What's new

Homeless Romantic

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,954
Solutions
6
Reaction
66,409
Points
16,634
Mahal mo siya, mahal ka niya… mabubuhay ka ba niya?
Ito ang kadalasang nangyayari sa mga kabataan na sa murang edad ay
maaga na nagkapamilya at hindi pa ready maging ama't ina.
Yung mahal nyo nga ang isa't isa pero hindi nyo pa marunong tumayo sa sariling mga paa.
yan ang tinatawag na" homeless romantic "kumbaga.


Kaya bago gawin ang mga bagay na ito dapat pag isipang mabuti ang mga desisyon sa buhay:

-Kung hindi mo mapigilan magkaroon ng isang relasyon, isipin niyo rin ang inyong limistasyon lalo na kung kayo ay nasa maagang edad pa lamang. Isipin mo kung kaya mo bang mag-alaga ng bata. Kaya mo bang buhayin ito? Isang malaking responsibilidad ang pagkakaroon ng anak lalo na sa mga kabataang kulang pa ang kaalaman sa pag-aalaga ng bata.

-nagpakahirap ang mga magulang mo na buhayin at pag-aralin ka hindi para lumandi at magpalandi. Noon ay ayaw na ayaw ka nilang padapuan sa lamok, kaya ngayon subukang mo namang huwag magpadapo sa mga tukso ,Sa bandang huli ay sa iyong mga magulang ka pa rin aasa at sila pa rin ang tutulong sa’yo para maalagaan ng ayos ang batang magiging bunga ng kalandian at katigasan ng mga ulo niyo.

-everything takes time. Excited ka bang madagdagan ang populasyon ng Pilipinas? Hindi mo kailangang magmadali. Hindi mo kailangang makiuso .

-Tandaan mo na ang buhay mo ay hindi isang telenobela nasa dulo’y palaging may happy ending at mga pakitang bloopers. Huwag ka ring magfeeling na kontrabida ang lahat ng mga taong hahadlang sa inyong pagmamahalan. Huwag kang umastang aping api ka dahil ginusto mo rin yan.. Sundin mo ang mga payo ng mga nakakatanda sa’yo lalo na ang mga taong nag-aalaga at mag-aalala sa magiging kalagayan mo.

-May matinong pagkakakitaan ka na ba para mapagkukunan mo ng pambili ng gatas at diaper ng anak mo? Ang trabaho niyo ba ay kayang sumabay sa mga nagtataasang pangunahing bilihin tulad ng bigas; kasama pa ang mataas na singil sa kuryente; pagtaas ng gaas, pamasahe, sardinas at Angel’s burger? Idagdag pa ang iba pang pangangailangan ng bata mula sa mga damit at sapatos na umiilaw hanggang sa mga gamot at regular na pagpapacheck-up sa doktor. Kaya ka nga bang buhayin ng mapapang-asawa mo o ang nasa isip mo ay “kaya naman kaming buhayin ng mga magulang ko.”

-Kaya mo bang bigyan ang anak mo ng engrandeng 1st birthday party? Dahil ang unang kaarawan ay isang importanteng okasyon na pinahahandaan ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Yung tipong makakapagpasara isang street ng lugar niyo at makakayang magpakain sa isang batalyong kapitbahay at kamag-anak.

-Handa ka na bang mapuyat gabi-gabi sa pagtitimpla ng gatas ng anak mo at sa umaga’y ipapakalong mo sa tatay mong hindi natutuwa sa’yo.

-Mawawalan ka na ang oras na iyong paggala at magkapag-party party sa mga kaibigan mong kasing edad mo. Huwag kang mag-astang dalaga pagkaluwal mo sa bata dahil hindi matutuwa ang iyong ina dahil siya ang pagod sa pag-aalaga.

-Handa ka bang harapin ang lipunang mapanghusga at puno diskriminasyon. Dahil kahit ano pang paliwanag mo hindi nila ito kailangan pang malaman at wala silang pakialam kung naging broken hearted ka. Kung ano ang kanilang nalaman at nakita tungkol sa’yo, dun ka na nilang sisimulang huhusgahan. Dahil sa mata ng kahit sino, isang pagkakamali ang iyong napasok. Sa kabila ng kung ano mang magiging tingin sa’yo ng karamihan ay huwag na huwag niyong babalakin na ipalaglag ang bata.


Ang mga nabanggit ay ang ilan lamang sa mga bagay at tanong na dapat mong pag-isipan upang ang mala fairytale na relasyon at
forever na pinaniniwalaan ay hindi mauwi sa siraan, awayan at hiwalayan.



excerpt from juanmalaya
 
Last edited:
napakamahalagang paalala ito sa mga kabataan ngayon...
salamat sa paalala TS 👏

maganda nga yang naisip mo paps Phc_Claron 👍
Bat paps hahaha joke😁
Screenshot_20220227-171233_Facebook.jpg


Done 😁
 

Attachments

Back
Top