Hmm. Sobrang babaw ng dahilan para sabihin nya sayo na mag break na kayo. Tsaka yung pagbyahe mo ng pagkahaba haba, sobrang effort na nun para sa kanya. Pero ano yung talagang dahilan nya? Bakit nya gustong makipaghiwalay sayo? Sa tingin mo ba, nasasakal na sya? Baka naman may ibang rason kaya nya nasabi agad yun. Galit ba sya or what? Kung talagang seryoso sya sa gagawin nya, mag-usap kayo ng masinsinan para maliwanagan kayong pareho. Payo ko lang, wag mong ipilit yung sarili mo sa taong ayaw or sawa na sayo. Masasaktan ka lang. Pero kung sa tingin mong may chance pa para masalba ang inyong relasyon, why not gawin mo di ba? Pero in the end, isipin mo pa rin kung ano yung tama at mali. Minsan kasi, sakit ng lahat ng taong umiibig yung pagiging t-word.