What's new

Help INC & Catholic

PHC - MRX

Eternal Poster
So ayun nga , Yes inc sya katoliko ako , sya yung babaeng gustong gusto ko . 2nd yr college na kami kaklase ko sya simula 1st yr , at simula 1st yr gusto ko na din sya , so eto na nga M.U na kami for ilang months , naakbayan , nayayakap , nahahalikan sa pisngi . tipikal na mag Bf/Gf , masaya naman kami oks sa isat isa siguro ang oinaka prob ung about sa parents nya. before kase nakita kami ng papa nya na magkahawak kamay pauwi. tas after non kinausap ko papa nya sabi nya magsabi lang daw ng totoo kung meron at wag kagsisinungaling. napaisip ako don pero sinabihan ako ng partner ko na once na malaman daw ung religion ko is automatic na daw , kaya medyo natakot ako na baka one day mawala sya , Alam mo ung open na kayo sa isat isa pero may isang prob talaga na 'di ko alam kung pano aayusin . well since bata pa naman kami at d naman ako nagmamadali sa mga ganong bagay siguro aantayin ko nalang din ang mga mangyayare. Kayo kung kayo nasa kalagayan ko ano ang gagawin nyo?
 
tulad ng sabi ni ts bata pa sila chill chill lang muna kayo ni gf mo....kung umabot na kayo sa edad na kaya nyo na mag decide para sa inyong sarili at nagpasya magpakasal may 3 akong option para syo....1) convert ka sa inc pero babala na kickout ako sa inc kasi di ako nagbigay ng 10% ng total income ko sa isang buwan saka sinadya ko kasi di ko gusto turo nila naninira ng ibabg relihiyon....
2)si gf mo ang magconvert sya rin lang naman na masisipa sya sa inc gawin mo ng catholic si gf mo kasi chill lang sa catholic...
3)sa huwes kayo mag pakasal pero tulad ng 2 masisipa sya sa inc kaya mas better sundin mo yun 2

lahat ng yan base lang sa experience ko...mga nakita ko sa ibang tao at sa tingin ko effective to deal with this kind of situation overall ikaw parin ang magdedeal sa sarili mong problema suggestion ko lang yan nasa sayo kung susundin mo o hindi
 
Salamat po , copy that master
Dalwa pwede mangyari dyan... Either ikaw mag aadjust o sya.. either way walang magiging masaya sa inyo... I doubt na willing ka maging member ng religion na un..

patagalin nyo relasyon nyo... Time will only tell kung kayo talaga... Madami kasing "mainit" lang sa simula..

Basta maging mabuting tao ka muna.
 
tulad ng sabi ni ts bata pa sila chill chill lang muna kayo ni gf mo....kung umabot na kayo sa edad na kaya nyo na mag decide para sa inyong sarili at nagpasya magpakasal may 3 akong option para syo....1) convert ka sa inc pero babala na kickout ako sa inc kasi di ako nagbigay ng 10% ng total income ko sa isang buwan saka sinadya ko kasi di ko gusto turo nila naninira ng ibabg relihiyon....
2)si gf mo ang magconvert sya rin lang naman na masisipa sya sa inc gawin mo ng catholic si gf mo kasi chill lang sa catholic...
3)sa huwes kayo mag pakasal pero tulad ng 2 masisipa sya sa inc kaya mas better sundin mo yun 2

lahat ng yan base lang sa experience ko...mga nakita ko sa ibang tao at sa tingin ko effective to deal with this kind of situation overall ikaw parin ang magdedeal sa sarili mong problema suggestion ko lang yan nasa sayo kung susundin mo o hindi
Maraming salamat sa impormasyon at payo master appreciated
 
Maniniwala na sana ko sayo kaso may 10% kang binanggit. . . may mga tao talaga na mapanlinlang ng kapwa. . . kaya TS hindi lahat ng mababasa mo sa internet totoo. . xD
 
Ganito ts, manghawak ka sa pananampalatayang dala dala mo, huwag ka papatalo, sa tawag ng laman.

Mahal mo talaga yong chicks pluck her out sa religion niya, matitiwalag yan chicks kapag nag asawa ng taga sanlibutan , ganyan kalakaran ng inc ts,alam ko yan kasi diakono ng inc ang tiyuhin ko

Pakitaan mo ts na mas mabuti at totoo ang dala dala mong pananampalataya kaysa sa pananampalataya ng gusto mong chicks pakitaan mo siya ng mabubuting gawa na itinuturo ng religion mo.
GRABE ANG TOXIC MO MAG SALITA brad sa INC. pluck her out? Linta ba ang INC pra alisin? Prang cnabi mo virus lahat ng members nun ah. Wag ka nlang magsalita brad. Nakakasakit ka lang.
 
Maging Atheist nalang kayo lahat para walang away! hahahaha Dapat gaya sa corporate world meron din dito na rule na Bawal pag usapan ang religion at politics (pwede naman yung obvious na corrupt pero nonsense na talaga yung dilawan DDS sh*ts) kasi wala talagang patutunguhan ang ganyang usapan. #realtalk
 
tulad ng sabi ni ts bata pa sila chill chill lang muna kayo ni gf mo....kung umabot na kayo sa edad na kaya nyo na mag decide para sa inyong sarili at nagpasya magpakasal may 3 akong option para syo....1) convert ka sa inc pero babala na kickout ako sa inc kasi di ako nagbigay ng 10% ng total income ko sa isang buwan saka sinadya ko kasi di ko gusto turo nila naninira ng ibabg relihiyon....
2)si gf mo ang magconvert sya rin lang naman na masisipa sya sa inc gawin mo ng catholic si gf mo kasi chill lang sa catholic...
3)sa huwes kayo mag pakasal pero tulad ng 2 masisipa sya sa inc kaya mas better sundin mo yun 2

lahat ng yan base lang sa experience ko...mga nakita ko sa ibang tao at sa tingin ko effective to deal with this kind of situation overall ikaw parin ang magdedeal sa sarili mong problema suggestion ko lang yan nasa sayo kung susundin mo o hindi
okay na sana e .. kaso yung 10% hahahhaah san mo nakuha yun? halatang chismis lang ang mga nasasagap mo🤭
 
Maging Atheist nalang kayo lahat para walang away! hahahaha Dapat gaya sa corporate world meron din dito na rule na Bawal pag usapan ang religion at politics (pwede naman yung obvious na corrupt pero nonsense na talaga yung dilawan DDS sh*ts) kasi wala talagang patutunguhan ang ganyang usapan. #realtalk
agreed
 
giphy.gif
 
Attachments

GRABE ANG TOXIC MO MAG SALITA brad sa INC. pluck her out? Linta ba ang INC pra alisin? Prang cnabi mo virus lahat ng members nun ah. Wag ka nlang magsalita brad. Nakakasakit ka lang.
Pero totoo sinasabi ko ano brad? Di mo maikakaila? Ganyan gawain ng iglesia ninyo, tapos totoo na pinamamarali ng mga ministro ninyo na kayo lang ang maliligtas totoo brad ano?
 
kung mahal mo sya, try mong iexplore yung pagiging INC nya. Pero kahit itry mo, ngayon palang sinasabi ko na hindi ganun kadaling maging member ng INC. Abutin ka ng more or less 1 year. Pero ako na brad nagsasabi sayo, usually (pero hindi lahat), sa turo po ng INC lalo na kung handog sya (dun na sya lumaki at yun na ang kinagisnan) ay mahihirapan kang maconvert sya from INC to your religion. Pati parents nya talagang hindi papayag mas lalo na kung angkan nya lahat o karamihan ay INC.

In short, its either you convert or she convert.

Yung 10% po na contribution hindi po totoo yon. Kahit piso or kahit wala kang ibigay wala pong problema. Kung ano po ang bukal sa puso mo yun yung ibigay mo.

At TS, tapusin mo na po itong thread na ito kasi hindi po magandang topic ang religion. Paniniwala po kasi yan.. 3 po ang pinakamahirap na topic na sobrang madebate. Religion, Culture at Politics.

Respect po natin all religion at paniniwala.
 
Napagdaanan ko na ito hahaha pero
wala kaming nagawa kundi maghiwalay
nalang kasi di din naman payag pamilya ko
na magpaconvert ako sa inc. kaya ngayon,
kuntento nalang kami na magkaibigan
nalang kaming dalawa. hehehe tapos
para bang pag nakakakilala ako ng inc
alam ko na agad limitasyon ko na
" bawal mafall diyan hoy! " 🤣

ikaw ts, nasa sayo yan kung susundin mo
ang sinisigaw ng puso mo at kung susuway
ka para sa mahal mo. bago mo gawin yan,
isipin mo muna din magiging resulta.

pero ito lang talaga sakin , baka may
mas makilala ka pa na mas better na di
lang ikaw ang kailangan mag adjust ^^
 
Sobrang hirap pala no na mamili kung san ang tama at kung san ka sasaya
 
Napagdaanan ko na ito hahaha pero
wala kaming nagawa kundi maghiwalay
nalang kasi di din naman payag pamilya ko
na magpaconvert ako sa inc. kaya ngayon,
kuntento nalang kami na magkaibigan
nalang kaming dalawa. hehehe tapos
para bang pag nakakakilala ako ng inc
alam ko na agad limitasyon ko na
" bawal mafall diyan hoy! " 🤣

ikaw ts, nasa sayo yan kung susundin mo
ang sinisigaw ng puso mo at kung susuway
ka para sa mahal mo. bago mo gawin yan,
isipin mo muna din magiging resulta.

pero ito lang talaga sakin , baka may
mas makilala ka pa na mas better na di
lang ikaw ang kailangan mag adjust ^^
thank you , yun ata ung sinasabi sakin ng tropa kong inc rin , na handog daw. tenkyu sir para sa information na binibigay mo . nauunawaan ko salamat.
 
siguro tamanka , well since bata pa.kami para isipin yang bagay na yan pero dapat malaman namin na importante at seryoso din ung religion barrier kung tawagin . nga pala sasama ako sa kanya magsamba sa susunod . pero dko pa naman iniisip na mag pa convert or what . doo talaga alam at nalikito ko , gusto kolang din malaman pamamalakad sa loob ng kapilya
nasa sa iyo na yan kung sasama ka sa kanya,

di naman porket na sumamba ka eh, INC ka, mahaba at matagal ang proseso bago maging INC.. :)
 
BAKIT IPINAGBABAWAL SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO ANG PAKIKIPAGTIPAN SA HINDI KAANIB?

Marahil ay marami ang nagtatanong kung bakit nga ba hindi pwedeng mag-asawa o makipag-boyfriend/girlfriend ang isang Iglesia Ni Cristo sa HINDI kaanib sa Iglesia Ni Cristo.

*Ano ang itinagubilin ng mga apostol sa mga Cristiano ukol sa pag-aasawa?

-Huwag MAKIPAMATOK ang mga Cristiano sa mga kabilang sa di sumasampalataya.

"Huwag kayong makipamatok ng kabilang sa mga 'di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?
"At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalatayasa di sumasampalataya?"

(II Cor. 6:14-15)

*Ano ang kahulugan ng sinabi ng Biblia na "pakikipamatok"?

-Ang salitang "pakikipamatok" ay ipinaliwanag ng isang paring Katoliko, na nagsalin ng Biblia at isang dalubwika, na nangangahulugang pag-aasawa.

"6,14: MAKIPAMATOK: ang tinutukoy ay ang pag-aasawa..."
(footnote,Bagong Tipan isinalin sa wikang Pambansa ni P. Juan Trinidad, SJ)

*Bakit bawal sa isang Iglesia ni Cristo ang mag-asawa sa hindi Iglesia ni Cristo?

-Sapagkat walang pakikisama ang kaliwanagan sa kadiliman o ang kay Cristo kay Belial. Nang tayo ay umanib sa Iglesia ay naliwanagan na tayo ng mga aral ng Diyos samantalang ang taga sanlibutan ay namamalagi sa dilim. Hindi maaring paghaluin ang liwanag at dilim. Sila'y likas na magkahiwalay at hindi dapat pagsamahin.

*Kailan pa pinagbawalan ng Diyos ang mga lingkod Niya na mag-asawa sa hindi kabilang sa Kaniyang bayan?

-Noon pa man ay iniutos na ng Diyos sa mga taong ibinukod Niya na hindi sila dapat mag-aasawa sa mga kabilang sa Kaniyang bayan.

"Ni magaasawa sa kanila; ang inyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong papag-aasawahin sa iyong anak na lalake.
"Sapagka't kaniyang ihihiwalay ang iyong anak na lalake sa pagsunod sa akin, upang sila'y maglingkod sa ibang mga dios: sa gayo'y magaalab ang galit ng Panginoon laban sa iyo, at kaniyang lilipunin kang madali."

(Deut. 7:3-4)

*Ano ang ibubunga sa mga anak ng Diyos kapag lumabag sila sa utos na ito?

-Ihihiwalay sila ng kanilang asawa sa pagsunod sa Diyos at pasasambahin sila sa mga diyus-diyusan. Ang lalabag sa pagbabawal na ito ay itinitiwalag sa kapisanan ng bayan ng Diyos sapagkat kasalanan ang kanilang nagagawa sa harap ng Diyos.

*Gaanong kasamaan ang nagagawa sa harap ng Diyos ng nag-aasawa sa hindi kabilang sa Kaniyang bayan?

-Malaking kasamaan ang nagagawa ng lalabag sa kabawalang ito. Kahit pa si Solomon na taong pantas at dati'y malapit sa Diyos ay pinasama ng ganitong kasalanan.

"Didinggin nga ba namin kayo na inyong gawin ang lahat na malaking kasamaang ito, na sumalangsang laban sa ating Dios sa pag-aasawa sa mga babaing taga ibang lupa?
"Hindi ba nagkasala si Solomon na hari sa Israel sa pamamagitan ng mga bagay na ito? gaya man sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya; at siya'y minahal ng kaniyang Dios, at ginawa siyang hari ng Dios sa boong Israel: gayon ma'y pinapag-kasala rin siya ng mga babaing taga ibang lupa."

(Neh. 13:27,26)

*Ano ang mawawala sa atin kung iibigin natin ang sanlibutan at ang mga taga-sanlibutan?

-Ang pag-ibig ng Ama ang nawawala sa umibig sa tagasanlibutan.

-Samakatuwid ay isang napakabigat na kasalanan ang nagagawa ng sinuman na mag-aasawa sa taga-sanlibutan o hindi kaanib sa Iglesia ni Cristo. Ito'y isang malaking kasamaan at ikawawala ng pag-ibig ng Diyos sa atin.

"Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pag-ibig ng Ama."

(I Juan 2:15)

*Ipinahihintulot ba ng Biblia ang pakikipagtipan sa tagasanlibutan?

-Kahit ang makipagtipan (pakikipag-boyfriend/girlfriend) pa lang o makipag-ibigan sa hindi kabilang sa bayan ng Diyos ay kasalanan na. Ikawawala na rin ito ng pag-ibig Niya sa atin. Kaya dapat nang iwasan ang pakikipagtipan sa taga-sanlibutan upang hindi na mahulog sa bawal na pag-ibig at pamamahal.

*Matuwid ba naman sa isang Iglesia ni Cristo ang magtanan kung nais na niyang mag-asawa?

-Hindi rin ito matuwid. Ito'y kasalanan sa Diyos, sapagkat paglapastangan sa mga magulang.
Pagbibigay-galang sa magulang kung sasangguni muna sa kanila ang mga anak tungkol sa kanilang planong pag-aasawa. At kahit pa ang mga anak na mag-aasawa ay nasa hustong gulang na at may matatag nang hanapbuhay, hindi pa rin mabuti na di man lang nila ipagbigay-alam sa mga magulang ang kanilang paglagay sa tahimik. Pagpapalain ng Diyos ang mga anak na mapagmahal at gumagalang sa magulang.

"Sapagka't sinabi ng Dios, Igalang mo ang inyong ama at ang inyong ina: at, Ang manugayaw sa ama at sa ina, ay mamamatay siyang walang pagsala."

(Mat.15:4)

*Anu-ano pa ang masasamang uri ng pag-aasawa?

-Ang iba pang masamang uri ng pag-aasawa ay ang pagsasama nang hindi kasal o "live-in". Kung masama ang live-in o pagsasama nang hindi kasal ay masama rin ang magpakasal pagkatapos ay hindi naman pala magsasama. Masama rin ang "marriage for convenience" at ang mga pagpapakasal dahil lamang sa nais maging mamayan ng ibang bansa. Ang gayon ay pawang paglapastangan sa kabanal ng kasal. Dapat igalang ang kabanalan ng kasal sa loob ng Iglesia.

*Dapat bang pakasal sa huwes o sa mga tagapaturo ng ibang relihiyon ang mga kaanib sa Iglesia ni Criso?

-Kasalanan din at ikinatitiwalag sa Iglesia ang pagpapakasal sa huwes at sa mga tagapagturo ng ibang relihiyon. Ang kasal ay pagtatali ng kautusan o ng mga salita ng Diyos sa mag-aasawa at ang may karapatan lamang na magtali ng kautusan ukol sa mag-aasawa ay ang mga ministro ng Iglesia ni Cristo na binigyan ng Pamamahala ng Iglesia ng karapatang magkasal.

Kaya kapatid na KADIWA, hindi po batayan ng pagpili ng ating magiging katipan o asawa ang itsura o antas sa lipunan ng taong mamahalin natin. Tandaan natin na nasa pagsunod ang susi ng mga biyaya at mga pagpapala mula sa Panginoong Diyos. Hindi kung saan saan lamang magmumula ang ating mapapangasawa. Ang batayan ng pagpili ay kung ano ang naaayon sa mga aral at kalooban ng ating Panginoong Diyos. Dahil ang "mabuting asawa ay galing sa Panginoon." (Kawikaan 19:14)
 
Similar threads

Back
Top