What's new

Closed Iba't-ibang uri ng mga tao dito sa phc

Status
Not open for further replies.

L3V1

Honorary Poster
Joined
Jun 11, 2016
Posts
401
Reaction
389
Points
232
Iba't-ibang Uri ng mga Ka-PHC

1. The Newbies.
Eto yong mga user na bago pa sa lahat. Magpopost ng forum na "pa-establish naman po mga admin", "Ano po ba yung Ehi?", "Papasa ng ****", Haha joke lang. Kadalasan sila pa lagi yong narereport. Kung baga kailangan natin silang intindihin dahil nga "Newbie" pa sila.

2. The Hanggang Gags and Jokes Category nalang.
Eto naman yong mga user na karamihan ay halos walang alam sa mga VPNs and stuffs katulad ko haha. Yong tipong sumali lang dito sa PHC para mangopya ng mga lumang jokes sa facebook at magpost ng mga memes na panahon pa nga hapon.

3. The Average.
Eto yong mga users na "sakto" lang. Di naman masyadong magaling, pero may kaalaman naman kahit papaano.

4. The Jejemons.
Halos kapareho lang din sila ng mga "Newbies" na halos wala pang kamuwang-muwang sa mundo ng PHC, at dinadala pa dito ang mga gawain sa fb haha.

5. The PaRank Lang.
Eto yong mga spammer ng mga replies na puro "thank you po keep sharing", "thanks ts try ko mamaya", "Ang lakas neto boss" pero wala namang pake sa pinost ng thread starter, hindi rin nag-fefeedback. Kung baga ang objective niya lang ay makapataas ng ranggo. Nakakain ba yon? Ha? Ha?

6. The spy *dandandandaaaaan*.
Eto naman yong mga user na walang ginagawa kundi manira ng mga freenet, mangkatay ng mga tricks para magkasuweldo ng load. Mga bwaka ng hayop kayo! Imbis libre na nga net nang hindi na maghirap ang sambayanang Pilipino kayo naman tong sumbong nang sumbong. Selponin kita sa mukha e.

7. The Pasikat sa Fb.
Eto naman medyo similar sila ng "The spy *dandandandaaaan*" yong pupunta dito sa PHC para lang mangnakaw ng mga tricks at freenets tapos wala pang proper credits sa mga nakadiscover tapos ipopost sa Fb. Oops singit ko lang dahil 100% sure ako na hindi mo napansin na nasa unahan ng percent ang 100 at sure din ako na di mo binasa ang buong post nato. So anong lagay nyan? Kayo na sumikat dahil sa trabaho ng iba? Tatampalin kita ng paa e.

8. The Reporter.
Eto yong mga mortal enemy ng mga "The Pasikat sa Fb" na mag rereact ng angry emoji sa post nya at mambabash sa post nyang hindi naman sya ang may-ari. Tapos iiskrinsyatan at ipopost dito sa PHC haha. Tapos pagdating dito sa PHC bawal din magpost ng mga sumbong post dito haha kawawa naman. Sya na nga tong nagtanggol sa orig owner ng trick siya pa napahamak haha. Sakit nun.

9. The Scammer.
Yong mga user na magpopost ng topic na "Unli Freenet lifetime", "New gs bug pasok!", "Unli internet for fre any network" tapos naka-spoiler pa yon pala nang-uto lang. Tapos ikaw din tong si uto-uto na nagclick at napaniwala haha. Power!!

10. The Pauto pamore.
Eto yong mga tao na kahit ilang beses nang nabibiktima ni "The Scammer" ay wala paring kadala-dala. Tapos sila pa tong triggered na kesyo "non-sense post" daw, "nakakasawa yong mga gantong post daw" e kami rin, nasasawa nadin sa kadalaan mo. Tip ko lang sayo, teka lapit ka sakin, lapit pa, Ops amoy ko na hininga mo dyan kanalang. Kapag may post na sobra ganda magduda kana agad. Sinasabi ko sayo. Aasa kalang *B&W filter* *Kung wala kanang maintindihan*.

11. The Pro sa Lahat.
Eto yong mga mapapa-iyak kanalang sa sobrang galing sa lahat ng bagay. Ulti mo kulay ng brip ni Donald Trump alam nya. Sobrang galing nya sa freenet buong buhay nya yon nalang ginagawa nya. Wala nang load load yon tol. Rekta na nood sa youj*zz haha joke. Pero seryoso, saludo talaga ako sa mga taong to na walang sa pamamahagi ng kanilang kaalaman saaming mga kapos haha. Tipong lahat ng post nila trending at inaabangan.

'yon lang mga ka-PHC haha.
Sobra ang saya ko sa paggawa netong post na to at sana kayo din.

Kung may mga nakalimutan man akong iba pang uri......


........Edi wow
 
Last edited:
thanks for sharing..
hehe joke lang ts. anu kaya tawag sa sipsip sa mga staff member dito?
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top