Nasa 3 na kakilala ko ngayon ang nagsuicide dahil sa online games. Perfect world, conquer at albion online. Yan yung mga online games na nilalaro nila at adik na adik sila. Yung 1 is classmate ko nong high school, yung 2 is relative ko lang tapos ika 3 is workmate ko ngayon na recently lang nagpakamatay dahil sa albion online. Puro albion online yung laman ng newsfeed niya sa fb at pati profile picture niya albion online din. Sa workplace, dala niya lagi yung gaming laptop niya at panakaw na naglalaro. Tapos unti unti siyang namayat, hanggang sa isang araw nagpakamatay na pala siya. At yung suicide letter niya is related sa albion online.