mga diyus-diyosan na hindi makakapagligtas. Ang mga taong ito'y walang nalalaman.
Isaias 46:7
Pinapasan nila ito para ilibot sa ibang lugar, pagkatapos ay ibabalik sa kanyang lalagyan. Mananatili ito roon at hindi makakakilos. Dalanginan man ito'y hindi makakasagot, at HINDI MAKATUTULONG SA PANAHON NG PAGSUBOK.