What's new

I'm 23 but still unemployed

Reverse mind teknek lang yan, pag palagi nasa isip mo na di mo kaya. Harapin mo yan takot mo boi. Pag palagi ka ganyan fast forward to future walang mapapala sa takot ka. Harapin mo give your actions be more positive than negative sheesh 🙄
I am 21yrs old nag start mag work na dahil sa financial kaya ayon nakatulong narin kahit maliit. Pero now I'm 23 Im back being student na takot sa mga subjects sa course ko. Pero still facing them whatever happens. And I hope you do as well 💪
 
ako na graduate ng vocational 2016 hired agad kaso lang parang ngayon parang wala parin akong alam 😔 nakakalungkot lang talaga kase halo2 ang nararamdaman ko, takot akong sumubok.
 
Ako dalawang beses nag college - 2yrs at 3yrs tapos dalawang taon akong bakante. unemployed. nakakuha lang ako work nung 2019. kaya mo yan. ipon lang ng lakas ng loob.
 
Graduate po ako ng Business Administration Marketing Management as cum laude, kaya grabe yung expectation sakin ng mga kamag- anak ko, na p-pressure tuloy ako haha. Pero ang balak ko sana i pa convert na lang yung academic excellence ko sa civil service then rekta na ako sa BFP, kaso di pa daw available yung TOR namin.
7 mos kna nakagraduate pero wala padin kayo TOR? anung klaseng school yan? Ang masusuggest ko lang sa case mo eh humanap ka ng work na komportable ka. Mas maeexpress mo sarili mo kapag komportable ka sa gagawin mong trabaho. Subukan mo lang magapply nang magapply. Magpainterview ng magpainterview. Mas madameng interview mas okay kasi habang tumatagal makakabuild ka na ng confidence sa mga interview na yan. Pagpraktisan mo ang pagaapply ng trabaho sa totoong interview para makakuha ka ng skills upang labanan yang pagiging anxious mo sa interview. Wag mo din pansinin yung ibang tao dyan sa inyo. Yun lang. Babay.
 
mag abroad ka nalang boss, try mo maghanap sa POEA.. or kumuha ka muna nang mga low level job for experience related sa career mo then apply ka sa labas. wala na pag-asa Pinas.
 
mag abroad ka nalang boss, try mo maghanap sa POEA.. or kumuha ka muna nang mga low level job for experience related sa career mo then apply ka sa labas. wala na pag-asa Pinas.
panong wala nang pag asa sa pinas? ang wala lang pag asa dito yung walang diskarte at tamad. sa palagay mo tol, baket dagsa ang mga dayuhan dito sa pinas? have you been abroad? may idea ka ba kung ilang doble ng hirap mabuhay sa ibang bansa at kung ilang doble din presyo ng bilihin doon? ilang klase ng trabaho at oras ang kailangan mo sa buong araw para ma meet mo lang yung pangangailangan mo para mabuhay ng maayos doon? i guess you dont have even a slightest idea about living abroad.
 
actually madaming trabaho sa paligid mo mapili ka lang haha ang need mo lang naman maapak mo ang paa mo sa corporate world eh once nag ka experience kana madali na lang
 
25 ako unemployed may sriling Piso wifi vendo at online store, nakadikit sa Plano Ng diyos Di sa sarili Kong Plano currently planning to take exam for Napolcom payo ko lang sayo magkakaiba Ng phase Ang tao minsan mauuna tgla Ang iba pero Di ibig sbihin nun is hanggang Jan ka nlang isang quote boss "Comparison is the thief of Joy" never icompara or magpadala sa pressure Ng ket sino Ang diyos lang may alam sa mga bagay na mangyayare sayo manalig kalang at syempre may tiyga din ksama sa tiyaga Ang pasensya idol keep working and pray without ceasing God bless sa future mo.
Plus 1
 
Graduate po ako ng Business Administration Marketing Management as cum laude, kaya grabe yung expectation sakin ng mga kamag- anak ko, na p-pressure tuloy ako haha. Pero ang balak ko sana i pa convert na lang yung academic excellence ko sa civil service then rekta na ako sa BFP, kaso di pa daw available yung TOR namin.
Wag ka mag madali may tamang panahon para sayo.
 
upskill ka .. learn new things or learn do what you love doing .. i mean gawin mo yung gusto mo gawin , yung passion mo habang nag hihintay ka ng interview , ng tawag ...

mas okay kasi if natutunan mo yung mahal mo gawin . . yung bang mahal mo ung ginagawa mo tapos kumikita ka ..

mahirap sa corporate world , mahirap yung may amo ka .. mahirap yung alam mo na kung magkano sasahurin mo sa isang buwang , .. unlike if meron ka business or if youre earning doing what you love , you have your own time ... mas okay yung ganun kesa mag work work work ka sa corp world .. Mapapabilang ka lang sa rat race .. .

Or halimbawa naka hanap kana ng work ... iponin mo sahod mo then do not stop finding what you really love doing . .. if nakaipon kana , ilagay mo yung ipon mo or i-spend mo sya sa gusto mo gawin talga ...

for example gusto mo mag business talga .. . which is very good .. Ipon ka ng puhunan from your work muna then after makaipon kana mag business kana ...

mahirap po sa corp world .. imagine work work work ka .... sobrang sipag mo tapos yung sahod mo ganun pa din .. . alam mo na sasahurin mo sa isang buwan , kinsenas ...

unlike if you have your own business, depende sa sipag mo yung kikitain mo ..
 
hanap ka muna ng available na work kahit hindi tugma sa course mo pag may enough exp kana doon mo ipursue
 
nice advice to boss may tanong ako paano po ma improve ang confidence para di ako bulol sa pag interview po?
base on my exp. itreat mo sila na parang tropa para hindi ka kabahan lods tapos maintain eye contact lagi at avoid unnecessary movement, siguro dahil sa dami nadin ng napasukan ko trabaho kaya di narin ako nabubulol/kabado sa interview haha
 

Similar threads

Back
Top