Pacheck mo sa dermatologist mismo. Para yung tamang treatment ang ibigay sayo. Nung nagbreakout ako ng cystic acne sa buong mukha ko, para akong may ketong. Yung doctor ko sa tophealth sm san lazaro, niresetahan ako ng skin oral antibiotic and 2 klase ng cream, lahat sa mercury nabibili. Medyo pricey, pero worth it. In one month, back to normal na ulit.
Sa ngayon paminsan minsan may susulpot na isa, pag maliit, BL cream manipis lang . Pag malaki, painject mo na 150-200 lang yun.
Di kasi ako naniniwala sa mga facial facial na yan saka yung mga spa treatments, parang hit or miss yan...at mas mahal kasi hindi naman instantly nawawala sa isang session yan. Sayang lang pera.