So ayun nga , Yes inc sya katoliko ako , sya yung babaeng gustong gusto ko . 2nd yr college na kami kaklase ko sya simula 1st yr , at simula 1st yr gusto ko na din sya , so eto na nga M.U na kami for ilang months , naakbayan , nayayakap , nahahalikan sa pisngi . tipikal na mag Bf/Gf , masaya naman kami oks sa isat isa siguro ang oinaka prob ung about sa parents nya. before kase nakita kami ng papa nya na magkahawak kamay pauwi. tas after non kinausap ko papa nya sabi nya magsabi lang daw ng totoo kung meron at wag kagsisinungaling. napaisip ako don pero sinabihan ako ng partner ko na once na malaman daw ung religion ko is automatic na daw , kaya medyo natakot ako na baka one day mawala sya , Alam mo ung open na kayo sa isat isa pero may isang prob talaga na 'di ko alam kung pano aayusin . well since bata pa naman kami at d naman ako nagmamadali sa mga ganong bagay siguro aantayin ko nalang din ang mga mangyayare. Kayo kung kayo nasa kalagayan ko ano ang gagawin nyo?