What's new

Hindi makamove on sa EX

Geecko

Eternal Poster
Joined
Jul 5, 2016
Posts
545
Reaction
920
Points
294
Age
28
Paano ba makamove on sa ex-girlfriend ko?

Since May 2018 pa kami hiwalay at may boyfriend narin siya ngayon pati rin ako may bagong girlfriend narin pero hindi siya mawala-wala sa isipan ko. Di ko alam kung ano gagawin. Andami kasi namin memories at ang laki ng parte niya sa buhay ko kung ano meron ako ngayon. Siya kasi iyong naging best supporter at comforter ko noong nag-aaral pa ako sa college dahil ginawa niya ang lahat para sa akin. 🥲

Laking regret ko talaga nung nagkasala ako sa kanya nung 2018 di ko akalain na aabot sa hiwalayan. Paano ko ba siya makakalimutan at dapat ko narin ba kalimutan iyong mga important memories we had shared? Parang ang hirap, kasi pag naremember ko mga nagawa niya sa akin dati ay napapaiyak ako until now dahil siya kasi nag ****** sa graduation ko dahil iyong parents ko ay wala hindi nagpunta tapos siya rin tumulong sa thesis ko para mag success iyong thesis documentation ko. Andaming oras ang inalay niya sa akin at sacrifices. At bukod diyan andami naming good memories. Andami rin naming pangarap sa buhay na sabay2 namin sana aabutin 😭. Nakaplanado lahat eh kasi seryoso iyong pagmamahalan namin pero nang dahil doon sa pagkakamali ko ay natapos na ang lahat. Nasa huli talaga ang pagsisi.

Sino makakabigay ng advice, di ko kasi siya magawang kalimutan, nasasaktan ko rin emotionally GF ko ngayon dahil alam niya na hindi pa ako nakaget over sa dati kong ex.

Iyong ex ko ay ayaw rin makipag usap sa akin ng harapan, iyong pagkahiwalay namin ay over the phone nangyari hindi kami nagkaroon ng closure kaya gumawa ako ng paraan dati at pati grandparents ko ay sumuporta ng expenses para magkausap lang kami. Pinabayaan nila ako magtravel 70kms papunta sa Town kung saan siya nag-aaral para lang makausap ko lang siya, ilang beses ko ito ginawa pero hindi talaga kami nagkita at nagkausap hanggan sa lumuwas ako ng Maynila at ngayon nakauwi na ako sa probinsya ulit, mas lalo ko siyang na aalala 🥲. Bawat lugar at bawan daan na napuntahan namin dati ay naalala ko mga pinagdaanan namin. Hays
 
balikan mo kaya, ako kasi nagka gf ako at bf sya pero ilang days lang nakiag hiwalay kami sa mga bagong partner namin tapos nag blaikan. Masaya na kami ngayon.

5 beses pala ako nahuli nag cheat nun

pero sa huli tlga pagsisisi try mo paniwalain syang nag sisi ka tlga tas makipag balikan

sakin kasi gumana yun eh
 
2x na niya ako na block sa fb tapos inunblock ulit ngayon tapos iyong mga post niya sa fb timeline niya ay puro about love qoutes tapos sabay mention sa bf niya ngayon. Sa tingin mo ba bro ay mahal pa ako nun gusto ko e try itong advice mo. Subukan ko ayaw ko magsisi pagdi ko sinubukan.
 
Base sa mga comment sa taas lods cnasabi nila itry mo mkipagbalikan, ang sagot ko nman jan try mo tlaga kysa magsisi ka hndi m sinubukan
 
It's indeed hurt to move on without closure because healing is different from closure itself.Yes it's possible to heal without closure but it takes time and a lot effort.There's still that pain you keep holding on and still left.But in order to fully heal ,you need to give yourself a time,you need to weight and realize what you have lost especially if that break up had a significant meaning to you.It's not impossible though to move on without closure,all you need to have is a long patience and of course discipline in yourself.It all begins with you.You just need to have a time frame for figuring out everything.Avoid holding you emotions or feelings in or else it will just deepen the pain and will give you depressions and anxiety in the long run.You can ask her to communicate with you by then ,but if there's no response at all,that's a powerful sign that you need to learn to accept everything and move on.There's alwsys a reason behind that "no response."
Avoid self blaming.It will only create a negative feelings towards yourself.Stop focusing on your imperfections.Just learn to let go all the hatred,anger ,and forgive and just hope for the best for her.Try to reflect and learn from your experiences and focus on your present.
 
Kung ako yung gf mo ngayon mas gugustuhin ko na lang na palayain mo ko kesa tayo nga pero iba naman nasa isip mo. Napaka unfair nyan sa part nya. Kasi kung mahal mo pa rin ex mo dapat hindi ka nanligaw sa current gf mo ngayon. Hindi mo dapat sya sineryoso para sa una pa lang alam na nya kung saan sya lulugar.

Kung nasasaktan ka pa rin ts sa breakup nyo ng ex mo, nasasaktan mo din yung gf mo ngayon. Apektado sya sa past mo kahit wala naman syang kinalaman doon. Ang unfair diba? Set her free ts. Magmahal ka pag alam mong ready kana pumasok sa relasyon.
 
hayaan muna ts . wag muna ipilit isip mo na isipin sya kasi di karin nya iniisip 😅 ang gawin mo tanggapin mo nalang try mo 😬😬 thanks me later
 
for me bossing if tingin mo di ka pa maka move on wag ka na muna pumasok sa relation sa iba since dadagdag lang sa isipin mo yung konsensya
 
yan ang tinawatawag na greatest love or the one that got away need mo na lang din ifocus sarili mo sa kung ano meron ka life goes on ts ganyan din hanggang ngayon na may family na ako naisip ko padin ex ko same din college days pero ang kaibahan di ako nag cheat ahaha kahit nga may anak at asawa na ako at kasal na ako naiisip ko padin ex ko big part na din kasi siya ng buhay ko pero mas priority ko nadin ang present
 
nkakaguilty man, ganto ako.
ang nag pupull sakin sa d ako maka move on is mga trinetreasure kong gamit namin, pictures and mga material na bagay.
let it go na. wag mo i keep mga bagay na may memories kayo. promise nakaka gaan ng loob.
 
It's indeed hurt to move on without closure because healing is different from closure itself.Yes it's possible to heal without closure but it takes time and a lot effort.There's still that pain you keep holding on and still left.But in order to fully heal ,you need to give yourself a time,you need to weight and realize what you have lost especially if that break up had a significant meaning to you.It's not impossible though to move on without closure,all you need to have is a long patience and of course discipline in yourself.It all begins with you.You just need to have a time frame for figuring out everything.Avoid holding you emotions or feelings in or else it will just deepen the pain and will give you depressions and anxiety in the long run.You can ask her to communicate with you by then ,but if there's no response at all,that's a powerful sign that you need to learn to accept everything and move on.There's alwsys a reason behind that "no response."
Avoid self blaming.It will only create a negative feelings towards yourself.Stop focusing on your imperfections.Just learn to let go all the hatred,anger ,and forgive and just hope for the best for her.Try to reflect and learn from your experiences and focus on your present.
Maraming salamat po sa advice

Maraming salamat po sa lahat kasi alam ko na kung ano dapat ko gawin.
 
Kung ako yung gf mo ngayon mas gugustuhin ko na lang na palayain mo ko kesa tayo nga pero iba naman nasa isip mo. Napaka unfair nyan sa part nya. Kasi kung mahal mo pa rin ex mo dapat hindi ka nanligaw sa current gf mo ngayon. Hindi mo dapat sya sineryoso para sa una pa lang alam na nya kung saan sya lulugar.

Kung nasasaktan ka pa rin ts sa breakup nyo ng ex mo, nasasaktan mo din yung gf mo ngayon. Apektado sya sa past mo kahit wala naman syang kinalaman doon. Ang unfair diba? Set her free ts. Magmahal ka pag alam mong ready kana pumasok sa relasyon.
Tama si Sir.
 
Kung ako nasa part mo pipiliin ko nalang mag move on at di papairalin ang past. Nagkasala yung gf ko dati sa akin at gusto nya makipag balikan na may BF na sya. Alam ko na meron parin akong pagmamahal sa kanya.
Feelings or logic? Pinili ko maging lohikal and look for the other side. Meron ba akong taong masasaktan if ever na gagawin ko yung bagay nayun? May mga tao ba na matatapakan ko?
Yan rin ang isipin mo ts sa mga gagawin mo. másáráp gumala sa mundo na di ka nakakaramdam ng guilt at shame. Di baleng mahirap ang pagdadaanan ko at maraming bagay ang masasayang. Yang mga bagay nayan di ko pinaghihinayangan. Yung memories at mga na contribute nya sa akin at na contribute ko sa knya.
Napaka importante na may moral ka. Oo nagkasala kana. Pero dapat magkaroon ka ng accountability at learn from it.
It is what it is.
 
2x na niya ako na block sa fb tapos inunblock ulit ngayon tapos iyong mga post niya sa fb timeline niya ay puro about love qoutes tapos sabay mention sa bf niya ngayon. Sa tingin mo ba bro ay mahal pa ako nun gusto ko e try itong advice mo. Subukan ko ayaw ko magsisi pagdi ko sinubukan.
paps parang naging panakip butas bago mong gf sorry dapat hindi ka muna pumasok sa bagong relasyon kung di ka pa clear sa ex mo kawawa naman yang bago mo kung hangggang ngaun eh mas tinitibok nang puso mo yung ex mo.

kung may bf na sya hayaan mo nalang sya at mag move on wala kanaman ibang choice kung hindi tanggapin na wala na sya say at meron na syang bagong mahal real talk masakit talaga yan lahat naman talaga sa huli ang pag sisi pero pinaka the best na gawin mo is improve your self wag mo nang ulitin yung ginawa mo sa bago mo doon mo nalang ituon ang pag mamahal mo

doon mo ibawi sa bago mo ipakita mo sa ex mo na nagkamali ka lang talaga sa nagin desisyon mo sa buhay dadating din yung araw na kahit hindi mo sabihin yung nararamdaman mo pero makikita nya na tao tayo nag kakamali at tao tayo nagbabago.

and bro tip wag kang masyadong maging attach sa partner mo maging independent ka sa sarili mo handle your sh!t lalaki tayo brad dadating karin sa point katulad nung umpisa para pag nangyari ulit yun alam mo ang gagawin mo ingat TS naiintidihan ko yang part mo kasi hindi lang ikaw ang nakakaranas nang ganyan :)
 
Last edited:
Kung minimention niya jowa niya meaning proud siya and happy siya na nakikita nang mga tao kung sino yung taong bumubuo sa kanya. Hindi pwede yung sasabihin na gusto mo na subukan kase sobrang mali kung sila pa, tsaka mo subukan kung walang sila.
 
Sa totoo lang, hindi nman talaga natin makakalimutan ang mga ex natin eh, kumbaga part na sila ng nakaraan natin at hindi na natins ila makakalimutan. Kaya lng kung feel mo na wla na talagang chance na magkabalikan then kailangan mo na talaga syang i let go, pero kung feeling mo nmn may chance pa then find ways para kausapin sya pero wag namn sa chat, malay mo lahat ng message mo bf nya nagbabasa, yari ka talaga pag nagkataon🤣✌️
 
Similar threads

Back
Top