What's new

Closed Hirap nga intindihin nito hahaha!

Status
Not open for further replies.

-simplice-

Forum Expert
Joined
Jun 10, 2018
Posts
6,073
Reaction
2,211
Points
2,214
Babala isang kuwento na tanging tunay na Batangueno laang ang makakaintindi....Pop Dado, C.E.O.

Dine sa Tuklong ay may puno ng kape na arogang-aroga pa ng Mamay. Sadyang pinapugadan sa hantik na guyam at pinabantayan sa bilot. Naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na parang sinturis. Pasal na pasal. Nang bigla na lang siyang napaumis, humirindat at tuluyan ng nabang-aw. Bigla na lang nagpatikar, lumiban ng karsada kahit umaambon naglulupagi sa gabokan kaya puro libag, tubal na tubal, talipa ang sipit at gura.

Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang gamitin ang kawot para garutihin ang mga bangkalang. Pero liyo at parang barik na barik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng panumbi. Wala naming kumana kaya pagerper na lang ang napagdiskitahan. Pagkatapos ng barokbokan, lungkuyin at hapong-hapo ang Mamay. Naging matalute ang usapan sa bayaran dahil mulay lang gustong ibayad ng Mamay. Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at tinangkab ang Mamay. Nagligalig ang Mamay dahil sa marami daw kato, amoy
hawot at makati pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang bayad. Sa pagkabanas ay napaingles ang Mamay "I'm entitled for senior citizen discount". Wala kang galang sa matanda, dapat kang ipabarangay. Siguro hindi ka taga Batangas ano? Naglabas na ng balisong ang Mamay. Oops......awat na.
--------------------------------
Pop Dado: Sana ay naintindihan ninyo ang 52 Batangueno words at nakapulot kayo ng gintong aral

M.I.B.: Teka, yung 52 Batangueno words naintindihan naming dahil purong Batangueno kami pero ano ga yung gintong aral dine?

Pop Dado: Ala ako'y tagapagkwento laang, bakit hindi ninyo na lang tanungin ang Mamay.
 
Tagalog po yan Salitang Batangueño

Guyam = Langgam

Bilot = Tuta

Pasal na Pasal = Gutom na Gutom

Napaumis = Napangiti

Karsada = Kalsada

Naglulupagi sa gabukan = Umupo or Gumulong sa maalikabok

Tubal = Madumi

Talipa = Baliktad na suot ng tsinelas

Balinghoy = Kamoteng Kahoy

Naulutan = Naisipan

Garutihin = Paluin o Hampasin

Bangkalang = parang kauri ito ng mga tuko (hindi ko sigurado) bata pa ako nung makakita ako ng ganyan hindi ko na tanda ang itsura. Ang alam ko makintab yan at mabilis tumakbo

Liyo = Hilo

Barik na Barik = Lasing na Lasing

Panumbi = Suntukan

Pagerper = Pok pok

Matalute = (hindi ko alam ang exact meaning pero sa amin parang pilosopo or magaling mangatwiran ng pabalang

Nagkaribok = Nagkagulo

Nagwasang = Nagalit

Kitse = Tansan

Hindi ko alam yung iba, hehe

Proud Batangueño :)
 
Tagalog po yan Salitang Batangueño

Guyam = Langgam

Bilot = Tuta

Pasal na Pasal = Gutom na Gutom

Napaumis = Napangiti

Karsada = Kalsada

Naglulupagi sa gabukan = Umupo or Gumulong sa maalikabok

Tubal = Madumi

Talipa = Baliktad na suot ng tsinelas

Balinghoy = Kamoteng Kahoy

Naulutan = Naisipan

Garutihin = Paluin o Hampasin

Bangkalang = parang kauri ito ng mga tuko (hindi ko sigurado) bata pa ako nung makakita ako ng ganyan hindi ko na tanda ang itsura. Ang alam ko makintab yan at mabilis tumakbo

Liyo = Hilo

Barik na Barik = Lasing na Lasing

Panumbi = Suntukan

Pagerper = Pok pok

Matalute = (hindi ko alam ang exact meaning pero sa amin parang pilosopo or magaling mangatwiran ng pabalang

Nagkaribok = Nagkagulo

Nagwasang = Nagalit

Kitse = Tansan

Hindi ko alam yung iba, hehe

Proud Batangueño :)

.. thanks sa info.. hahaha...
Sa inyo pala galing mga yan na word kala ko dito yan... hahaha! alam ko lang guyam, bilot, naglulupagi, tubal, talipa, garutihin, liyo, barik na barik, kitse.. yan lang yung alam kung word...
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top