I caught my GF robbing bucks at my wallet.

Joined
Mar 31, 2021
Posts
26
Reaction
18
Points
73
Hello mga Ka PHC. need ko lang sana ng help and advice nyo. Nahuli ko kasi yung GF ko na ngungupit ng pera sa wallet ko. 🥺 ganito kasi yun. madalas ko na kasing na papansin na parang laging nababawasan yung laman ng wallet ko nung una hindi ko pinapansin hindi ko na kasi minsan binibilang kung magkano laman ng wallet ko madalas puro tig 100php yung naiiwan palagi. minsan napapa isip ako kung ano ba yung mga ginagastos ko at bakit parang ang bilis maubos ng laman ng wallet. one time si gf nahuli ko btw yung gf ko kasi madalas kapag rd niya doon siya nag e stay sa apartment ko. ngayon araw lang pag kauwi niya galing work dito sa apartment ko na alim pungantan ako pero hindi ko pinahalata na gising ako. then ayun nga napasin ko na parang may kinakalikot siya sa drawer ko syempre ako tulug tulugan. lang pero alam kong my something na kinukuha siya at after nun kinuha niya yung bag niya at may pinasok siya sa kanyang wallet di ko alam kung ano yun. pero may kutob na ako kung ano yun. so ayun nga habang tulog gf ko btw pang GY kasi siya sa shift niya. kaya ako nmn gising sa araw dali dali kong ni check yung wallet ko at pag tingin ko halos naubos na naman yung tig 100 ko na barya sa wallet. ngayon mga PHC need ko lang ng advice kung paano ko kakausapin yung gf ko about doon kasi baka e denied niya lang yung mga nakita ko at pagmulan ulit ng away. may other option kasi ako na plan ko mag install ng hidden camera para mahuli ko siya with evidence. ngayon hindi ko alam kung anong ma fe feel ko sa mga nakita ko. lahat naman ng gusto niya binibili ko at sinasabihan ko siya palagi if kapos man siya sa budget willing ko naman siya bigyan ng extra Money pero tinatangihan niya lang. diko talaga alam ma fe feel ko and diko alam kung paano ko siya kakausapin about doon. sana matulungan nyo ako mga ka PHC more powers po.! thanks!
 
diretsuhin mo ts and its about time habang di pa kayo kasal para di ka magsisi sa huli kapag kasal na kayo. na may ganyang issue pala gf mo na nangungupit kahit na inaalok mo na sya ng pera pero mas gusto nya yung kukupit pa sayo. Dapat redflag na sya kapag ganun pero since mahal mo kausapin mo bakit nya ginagawa, kapag tinanggi nya sabihin mong nakita mo sya na ginagawa yon nung gabi.

Wag sana sasama ang loob mo pero wala ka bang napapansin sa gf mo? di ba sya maluho? panay bili ng mga kung ano ano? o nagsusugal ba sya? bisyo? hirap ba pamilya nya sa buhay or sya ba breadwinner ?

kung mahal ka talaga nyan di ka gagawan ng ganyan ng gf mo.
 
Nakakatakot naman yan, kahit may relasyon kayo need talaga ang respect para sa isat isa.
 
Kausapin o hayaan nalang yan lang naman choices mo hindi namin alam baka may sakit o problema sa huli kayo lang din ang makakahanap ng solusyon.
 
diretsuhin mo ts and its about time habang di pa kayo kasal para di ka magsisi sa huli kapag kasal na kayo. na may ganyang issue pala gf mo na nangungupit kahit na inaalok mo na sya ng pera pero mas gusto nya yung kukupit pa sayo. Dapat redflag na sya kapag ganun pero since mahal mo kausapin mo bakit nya ginagawa, kapag tinanggi nya sabihin mong nakita mo sya na ginagawa yon nung gabi.

Wag sana sasama ang loob mo pero wala ka bang napapansin sa gf mo? di ba sya maluho? panay bili ng mga kung ano ano? o nagsusugal ba sya? bisyo? hirap ba pamilya nya sa buhay or sya ba breadwinner ?

kung mahal ka talaga nyan di ka gagawan ng ganyan ng gf mo.
hindi naman siya maluho siguro kung meron man yung pag tambay niya palagi sa shopee pero madalas add to cart lang naman gingawa niya at small amount lang. wala din bisyo bro sobra nga siya kung mag tipid para sa sarili niya. yung tipong hindi niya kayang bilin dahil nang hihinayang siya sa gastos kaya madalas ako na bumibili para sa kanya ng mga bagay na gusto niya. oo bread winner siya sa family nila. minsan may financial problems din siya sa family nila na ni open niya sakin. ang problem ko lang kasi di ko alam paano e open sa kanya kasi alam kong e tatangi niya lang. hindi lang yun yung time na nahuli ko siya madalas niya din open yung cp ko kapag tulog ako binubuksan niya gamit finger print ko. which is na invade na yung privacy ko na never ko ginawa sa kanya. hindi ko nga alam kung pati yung notes ko kinalkal niya din which is andun din lahat ng records ng account ko sa mga bank accounts ko.

Need to talk to him baka mamaya sakit yan na klip to manyak. Mahirap yang ganun
yun nga bro kaya lang hindi ko alam kung papaano kasi alam ko e de deny niya yun. kaya plan ko sana caught on cam para may evidence. ng hindi niya e tangi na huli siya.

Kausapin o hayaan nalang yan lang naman choices mo hindi namin alam baka may sakit o problema sa huli kayo lang din ang makakahanap ng solusyon.
plan ko naman siya kausapin kaya lang di ko pa alam kung paano ayoko kasing umabot sa point na pag tatalunan namin at mauwi na naman sa hiwalayan. iniisip ko lang kasi baka e denied niya. alam nyo naman minsan ang babae hindi umaamin ng walang solid proof minsan pag iisipan kapa na nag bibintang lang kahit huli muna.
 
Last edited:
bro, sana mapush kita na kausapin na yung gf mo. kasi kung nakita nya yung mga notes mo di malayo na baka makuha nya din yung mga laman nun in the future.

Alam ko mali to pero para di sya makatanggi maglagay ka na lang nga ng hidden cam para may record ka ng mga ginagawa nya.

Pero bro try mo lang muna kausapin kung bakit nya nagawa yun, kapag tinanggi saka mo na lang ilabas yung video record mo.

malay mo baka naman umamin na once na kinausap mo, nakakahiya kasi kung may actual video record ka na nahuli mo sya. kung mahal ka talaga nyan bro sinasabi ko sayo di nya dapat ginagawa yan sayo.

and what if di lang pala sayo nya ginagawa yan? what if sa work ginagawa nya o sa ibang lugar, ayaw ko mang judge pero kung di mo kakausapin si gf mo lalo ka lang ma i stress kaiisip.
 
Last edited:
Tanungin mo nalang kung kumuha ba siya sa wallet mo, syempre yung palambing para di mag iba ng mood. pag oo naman sagot niya atleast alam mong totoong kumuha siya pero pag hindi naman sabihin mo nalang na may kulang lang sa pera mo pero mag isip isip kana rin kasi alam mo na nagsinungaling na siya
 
I have a feeling that even if you confronted her and talked about it, mauulit at mauulit pa din 'yon. It's in her nature. It sound so unfair to say this but people segway but they don't really change.
 
Kailan mo pa kakausapin lods? Kapag madami ng nwala na pera sau? Kausapin mo ng maayos pg ganyan. Gaya nga ng sabi sa ibang comment baka sakit niya na yan
 
wag pakatanga gf mo yan kung may
problema o pangangailann siya dapat sinasabi niya yan sayo dahil magjowa kayo

Ok nayan kung magasawa kayo at nakikita mo ginagastos para sa mga anak niyo

red flag na yan
baliktarin natin kung ikaw gagawa niyan baka mas magagalit pa siya

Kung Naman maganda ang intensyon niya kagaya ng magipon ng pera ok lang lang yan linawin dapat niya sayo o dapat sinasabi

kung naman pumupunta lang sa masama na pagbibili ng kahit ano anong hindi kailangan,o pinagdate sa iba, or etc

hiwalayan mo na
 
no need kana mag buy ng Hidden cam. Hiwalayan mo na agad. di mag wowork ang relationship na ganyan in long term
 
ms mgnda kausapin mo kse kun gnyan p lng kyong stage gnyan n gawain what more p kpg ngkaroon n kyo anak, gg lalo kpg gnyan lods,
 
Ekis na yan lods, di ka nirerespeto ng jowa mo. tsaka koreksyon pre, Nakaw ang term ha, di "kupit." Paulit ulit eh
 
Back
Top