What's new

Hi baka pwede makahingi ng insight nyo kung nagccheat na GF ko LDR kase kami.

minsan nag tatanga tangahan nalang tayo kahit alam mo na sagot sa mga tanong mo, kasi mahal mo e, ang kaso nga if meron na talaga siyang iba mararamdaman mo agad yan, hindi lang sa pagiging cold meron yan actions na mapapansin mong bago sakanya. yung kahit na ganyan nangyayari sainyo pag nakita mo siya blooming pa rin positive na meron ng iba.
 
cold tas ayaw makipag ***. positive na yan. hinihintay ka nalang bumitaw nyan kasi may kapalit kana. Try mo rin sya puntahan ng d nagsasabe sa kanya. yung araw na may pasok sya. to see is to believe. nandito lang ang pamilyang phc para sayo.
 
Last edited:
Mahirap talaga pag LDR sa panahon ngayon, di ka paranoid, di mo lang kayang tanggapin ang katotohanan kasi mahal mo yung tao.
 
there's this girl i know of,a kind,sweet,smart and super beautiful from the province.then nag rto din sa manila.she has a boyfriend abroad and afaik she's been super faithful sa bf nya.then one day nagpopost na si girl sa insta ng mga sensual photos na never nya naman ginagawa,nagiging close din sya sa guys na ka work nya.then nagagalit yung bf so nagkaron sila ng cool off/nagkaka labuan.
the point is,idk kung totoo,na iba ang takbo ng life sa manila,may pressure at maraming tukso compared sa province.
take this with a grain of salt ts,kung nagiging cold na sayo,ikaw na tumapos sa relasyon.it's not worth it,focus on yourself.
 
Good luck na lang masasabi ko TS, sinabi muna lahat ng mga bagay na reason para hiwalayan mo siya
 
kung love ka nyan or kung walang syang ginagawang hindi okay, hindi ka pag iisipin nya ng ganyan lalot nag oopen ka na sa kanya bago sya yung naiwas sa usapan. pag ganyan mag isip ka na ng malalim
 
Leave the boat habang maaga pa, I think kagaya lang kita na hindi makabitaw, mag simula ka nalang ulit. Wag ka mag worry sa future take mo na yan as first step and eventually everything will fall in its place.
 
Rumekta ka sa source boss. Kausapin mo yung partner mo kung anong plano niyo talagang dalawa, pag usapan niyo yang nararamdaman mo now. Then dun ka mag decide kung anong gagawin niyo. Pero malaki yung chance na may iba na yan base sa mga senyales mo
 
makinig ka lang ng mga lab song idol galing sa bandang tubero tyak na mapupuno ka ng insperasyon sa mga ganyang sistema
 
my something nga si girl. pero kong ako sayo mag detective mode kana caught her in the act. para sa peace of mind mo. ganyan din sakin pag cold yung treatment sakin alams na nagmala detective ako ayun nahuli ko may nilalandi na iba. so advice ko instead of overthinking hulihin mo muna.
 
TS huwag ka makikinig sa sinasabi na iba na humanap ka ng ibang babae, di yan ang solusyon. Kung ako sa katayuan mo magmamakaawa ako sa kanya na sana huwag ka niyang pagtataguan. If may iba na siya or di ka niya mahal prangkahin ka niya, tatanggapin mo yun basta magpakatotoo lang siya para wala siyang nasasaktan. Kung may iba yan TS, aamin yan. If tumanggi naman at sabihin wala, tanungin mo na anong plano nyo sa future magpapakasal na ba kayo, para atleast magkaroon ka din ba ng idea if legit ba talaga. If for example naman umamin na sayo na meron siyang iba, hiwalayan mo na TS. Focus ka nalang sa sarili mo, ilaan mo sarili mo sa iba like sports, magbusiness ka, family, or work hard, atleast may mapapatunayan ka diba. I hope makatulong ito sayo.
 

Similar threads

Back
Top