What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

[ⓘTrivia] Secure your Property (All about CCTV)

paomaestro

Honorary Poster
Established
Joined
Sep 23, 2019
Messages
744
Reaction
149
Hi mga ka-PHC!

Share ko lang lahat ng knowledge ko about CCTV (Closed-circuit television) sa inyo. Eto yung mga natutunan ko sa internship ko dati para maging reference nyo kung nag babalak kayo bumili.

Types of CCTV system:
1. IP - Complicated but flexible. Babasahin ng DVR and cameras as IP addresses at di na kailangan ng power adaptor bawat camera (PoE). Maganda din ito kasi pwedeng sa Hub/Switch mo nalang i connect yung camera at PC mo nalang ang magiging DVR kung gusto mo.
2. Analogue - Plug and Play. Eto yung recommended sa mga hindi techy at 1st time mag install ng CCTV sa bahay kasi kabit at setup ka lang ng DVR.
3. Hybrid - Eto yung Analogue ang mga Camera cable/ports pero may LAN port ang DVR para maview sa internet browser yung GUI ng DVR.
4. Standalone - Eto yung kadalasan single camera lang syaka wala ng DVR, built in na sa camera yung recorder at Mobile App narin ang viewer nito. Recommended din sa mga newbies.

Components ng CCTV ystem:
1. Camera (Dome, Bullet, PTZ, Fisheye)
- Dome yung bilog na camera na madalas nyo makita sa mga banks at malls.
- Bullet yung mahaba na cam na may mount/neck.
- PTZ (Pan, Tilt, Zoom) ito yung mga malalaking camera na pwede ma control ang camera 360 degree ang view.
- Fisheye ito naman merong 180 degree na view kadalasan sa center ceiling nilalagay.

2. DVR (Digital Video Recorder)
- Ito yung recorder/player ng mga CCTV camera. Kung baga ito ang utak ng CCTV. Dito mo din i coconnect lahat ng CCTV camera mo.

3. HDD (Hard Disk Drive)
- Makikita sa loob ng DVR. Depende sayo kung 500GB, 1TB or more gusto mo para mas malaki video database.

4. Monitor
- Of course, para maview at ma monitor mo yung live recording ng mga camera.

5. Cables
- Ito depende sa klase ng DVR/Cam nyo kung ANALOGUE yan Aux cable and port ka. Pero kung IP Camera ka, Ethernet cable at RJ45.

6. Power Adaptor
- Kapag Analogue, Bukod sa Aux cable, may Power adaptor din dapat ang camera. Pero kapag IP camera, PoE na meaning iisa nalang ang data at power connection.

7. Remote/Controller/speakers (accessories) (optional)
- Ito depende sa klase at brand ng CCTV system mo kung may PTZ camera ka kelangan mo ng controller para magalaw yung camera.

8. Outdoor/Indoor Access Point (optional)
- Kumplikadong equipment sa CCTV. Radyo kung tawagin ng mga network engineer. sa IP cameras lang to madalas pag ilalagay mo sa malayong lugar yung camera or sa gitna ng highway/kalsada ginagamitan na neto kesa mag cable lalo na kung 500meters and up ang layo nung pagkakabitan.

Different features of CCTV:
* Night Vision
(infrared)
* Mobile Phone App (Para may live view sa Android phones)
* Motion detection (May mga brand ng CCTV na kapag may motion na nadetect, mag aalert sa CP mo or sa DVR)
* Pan, Tilt, Zoom (PTZ)
* Facial Recognition
* Plate Number Capturer
* Anti-Vandal
(eto yung kahit mag spray ka ng spraypaint dun sa cam no effect, parang water resistant yung glass nung CCTV. Mostly sa Dome type to)
* Water Proof
* Two-way Audio
(depende sa camera nyo, kung may speaker at mic ang camera pwede kayo mag usap nung nag momonitor pag nakaharap ka sa camera)

Price:
- Iba iba kasi ang Presyo nyan depende sa Type at bilang ng camera. Merong 4, 8, 16 and 32 channels/cameras. Search nalang kayo, kahit saan naman meron na nyan kahit sa Online Stores.

Brands of CCTV:
-
Madaming brands ng CCTV nag kakaiba nalang sa features at Quality yan. Pero kung gusto nyo talaga quality na mga brand eto yung mga recommended ko:

a. HIKVISION
(eto talaga ang hari, yung na solve na isang crime sa SOCO dahil HD yung kuha sa suspect, eto yung brand nun. 1080p at 4K cameras meron sila)
b. Zicom
c. Arlo (wireless camera)
d. AVtech
e. CP Plus
f. Sony
g. Samsung

Installation:
-
About sa installation, karamihan ngayon ng CCTV User friendly na ang interface at GUI ng DVR. Susundin nyo lang yung manual or nuod ng vids sa yôutubê madali lang naman yan. Ang mahirap na part lang naman sa CCTV installation is pag mount ng mga cameras at fabrication (welding) nung mga stand ng CCTV. Kung marunong naman kayo sa carpentry madali na lang yan.


I hope nakatulong sa inyo to. Kung may hindi ako nabanggit, paki comment nalang po salamat. Sa wakas may matinong thread na akong nagawa HAHAHA! 😂
 

Online statistics

Members online
1,331
Guests online
1,170
Total visitors
2,501

Forum statistics

Threads
768,071
Messages
15,196,263
Members
1,410,283
Top