What's new

Trivia Ilan sa mga Paniniwala sa Iba't ibang Panig ng Mundo

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,951
Solutions
6
Reaction
66,400
Points
16,631
1.Brazil
malas magpatong o maglapag ng bag at pitaka sa sahig.Sinasabing sa sandaling mailapag o maihulog mo ang iyong bag o pitaka sa sahig ikaw ay mawawalan ng pera.


2.China
Ang number 4 at iba pang numero na associated dito gayang 14,24,etc. ay pinaniniwalaang malas.Sa katunayan ang Chinese pronunciation ng salitang "four" ay katumbas ng "death".Wala kang makikitang number 4 sa anumang buildings,plate number,at iba pa.Maging ang 13 at 23 ay malas din kaya iniiwasan nila itong gamitin sa elevator.


3.United States
Sa buong Estado partikular na sa State ng Vermont anga mga 19th century farmhouse ay may mga slanted windows sa bubungan dahil sa paniniwala na hindi makakapasok ang mga witches na sumasakay ng flying broomsticks.


4.Egypt
Ang nakabukas na gunting ay tiyak na maghahatid ng kamalasan dahil ito raw ay may malaking kaugnayan sa espiritualidad.Maging ang simpleng pagbubukas- sarado ng gunting ay kung hindi naman ginagamit ay kinokonsederang bad omen.Ngunit ang paglalagay ng gunting sa ilalim ng unan ay proteksyon laban sa bangongot.


5.Zimbabwe
Labis nilang pinahahalagahan ang mahika.Kadalasan upang maiwasan ang extra marital affairs, ang mga lalaki ay nagbabanggit ng spell sa kanilang asawa upang iwasang makacommit ng adultery.Sa sandaking nagtaksil ang kapareha,maaring magsagawa ng durawalling o isang binding ritual upang hindi na sila magkahiwalay pa.


6.Japan
kapag masungit ang panahon at may thunderstorm dapat magtakip ng kumot sa iyong tiyan sa pagtulog dahil kakainin ng God of thunder na si Raijin ang iyong belly button habang natutulog.


7.Russia
Ang mga sira sirang timba ay malas umano.Ang mga street cleaners ay pinapayuhang itago ang kanilang mga walis at iba pang cleanung supplies dahil malas rin na nakakalat ang mga ito.


8.Spain
Ang pagkain ng 12 na grapes o ubas sa hatinggabi ng New Years Eve ay magdadala ng swerte at kaligayahan sa buong taon.


9.Sweden
Sila ay umiiwas na makatapak ng manhole covers dahil malas daw ito kaya kadalasang minamarkahan ng X at A ang mga manhole.
Ang K or" kallvatten" ay nangangahulugan ng "fresh water" or "love" samantalang ang A or" avlopp"
ay nangangahulugang seaweeds or broken heart.Kung sino man ang makaapak nito ay iyan ang magiging tadhana ng buhay pag ibig niya.Ang pangontra lang nito ay ang pagbatok sa iba ng tatlong beses.


10.Serbia
Kung ikaw ay may job interview o may sisimulang bagong proyekto ,suswertihin ka kapag nagbuhos ka daw ng tubig sa iyong likuran dahil ito ay sumisimbolo ng fluidity at peace,isa din daw itong pag iinvite ng calm at confidence.



-ctto-
 
sa mga walang jowa punta kayo ng china walang feb. 14 dun kasi may 4 whahahha
magandang suggestion yan aba 🤣

yung sa spain lang saka serbia ang nakita ko na may positive na paniniwala.. majority sa taas, puro mamalasin ka kapag ganito, ganyan.. 🤣
pero da best yung pangontra na pagbatok sa iba ng 3 times..hahha
salamat po sa dagdag kaalaman ma'm 😍
hahaha ang harsh talaga ng batokan ,😆
 
Back
Top