What's new

I fell inlove with one of my best friend

Tristan1204

Forum Veteran
Joined
Jun 25, 2017
Posts
1,351
Solutions
1
Reaction
4,067
Points
949
Age
20
So ito yun dito un nag simula,

Nung grade 8 ako naging kaklase ko sya, Introverted sya at ako din + ako socially awkward, eh Yung seatmate ko nun masyadong bully eh ako naman socially awkward at introvert din, para wag din akong ma bully nakiki sabay nalang ako sa pag bully nila. Ayun kada uwian Naka tali bag ko gawa nung binubully namin (pero it's not my intention naman) tapos hanggang naging grade 9 na kami kaklase ko pa din sya pero hindi ko sya naging ka close pero di ko na sya na bubully, naging ka close sya ng best friend ko nung G9 pero hindi ko pa din sya naging friend

Nung G10 naman nalipat sya ng section tapos nung ma tatapos na ang G10 nag ka Covid-19 naman, kaya nung g11 ang kinuha ko ay STEM eh sakto stem din sya


Pagka wala syang sagot tapos hindi sya Maka kuha ng sagot sa iba kahit mag tanong,( usually ang nangyayari ay pinag tataguan sya ng mga classmate namin ng sagot nila) hanggang dahil wala nga nag papakopya sa kanya/turo umabot sa kin ang pag cha chat nya

E hindi naman ako ma damot ma bait pa nga ako eh for sure lang tapos simula don naging ka chat ko na sya naging ka close ko na din sya at naging Isa na din sya sa mga very close friend ko (2 lang ang close friend ko) sya at Yung isa Kong best friend nung G9

Nung G12 naman ganon pa din laging chat etc. Common topic pag aaral ganon ganon etc. Tapos nung mag apply na kami sa college lahat kami ng mga mag kakaklase namin dun nag apply sa iisang school

Tapos ang malala kaming dalawa lang ang natanggap 😳 Lalo ko syang naging ka close non, minsan nag cha chat kami ng 7AM-11PM continues di na uubusan ng topic haha, tapos tinuruan din nya ko mag commute haha kase nasa province kami eh di ako marunong mag byahe,

Eh habang tumatagal nag Gu good night na sya, Good morning, Eatwell, Study well yung mga ganan ganan ba hahaha e ako naman dahil trip ko din nakiki ganan na ko sa kanya hahaha hanggang sabi nya sakin nung isang beses "Tol ang cute mo ah" hahaha sabi ko naman "ang pogi mo talaga pa kiss nga 😘" hahaha tapos simula non naging habit na namin ung mga ganan ganan

Good morning Goodnight etc

Tapos nung isang beses kanina lang sya actually sabi ko

"Study well sayo I lab yu 🖤"
Reply nya

"I lab yu 2🖤, Study well din sayo"

Whahaha na fa fall na ko ilang bwan na din nang yayari to

Saka ganto yan eh, Sakin lang daw sya nag open mic sa laro ket tournament, bestfrienf nya etc. Di sya nag open mic wich is ganon din ako sa kanya hahaha sa kanya lang ako nag oopen mic I mean kase introvert kame eh naging close na close na kami hahaha tapos ngayon na iinlove na ko sa kanya

Ang kinakatakot ko dito baka one sided love lang to 😭

Whahaha any comments mga ka phc 😳 wag nyoko I judge ha hahahaha



UPDATE!!!!!
May GF na 'ko mga ma PHC, mahal ko talaga sya 🥰 na kilala ko s'ya nitong nag f2f na kami this yr ng college unang kita ko palang sa kanya alam kong sakin na sya HAHAHA. Ganto story naten jan, 1st day of class edi wala pa 'ko kilala no pero may isa akong tropa na nasa ibang section/block, ayun da moves kausap kausap lang muna, nung una eh parang ayaw nya sa'kin, pero nung nag tagal na ehh ayun hehe nag open up na din sya sa'kin. ngayon eto 1 month na kami hehe sana mag tagal 🥰. Eto yung matagal na na wala sakin na matagal ko na din hinahanap sana eh magtagal kami 🥰, eh about dun sa past ko dun sa alam nyo na alam na ni GF pero wala lang sa kanya yun oks lang daw, eh minsan pinang aasar panga nya sakin ehh HAHAHA pero wala na sakin ngayon yung alam nyo na. Siguro ay dito ko na i titigil ang update mga ka PHC.
 
Last edited:
Hahaha pwede ka naman umamin boss kaso nga lang baka magkailangan kayo after dahil nga baka one sided love pero atleast you try pero malay mo naman boss diba think positive lang heheh
 
Wag mo na ituloy nararamdaman mo, masasaktan ka lang, remember di lang kaw lalake sa life nya, di lang ikaw nakakausap nya.
Kung masaya ka ngayon bukas iiyak kana, walang happiness na nagtatagal Ts, itigil mo na anuman feelings mo sa kanya
 
Ano ba gender mo?
Straight po ako as in Deretcho talaga, Di naman ako attracted sa kanya sexually, Emotionally lang. Nag ka GF na ko dati nung G8 - G9 pero nag break na din kami kase bawal pa daw sya napagalitan kami hahaha tapos simula non alaws na talaga kami, at di na ulit ako nag hanap ng bagong jojowain nag aral nalang ako ng mabuti pero hanggang top 8 - 10 lang inabot hahaha, sa tingin ko di ko nalang I tutuloy to eh, parang Brothers na kame ngayon e, pero Malay mo aminin ko sa kanya who knows ? Kaya ayoko sabihin baka ma ilang saken eh
 
ok lang yan pre. sabihin mo kung anong nararamdaman mo. malay mo mutual pala yung feeling. then saka na na mag isip ng next move kung natanong mo na sya at depende sa kung anong isasagot nya
 
ok lang yan pre. sabihin mo kung anong nararamdaman mo. malay mo mutual pala yung feeling. then saka na na mag isip ng next move kung natanong mo na sya at depende sa kung anong isasagot nya
Hehe wag nalang pre, mukang one sided love lang to pero nag rerespond sya sa "ay lab yu" ko ayoko nalang umasa saka may mga babae naman jan para sakin bat sya pa, di ko lang ma tanggap eh nag kaka feelings ako para sa kanya 😵 di ko ma intindihan sarili ko
 
Hehe wag nalang pre, mukang one sided love lang to pero nag rerespond sya sa "ay lab yu" ko ayoko nalang umasa saka may mga babae naman jan para sakin bat sya pa, di ko lang ma tanggap eh nag kaka feelings ako para sa kanya 😵 di ko ma intindihan sarili ko.
Wag men, Pahalagahan mo pagsasama nyo.
 
kahit sandali palayain ang pusong di mapigil.. kung tayong dalawa'y sa huling pagkakataon na ika'y magiging akin
 
Kung ayaw mo ako na lang ..ahhahaha...joke lng ✌️✌️✌️

Meron pala ganyan na may feeling ka na straitt

Subukan ko nga ...😅😅😅
 

Similar threads

Back
Top